Last take

17 1 0
                                    

"Hindi lahat ng SORPRESA masaya. Katulad na lang kapag nalaman mong may iba na pala siya, na habang kayo pa."




—————————————-



Georgina's.




It's been 1 week simula nung nagbreak kami ni Wade. Walang nagbago, umiiyak at kulong ako sa kwarto ko. Alam na rin nina Mommy ang nangyari sa amin ni Wade.




Biglang nagtext si Charlotte sa akin..




May sasabihin ako, Georgina.. -Charlotte.




Kinabahan na naman ako. Di ko alam kung bakit..




Ano yun? -Georgina.
















Umamin sa akin si Wade last week. Before graduation.. December pa lang hindi ka na daw niya mahal. Nakamove on na siya nung mga panahon na yun because he realized na hindi ikaw ang babae na para sa kanya. Habang kayo George, may iba pa pala siyang girlfriend pwera sayo. Sobra akong nagalit sa kanya pero may sinabi ulit siya.. Mahal niya daw ako George. Mahal na mahal. Matagal niya na daw akong gusto. Georgina, gusto kong magsorry. Di ko ginusto na mahalin niya ako. Alam mong si Carl lang ang gusto ko. Sira na rin ang friendship nilang dalawa dahil sa akin dahil sinisiraan ni Wade sa akin si Carl. Pero di ako naniniwala sa kanya. Georgina, patawarin mo ako. Di ko 'to ginusto. Nagpakaselfish na si Wade para sa akin pero hinding-hindi niya ako makukuha. Mas nagalit ako dahil wala na siyang pake kung nasasaktan ka ngayon dahil kasalanan mo ang lahat. Sorry George, sorry. -Charlotte.




Nabagsak ko yung phone ko sa nabasa ko. Sobrang wasak na talaga ako. Di na ako nakapagreply sa sinabi niya. Nakakaramdam ako ng galit at hinanakit sa kanila.




Nalaman ko pa ang lahat kung kailan wala na akong karapatan kay Wade. Gusto kong mamatay sa mga nalaman ko.




Noooo, gusto kong makalayo sa kanilang lahat. Umalis at lumayo sa mga nanakit sa akin.




Kinausap ko si Mommy about my college..




Georgina: Mom, gusto ko pong mag-aral sa ibang bansa. Yung inooffer niyo po sa akin na magaaral ako sa London, tinatanggap ko na po yun. Gusto ko pong makalayo at makalimot, Mom. Sana po payagan niyo po ako..




Yinakap na lang ako ni Mommy habang umiiyak ako. She said yes.

Gusto kong makalimot kaya tama lang na lumayo ako. Im devastated. Im broken. Im in pain now.




Im just an extra sa sarili kong love story.. Sa simula palang ng istorya ko, extra na lang pala ako.




********~********~********~********



"Moving on doesn't mean giving up, it means you've finally chosen to be happy again."



——————-



A/N: Sorry for the sad ending. ._. Enjoy! ❤

Im Just An Extra (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon