Chapter 30

112 3 0
                                    

I didn't think much about Aves I'm thinking more about spending more time with the girls. Especially when they always invite me wherever they go, they want me to come with them and I can't say no to them.

"Tara pumunta tayo sa beach mag swimming tayo." Aya ni Shaylee sa akin.

Wala naman akong magawa dahil hindi ko kayang tumanggi sa kanya at isa pa ay hindi nila gusto na tumanggi ako. Ano pang choice ko edi sumama sa kanila, wala na akong magawa eh dahil sila na ang nag desisyon para sa akin.

"Sama ka sa amin Heidi pag hindi magtatampo ako sayo." Saad niya kaya napabuntong-hininga ako at tumango sa kanya.

"Wala na akong magawa eh kayo na ang nagdesisyon." Umirap ako pero natawa lang sila sa akin.

Pumunta muna ako sa kung saan sila Aves dahil gusto kung dalhin si Noori sa akin, napansin niyang paparating ako kaya lumingon siya sa akin at matamis na ngumiti.

"May lakad kayo?" Tanong niya sa akin at nakangusong tumango.

"Oo ayaw ko sana pero wala akong magawa eh." Napabuntong-hininga ako at natawa naman siya.

"Wala ka talagang magawa." Natatawang saad niya kaya naman umirap ako. "Gusto mong isama si Noori diba? Am I right?" Tanong niya sa akin.

"Yes you are right, sayo lang siya palaging sumama sa akin hindi na. Ako yung amo niya pero sayo siya palaging nakasunod." Reklamo ko at nakangiti lang ito sa akin.

"Okay dalhin mo na siya." Saad niya at binigay sa akin ang tali ni Noori.

"Noori come!" Tawag ko sa kanya at hindi ito nakinig sa akin. Tinawag ko ulit pero hindi ito nag patinag at naka-upo lang ito kahit anong hila ko sa kanya hindi talaga siya lumapit.

Napa-iling naman si Aves, lumapit ako sa inupuan ni Noori para buhatin ito pero tumakbo lang ito papunta kay Aves.

"Ahh ayoko na, bahala ka sa buhay mo." Nakanguso kung saad at umalis narinig ko naman ang mahinang tawa niya. Padabog akong pumunta sa gawi nila Hygeia at napansin nila na akong paparating kaya napalingon sila sa akin.

"Oh anong nanyari, ba't ganyan ang mukha mo?" Tanong ni Cassana sa akin at mas lalo akong napanguso at umupo sa tabi ng aking pinsan.

"Ayaw sumama sa aki ni Noori." Sagot ko sa tanong niya.

"Hindi naman talaga sumama sayo si Noori ah." Sambit niya.

Totoo naman dahil palagi itong sumama kay Aves at hindi sa akin.

"Mukhang hindi na ako ang amo niya." Napabuntong-hininga ako at humagikhik sila.

"Heidrùn umamin ka nga." Sambit ni Hygeia at napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo. "Anong namamagitan sa inyo ni Asil?" Tanong niya at napahinto ako.

"Wala...walang namamagitan sa amin." Sagot ko sa kanya.

"Talaga ba?" Asar na tanong ni Cassana sa akin at tumango naman ako.

"Oo naman wala talagang namamagitan sa amin." Sagot ko dahil totoo naman wala talagang namamagitan sa amin.

Napasinghap si Shaylee kaya napalingon ako sa kanya at nangunot ang noo ko.

"May nanyari sa inyo?" Nanlaki ang mata niyang tanong sa akin at napa-awang ang labi ko sa sinabi niya.

"WTF!!" Sigaw ko sa kanya, walang nanyari sa amin.

Bigla kung naalala yung nanyari pagkatapos ng birthday ko, damn nakakahiya yung ginawa ko.

"Mukha kasi dahil ang close niyo talaga." Saad ni Hygeia at napatango naman ako.

Leaving Without Saying Goodbye | Glimmer Of Hope #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon