Under The Purple Skies 1

5 0 0
                                    

Jeo's P.O.V.

"Jeo?" Nabalik ako sa realidad ng magsalita si Mama sa harap ko.

"Ma? Bakit?" tanong ko.

"Nakita ko sa bahay 'yung mga dokumento mo" I frozed"Hindi ka pa ba mag aaply sa university?" napako ang tingin ko sa lamesa. Alam ko na kung saan papunta ang usapan na 'to.

Magmula ng huminto ako sa pag aaral iyan ang palagi nilang tinatanong sa akin. Kung mag aaral pa ba ako o hindi.

Hindi ako nagsalita"Huwag mong sabihin na hindi ka na mag aaral?" saad niya. Eto na naman po tayo.

I tried to calm myself down" Mag aaral ako, Ma. Hinihintay ko lang na magbukas yung university ng enrollment para sa transferee-"

"Bakit hindi ka kasi nag enroll noong second semester? Ayan tuloy nahuli ka"

"Bakit hindi ka na lang bumalik sa dati mong university?"

"Bakit hindi na lang yung katulad ng course sa pinsan mo ang kunin mo?" Sunod sunod niyang tanong.

Hindi alam ni Mama kung gaano ako nahirapan sa dati kong kurso. Accountancy ang kurso ko dati dahil iyun ang gusto niya na kunin ko.

Hinayaan ko lang si Mama na magsalita. Gusto kong magsalita. Gusto kong sabihin sa kaniya kung ano ang gusto ko.

Pero kahit na magpaliwanag ako hindi siya makikinig. Hindi niya ako pinakikinggan. Mama knows my favorite food but she doesn't know what I am good at.

May kurso akong gustong kunin pero ang lagi niyang sagot ay iba na lang ang kunin ko. Gusto niya ay katulad din ng sa pinsan ko. Nakakawala ng eherhiya ang usapan tungkol sa kurso ko.

Kung maari lang na huwag pagusapan ang bagay na ito. Kung maari lang na hindi ko sabihin kay mama kung anong kurso ang kukunin ko.

Nakakapagod ang laging magpaliwanag.

Kinuha ko ang cellphone ko ng tumunog ito. "Kuya bakit hindi mo sabihin kay Mama na multi media art ang kukunin mo?" basa ko sa chat ni Jed sa akin.

Tumingin ako kay Jed. I shaked my head. Sinenyasan niya ako na sabihin ko kay Mama. I shaked my head again and he stoped. He knows that I am serious.

"Nakikinig ka ba Jeo?" binaling ko ang attensyon ko kay Mama."Yes, Ma."

"Engineering na lang ang kunin mo. 'Yun din ang course ni Gen," I just nod. Sinasabi ko na nga ba at iyan na naman ang ipipilit niya. Where is our d*mn food? Para tumigil na si Mama sa usapang college course.

Magsasalita pa sana si Mama kaso dumating na 'yung order namin."Pasensiya na po sa delay" sabi ng server.Salamat naman at dumating na.

"Okay lang. Salamat," pagkatapos ihain ang pagkain sa lamesa namin nagsimula na kaming kumain.

Tumingin ako sa gawi ni purple girl. Nanlaki ang mata niya ng magkita ang mga mata namin. Muntik pa siyang mabilaukan dahil sa gulat. Dali dali siyang uminom ng tubig at tumingin sa kaliwa at kanan.

Hindi niya siguro inaakala na hanggang sa resto magkikita kami. Hindi ko na nakita si purple girl dahil humarang yung server sa pagitan namin.

"Wait. Bro, you already did the entrance exam for transferee? D*mn bro. Are you a ninja?"I grab the small pillow beside me and throw it to him while he is sitting on his gaming chair.

This dude only gives headaches. He's not helping me. He dodged the pillow. "Woah. Easy," he went to the single chair beside the sofa.

"But does your mother know about this?"his expression becomes serious. Of all the friends I have he is the most serious when it comes to this matter.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Under  Purple Skies (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon