Prologue

17 0 0
                                    


Gabrielle's P.O.V

"Why are you pushing me away?"

That words keeps on repeating on my mind. My hearts shattered into pieces when I heard those words from him.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Kahit na gustong gusto ko siyang harapin at yakapin hindi ko magawa.

Habang palayo ako ng palayo mula sa kaniya. Siya namang unti unting nawawasak ang puso ko.

This is the best for the both of us, Jeo.

Hindi ko siya kayang harapin ngayon. Hindi ko kayang ipakita sa kaniya ang mahinang ako. Hindi ko kayang ipakita sa kaniya na ganito ako kahina.

Malamig na hangin ang yumakap sa akin habang papalayo ako sa dalampasigan. Naririnig ko rin ang huni ng mga ibon at unti unting kinakain ng dilim ang araw.

"You like him right?" I heard someone from my back. I knew who he was. Felix.

"You are really good at shutting people out of your life" hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa pag lalakad. Oo na magaling akong mag paalis ng tao sa buhay ko. Oo na ganoon akong klaseng tao.

"Walking away means you are afraid" that made me stop. "See. I was right."

I faced him"If you are in my position you will understand me" I tried not to cry but tears keep falling in my eyes.

"You need to pull yourself together. This is not the right thing to do" I shake my head and turned my back. Who are you to say that?

"Don't leave your coffee for too long it will get cold. I am not talking about the coffee here" pinunasan ko ang mga mata ko at lumayo sa dalampasigan.

Hindi ako nagpunta sa kwarto. Naglakad lakad ako papunta sa pond. Tama lang ang ginawa ko. Pag hindi para sa akin hindi para sa akin. Tigilan na.

Ayokong paasahin pa siya sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan. Ayokong paasahin siya sa bagay na hindi ko maiibibigay sa kaniya. Ayoko ng ganoon.

Ayoko.

Pushing him away is the only thing I think I can do for him to stay out. Mas mabuti na ako na lang ang masaktan at hindi ang ibang tao.

Marahas kong pinunasan ang mata ko ng maramdaman ko na basa ito. Umiiyak pala ako hindi ko alam.

I went back to my room. Laid on the bed and stare at the ceiling. My phone keeps ringging but I choose not to open it. I think they are asking if I will join them on the dinner later.

Magkalapit lang ang resto ng resort at ang kwarto ko kaya makikita ko sila sa balcony. I stood up to see them. But then I saw him there I can't eat with them.

Nagdesisyon akong magpa-room service na lang. Tutal ayokong lumabas dahil makikita ko siya. Huling araw na rin naman namin dito sa beach resort.

Gusto ko pa sanang libutin ang buong isla pero alam ko hindi ko magagawa 'yun ng nandiyan siya.

Sa susunod ako na lang mag isa ang maglalakbay.

Dumating na yung inorder ko at kumain na ako. Habang kumakain ako nagreply ako sa chat ng mga kaibigan ko kung bakit hindi ako nakasama sa dinner namin.

"Naka order na ako sa roomservice ng magchat kayo. Sorry" palusot ko. Syempre hindi ko naman puedeng sabihin na ayokong kumain kasama sila. Baka naman magtampo sila sa akin.

Mahirap pa namang suyuin ang mga 'yun. Nakatapos na akong kumain ng maisipan kong lumabas sa may balcony para tingnan ang mga bituin. Paglabas ko biglang humampas ang malamig na hangin. Kaya napabalik ako sa loob para kumuha ng jacket.

Under  Purple Skies (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon