100 DCWAGP: Cast your tears on me

36.7K 470 14
                                    



______________________________________

This story will be edit. May mga tatanggalin o papalitan na chapters, Tatanggalin ko yung mga hindi importante sa story na ito. Magfofocus lang ito sa buhay nila Amanda at Kyle. Salamat :)))

______________________________________

 100 DCWAGP: Cast your tears on me

(Amanda's POV)

"Hoy! ikaw lalaki ka! nambabae ka na naman siguro no!" sigaw ni mama kay papa

Kahit nasa kwarto ako, sa second floor rinig na rinig ko ang sigaw ni mama. Ewan ko ba simula nung nahuli ni mama na may kiss mark si papa sa polo nya lagi na syang ganyan dahil sa madaling araw na daw ito umuuwi. Minsan nga hindi pa sya umuuwi dito. 

"Saan ka pupunta ha!" muling sigaw ni mama kay papa. Pagkatapos nun ay wala na akong narinig na sigaw ni mama. 

Nagugutom na ako, hindi pa kasi ako naghahapunan. Naisipan kong bumaba para kumain kaso narinig ko ulit na sumigaw si mama.

"Ano iiwan mo na kmi? Dun kana sa impakta mong kabet!" sigaw ni mama

"Mas mabuti na ngang sumama ako sa KABET ko DAW kaysa marinig ang armalite mong bibig!" sigaw ni papa talgang inemphasize nya ung Kabet at daw. Nung narinig ko iyon ay umakyat ulet ako pero nagtago ako sa isang hagdan na hindi na medyo kita.

"Pinaninindigan mo na ngayon na may kabet ka ha!" sigaw ulet ni mama

"Bakit alam mo ba kung bakit ako may kiss mark nung gabing un? Di mo naman pinakinggan yung paliwanag ko ah!" sigaw ni papa

"Di ko na kailangan ng paliwanag mo!" sbi ni mama

Ipinaliwanag ni papa noon kay mama kung bkit sya may kissmark sa polo nya pero hindi nya ito pinaniwalaan. Ang paliwanag kasi ni papa doon ay napagkamalang basahan yung polo nya at yun ang pinangpunas ng labi. Hindi ko alam kung totoo kasi napaka-lame nung excuse ni papa. Pinangpupunas ba sa labi ang basahan? Pero hindi naman kasi mukhang halik yun eh. 

"Mas mabuti pang maghiwalay nalang tayo!" sigaw pa ni mama at nagwalk out

Tumayo ako kung saan ako nagtatago at pumunta ako sa kwarto. Tinext ko agad si Melissa dahil ayoko muna dito sa bahay. 

To: Bestfriend ko Melissa

Best sa dating tambayan

Message sending..

Message sent!

Yung dati naming tambayan ay yung Hot bar, yes its an elite bar. Pero pwede kang maglasing kahit underage ka pa at walang nangyayaring kababalaghan dito sa bar na ito dahil hindi angkop sa aming mga virgin eyes. Yes virgin eyes pa ito dahil wala akong balak tignan ang mga bilbil ng mga lalaki, na prang shunga kung makapagmodel. Pero sa bar na ito hindi maiiwasan ang pambabastos. Pero walang halikan, sex. Meron lng holding hands.

Nagbihis na ako yung simple lang t-shirt at jeans ayoko mag bongga bka maraming mainsecure sakin.

~Hot Bar~

"Faith!" tawag skin ni Melissa. Faith ang tawag nya sakin. Mas prefer daw nya yung second name ko kaysa sa first name. Unique daw.

"Mel!" tawag ko din sa kanya. Mel ang tawag ko sa kanya. Short for Melissa.

"Bakit nga pla tayo nandito?" tanong sakin ni Mel ng may pagtataka. Ilang buwan na rin kasi akong hindi pumupunta dito.

"May problema ako Mel." sabi ko at hindi ko na napigilan ang pagbasag sa boses ko.

"Ano ba yun?" tanong nya sakin

"Isang bote ng tequila." order ko dun sa waiter. "Baka mabroken family kami!" iyak ko sa kanya. "Ayoko! Ayokong mangyari un!" dagdag ko pa sa kanya.

"Best Cast your tears on me, I know you need me in times like this." sabi nya sakin. Patuloy lang ako sa pag-iyak dahil hindi ko makakayanan ang ma-broken family. Nasanay ako na buo ang pamilya ko kaya ayaw ko masira ito.

Nakaapat na bote na ako ng tequila ng agawin ni Mel ang shot glass sakin. "Faith tama na yan."pero inagaw ko pabalik yung shot glass at nagsalin pa ng alak. Kinuha ni Mel ang kanyang cellphone at mukhang may tatawagan. 

"Kuya Gino pumunta ka dito sa hot bar, Magdala ka ng kotse. Itong si Faith kasi eh, naglalasing eh" sabi nya. Kuya ko pala ang tinawagan nya.

After 30 minutes ay dumating na si kuya Gino.

"Faith... tumigil ka na sa pag-inom. Hindi na umalis si papa."napatingin ako kay kuya. "Talaga?"tanong ko sa kanya. Ngumiti sya at tumango. Tumayo ako para sumama kay kuya pero natumba ako. Tinulungan ako nila kuya at Mel papunta sa kotse ni Kuya. Sumakay na kami ni kuya at nagpaiwan na si Mel.

"Salamat nga pala, Melissa." sabi ni Kuya Gino

"Walang anuman po yun!" sabi ni Mel at tinaas na ni Kuya ang bintana ng kotse. Siguradong may hang over ako nito bukas.

"Ikaw Faith. Ang bata mo pa, ang lakas mo ng uminom. Hindi na ako magtataka kapag nagkaroon ka ng complication dyan sa liver mo."ani ni kuya at nakatingin ng deretso sa daan.

"Sorry kuya. Nadala lang ako sa mga narinig ko kanina. Ipa-sound proof ko na lang kaya yung kwarto ko para hindi ko na naririnig yung sigawan sa bahay. Hindi na ako makapag-concentrate eh."maktol ko at tumingin sa bintana

"Alam mo Faith. Magsimula ka ng matulog at siguradong may hang over ka bukas. "

100 Days Contract with a Gangster Prince [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon