Chapter 1: Let the War Begin

139 4 2
                                    

PROF. ANNA'S POV

Sa Canteen

Carlo: "Mars Bati na kasi tayo!!!"

Mariae: "Heh! Lumayo ka nga sa'kin Carlo, kung ayaw mo mabangasan yang mukha mo!"

Ako: "Ano ba yan! Ang ingay ingay naman nitong dalawang to."

Carlo: "Mars!! Sorry na!!!"

Mariae: "Tigil-tigilan mo nga ako sa sorry mo. Para kang sirang plaka!"

Carlo: "Ehh! Hindi ako tatahimik hangga't hindi mo tinatanggap sorry ko."

Ako: "Teka, maka-eksena nga sa dalawang to."

Mariae: "Osge, manigas ka! Bahala ka jan!"

Carlo: "Mariae naman eh! Bati na tayo!"

Ako: "Oy, oy! Kayong dalawa na naman! Wala na 'kong narinig sa inyo kung hindi away!"

Mariae: "Eh ma'am. Eto po kasi si Carlo. Nag-ayos na naman ng Prank sa'kin sa CR ng girls."

Carlo: "Eh kasi ma'am. Gusto ko lang naman po makita yung reaction niya eh!"

Ako: "Hay nako, tigilan niyo nga ako. Nakaka-irita kayo pakinggan. Osya! Mamaya na kayo mag-patayan ha. May klase pa kayo. Humayo na nga kayo.. Layas! Bilis!"

-Binelatan lang ni Mariae si Carlo at umalis na-

Ako: "Para kayong mga bata! Tatanda niyo na!"

Mariae: "Hmp!"

Ako: "Hoy Carlo, aware naman siguro kayo ni Mariae na maraming nanood sa inyong tsismoso't tsismosa noh?"

Carlo: "Opo.. Eh, wala akong pake sa kanila."

Ako: "Aba, syempre. Na 'kay Mariae lang ang atensyon mo eh." (^_^)

Carlo: "Ma'am naman.. Yan na naman kayo eh. Best friend ko nga lang ho si Mars."

Ako: "Oy! Wala akong sinasabi ha. Sabi ko lang naman na, na'kay Mariae lang ang atensyon mo eh."

Ako: "Eh kasi naman ma'am. Yung ngiti niyo. Ngiting aso.... De joke lang!" (^_^)Y

[Panira to ng araw! Ganda ganda ng ngiti ko eh. Sabay lait?]

Ako: "Heh! Pumasok ka na nga sa klase! Isusumbong kita sa principal eh!"

Carlo: "Joke lang ma'am! Ito naman.. "

Itong dalawang bata talaga. Parang aso't pusa. Walang araw na hindi sila magka-away. Si Mariae at Carlo. Mag-bestfriends sila. Pero hindi lang halata. Brutal ang lambingan nila eh. Kahit isang maliit na bagay, pag-aawayan nila. Mga isip-bata pero katawang kolehiyo na eh. At oo.. Ako ay isang Professor. Major ko ang Music and Arts. At itong dalawang to ay graduating ng BS Music Education. Kaya handle ko sila. Matanda na ako SA EDAD. Pero sa mukha, aba'y... Batang bata!

MARIAE'S POV

Hi People! Gusto ko lang i-clarify my name.. It is pronounced as /Mariyey/.. 

Kilala niyo ba si Mariae Digby? Yung singer? Ganon yung pronunciation nun. Ang arte kasi nung author eh. Arte ng name.. Anyway.. Ako si Mariae Castillo. Yung kausap ko kaninang lalaki, best friend ko yun. Eh ngayon kaaway ko. Kaya Best Frenemy muna. That's All..

CARLO'S POV

Hi Guys! Wazzzup!? The name's Carlo Camillo. 21 years nang pogi. Yung babaeng kausap or kasigawan ko kanina ay si Mariae. Mars for short. Maarte kasing bigkasin pangalan niya eh. Anyway.. Graduating kami parehas ng College. Si Prof Anna.. Para namin siyang Nanay/ Tropapips dito sa University. Kaya close talaga kami.

The MatchmakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon