Turn 08

47 2 2
                                    

Turn 08

Vada's POV

Arte arte talaga! Masahol pa sa babae kung makareact. Akala niya naman ginapang ko siya? Ano siya sinuswerte?

Tapos na ang klase. Absent pa din si JA na maarte.

So, I decided to go at a convenience store para bumili ng mga cup noodles pagkatapos ng klase.

Titingnan ko yung si JA kung okay na ba yun kaya bumili na din ako ng makakain niya. Hindi ako marunong magluto kaya hindi ko siya pwedeng ipagluto, BAKA IKAMATAY NIYA PA! Tss..

Pagkatapos kong bumili, dumeretso na ako papunta sa bahay ng gunggong na yun.

Nang biglang umulan.

" Tsk! Bakit ngayon pa? " Bagot kong usal. Wala pa naman akong dalang payong o sasakyan kaya nagtatatarang ako dahil wala akong masilungan.

Basang-basa na rin ang damit ko sa ulan.

Ilang sandali pa, ay nakarating na din ako sa bahay nila JA.

Nakailang katok pa ako bago niya iyon binuksan.

Dumeretso ako sa loob nang buksan niya ang pinto at kung saan na lang inihagis yung pagkaing binili ko.

" Bakit ka nandito? " Tanong niya pa. Hindi niya ba ako tutulungan man lang dahil basang-basa ako? Gasgas na yang line niya eh.

" Yan pagkain binilhan kita incase magutom ka at may kukutkutin ka. " Sabi ko nalang.

Tinitigan niya lang ako tapos umalis saglit at bumalik din naman kaagad.

Iba itsura niya. Mukhang ang tamlay-tamlay niya. Eh... diba magaling na siya?

Lumapit ako sa kanya at sinalat ang noo at leeg niya. Mainit nanaman siya.

" Nagpabinat ka ba? " Deretsong tanong ko.

" Sa tingin mo ba, mawawala agad ang lagnat huh? Baliw. " Sagot niya lang kaya uminit ang bumbunan ko.

" Eh ano yung nakikita ko dun ha? Bakit may alak? " Tanong ko pa kaya napairap siya at bigla na lang tinapon sa mukha ko yung tuwalya.

" Magaling na nga ako kaya pwede umalis ka na? " Taboy niya sakin.

" Do you even know the word 'Hospitality' huh? Hindi ka ba talaga marunong magpatuloy ng bisita ng maayos? Like as you can see, It's pouring rain outside! "

" Wala sa bokabularyo ko ang hospitality kung ang mismong 'bwisita' ko ay hindi rin naman alam ang word na 'hospitality'." Nangaasar niyang sagot kaya medyo napahiya ako don.

Maya-maya'y napabahing ako ng ilang beses. Ako pa yata magkakasakit nang dahil sa kaartehan ng lalaking 'to, Sakit sa pwet eh.

" You should be thankful I brought you food to eat. Hindi yung puro arte ka ng arte lang diyan. " Biglang may pumasok nanamang demonyo sa kokote kaya napangiti ako ng tago. Maganda yata 'tong time na 'to para magtanda naman 'tong lalakeng 'to.

" Kaya from now on, Bawal kang gumala, gumimik, uminom at kung ano-ano pa! Lahat ng 'to, itapon mo lahat yan! " Ma-authoridad kong sabi habang hinahalughog ang refrigerator niya at pinag huhulog sa sahig yung mga alak na nandon.

" Este, Linisin mo pala since nabasag na! " Sabi ko pa kaya bagot siyang nakatingin sa sahig.

" At sino ka para pag bawalan ako sa mga gusto ko? LAYAS! " Sigaw niya.

Lumapit ako sa kanya at hinimas-himas ang pisngi niya at sinampal-sampal yun ng mahina.

" Sige ka... Ikaw rin! Walang mawawala sakin, pero sayo meron! Sige alis na ako. " Paalam ka at lumabas na kahit umuulan pa din.

DeceivedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon