MARIAE'S POV
"Hmph! Nakakainis." nandito ako ngayon sa sala namin. 6:30 am na pero wala pa rin yung sundo ko. Sino pa nga ba? Eh si Carlo lang naman yun.
"Anak naman, ang aga-aga nakasimangot ka na naman jan. Anong problema mo?" tanong sakin ni mama.
"Eh mama naman kasi ang tagal-tagal ni Carlo. 7am ang start ng class namin pero wala pa rin sya. Nakakainis talaga yung lalaki na yun." napatingin naman ako kay mama. Nakangiti sya.
"Ma? Why are you smiling?" eh kasi naman makangiti 'to si mama. Nakakaloko. Grabe.
"Wala anak. Naalala ko lang yung sarili ko sayo nun. Naiinis din ako sa daddy mo nun nung matagal nya akong sunduin. Hahaha. Nag-e-LQ lang-"
"Ma!!! Ma naman eh!! Hindi naman kami ni Carlo eh. Magkaibigan-tsk. Frenemy kami ma!" my mom laughed at me. Aarrgghh!! Pati ba naman nanay ko?
"Anak naman, napakadefensive mo. Niloloko lang kita eh. Haha. At saka, lagi ka nalang nakasimangot. Ngumiti ka naman. Sayang ganda mo eh."
"Ma naman eh!" magsasalita pa sana si mama kaso...
*beep* *beep*
My mom smiled at me.
"Oh anak, yung boyfriend mo nanjan na. Labas!"
"Ma naman! Aish." tumayo na ako at saka nagkiss sa cheeks nya.
"Bye ma. Love you."
"Bye 'nak. Ingat." lumabas na ako ng bahay namin. Agad ko namang nakita si Carlo na nakasandal sa sasakyan nya. Problema nito? Bakit yata mukhang matamlay 'to?
"Oyy. Anyare sayo?" tanong ko sakanya.
"....." luuuhhh? Di ako sinasagot. Tsk. Ano problema nito? Nakashades sya eh wala pa namang araw tapos yung kamay nya nasa bulsa nya.
"Hoy Carlo! Hoy!" shinake-shake ko sya. Teka?
Tinanggal ko yung shades nya and...
(__ __)" He's sleeping. For Pete's sake!!!
Ok. Inhale. Exhale.
"CARLO!!!!!" agad naman syang napaayos ng tayo nya. Leche! Aga-aga napasigaw ako.
"Ano ba yan, Mars! Aga-aga eh!"
"Eh kung hindi ako sumigaw sa tingin mo magigising ka?"
"Tsk. Oh ano na? Tara na."
"Tara na talaga! Ang tagal-tagal mo at saka. Bakit ka ba nakashades ha?" pinipilit kong tingnan yung mukha nya, to be more specific, yung mata nya kaso naman iniiwas nya at pilit yumuyuko.
"Ano ba Carlo? Patingin nga ng mata mo!"
"Mars naman eh. Wala yan!!"
"Anong wala? Ano bang nangyari sayo huh?" tanong ko sakanya. He sighed in defeat. Alam nya naman kasing di ko sya titigilan kung di nya rin sasabihin sa'kin.
"Oh ayan na." humarap naman sya sa'kin at swear, mukha syang nasapak. May parang black eye kasi eh.
"Pft. Hahahaha. Teka...teka...nasapak ka ba? Black eye ba yan? Hahahaha." tanong ko sakanyan nung nakasakay na kami ng sasakyan nya. Syempre, nilagay ko na yung seatbelt ko. Baka mamaya pagtripan na naman ako eh.
"Hindi yan black eye. Eyebags yan. Tss."
"Pft. Hahaha. Sorry sorry. Mukhang black eye eh. Hahaha."
"Nakakatawa Mars, grabe. Salamat sa pag-appreciate."
"You're welcome."
"Ang kulit mo talaga. Tsk." tapos nun pinaandar nya na yung sasakyan. Sarap nya talagang pagtripan. Laging talo eh. Sabagay, pinagbibigyan nya naman kasi ako lagi.
BINABASA MO ANG
The Matchmaker
Teen Fiction(SHORT STORY) Gagawin kong mala-fairytale ang kanilang lovestory. At ako ang kanilang fairygodmother. Ipapa-realize ko din sa kanila ang definition ng salitang "Inlove" Mala-kupido din ako noh? Pero para mas sosyal.. I'm the Matchmaker.