Turn 7

47 2 2
                                    

Turn 7

Vada's POV

" Kung gusto mo, Samahan ka ni JA dito para may kasama ka! " Nanlaki nalang ang mga mata ko dahil dun. Taenes! Not now!

" Mom! Hindi ka ba kinikilabutan diyan sa pinagsasabi mo? That's stupid! " Protesta ko agad kaya natawa si Mama. Tss.. She's really crazy!

" Bakit? Mukha namang mabait si JA. Tsaka, ayaw mo nun? May kasama ka? " Tanong pa niya na mas lalo kong ikinairita. Mas gugustuhin kong mag isa na lang kesa sa may kasama!

" You don't know him. He's satan! I'd rather choose to be alone with those shit maids than having him here. " Sabi ko pa kaya mas lalong natawa si Mama.

" Oh sige na. Aalis na ako.. Bye sweetie! " Paalam na niya at umalis. Napairap nalang ako sa kawalan.

I jumped into my bed at gumulong-gulong. Ahhh! Sarap buhay! Walang kasama... All alone.. Walang istorbo. This is life!

Mag isa akong naglalakad sa hallway ng Engineering department pauwi dahil wala naman kaming lectures kaya ano pang dahilan para mag stay pa ko dito? Tss.. Sandamakmak naman ng tamad na Prof and Instructor ang nandito so why bother?

Hindi ko kasabay si Hanselia. She's too annoying to be with tsaka, pupunta pa daw kasi siya sa mall.

Pagkadating na pagkadating ko sa bahay. Humilata agad ako sa big sofa na nasa living room at binuksan ang t.v.

Napaka peaceful ng araw ko ngayon. Walang istorbo, walang makulit, walang tatanga-tanga. Ilang oras din akong nakahilata dito habang ang mga maids busy sa paglilinis ng kalat ko.

Sige lang, Bagay sainyo yan.. Magbanat ng buto!

" Ma'am Vada, Wag na po kayong magkalat. Kanina pa po kasi ako walis ng walis ng kalat niyo..." Lakas loob na paki-usap ng isang maid dito kaya tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Ang lakas ng apog ah?

" Eh diba maid ka? Natural, gawa------ " Naudlot ako sa pagtataray dito kay Wana na mukhang iguana nang may mag vibrate sa bulsa ko.

Kinapa-kapa ko yun at nandun pala ang cellphone ko.

Dinukot ko yun at tiningnan kung sino ang nag text.

From: Tita

Pakitingnan-tingnan nalang si JA. Be both good.

Halos mapairap ako when I saw the last sentence. 'Be good'. Tss... Kailan pa ba ako naging good? at kailan rin ba naging mabuti yung JA na yun?

Nilapag ko ang phone ko sa kung saan at nag diretso sa pag kakalat nang may tumunog ulit. Ano ba yun?

From: Tita

Mag isa lang si JA sa bahay kaya kung pwede, samahan mo muna o tingnan-tingnan. Salamat! ♥

Seriously?

Hindi ko nalang yun pinansin at nagpatuloy nalang sa panonood. Tch.. bahala siya sa buhay niya!

Its almost seven in the evening nang mapatingin ako sa orasan. Pero bigla nalang akong hindi mapakali. Hindi ko kasi nakita kanina si JA sa school, Hindi ko rin naman siya nakasabay sa pagpasok kaya baka kung ano nang nangyari dun.

Awtomatiko akong napabangon kaya naman natapon yung nilalasab kong pagkain.

" Ma'am wag naman po kayo magk----"

" Umusog ka nga! " Tulak ko sa maid at tumayo na.

Dali-dali akong tumaas at nagbihis pagkatapos nun bumaba na din ako.

DeceivedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon