DEDICATED TO: Orengii14
Ms. Orengii Patingola,Dear Dakilang Pato or also known as Dato puti. Hahahahaha ! Kidding aside Ms. Patingola. I'm having fun calling you that name. Sana hindi ka naooffend,Ayipppiee =)
Tomodachi 6
Ms. Paintbrush
Third Person's POV
Pagpasok ni Jessica sa condo ni Saphire ay nandon na ang lahat.
"Oh anong nangyari sayo?"tanong ni Xay sa kanya pagkapasok niya kaya't napatingin silang lahat sa kanya.
"Hindi kayo maniniwala kung sasabihin ko." sagot niya ng walang gana -_______-. Umupo siya sa sofa.
"Try us." panghahamon naman ni Saphire.
"Kasi kanina sa elevator merong bumunggong lalaki sa akin at ang ungentleman kasi di man lang nagsorry. Tapos pumasok na kaming dalawa sa elevator tapos sobrang tahimik kaya naman nag-ehem ako at alam niyo ba ang insentitive kasi tinanong ba man din ako kung may ubo daw ako.Eh di sinabi ko namang di lang ako sanay na sobrang tahimik and guess what anong sinabi sa akin mag-ingay lang daw ako at makikinig na lang siya ng music sa phone niya,Diba ang yabang at lastly di nainis na ako eh kung ano-anong pinagsasabi ko dun dahil ang alam ko di niya naririnig pero ang totoo eh sa akin pala nakikinig tapos sinabihan akong patay na patay daw sa kanya oh diba napaka Feeler.Sobra!"direderetsong sabi ni Jessica.
"Chill lang Super Jessica." sabi ni Xayezi ng natatawa pati narin sila Saphire,Zyria, at Irish .
"Oh bat niyo ko pinagtatawanan? Diba dapat tinutulungan niyo ako?"sabi ni Jessica na may pagkamataray.
"Eh sino po kayang nagsabi ng mga katagang ehem* ehem* 'Sa tingin ko mahahanap mo na ang lovelife mo at masaya ako dahil lagi kong pinag-prapray na mahanap mo na ang lalaking para sayo at yan nahanap mo na.' nagaya ba?" tanong ni Xayezi sa iba at natawa naman sila maliban kay Jessica.
"Guys don't be too harsh on Jessica I mean Super Jessica." sabi ni Irish kayat nagtawanan lang sila lalo dahil sa sinabi ni Irish. Dahil minsan siya ang nagtatanggol kay Jessica. Ngayon nakisama na siya sa kalokohan nila.
"Pati ba man din ikaw Irish nakikisama sa kanila,ikaw na inaasahan kong tutulong sa akin.Ikaw na---"
"Wag kang OA Jess." pambara ni Zyria sa kanya.Nag makeface na lang si Jessica sa kanya.
"Okay let's get back to our business.Bakit mo pala kami pinatawag Saphire?" tanong ni Xayezi.
"Wala naman gusto ko lang bonding tayo, tara outing tas overnight na rin tayo!" yaya niya na excited.
"Sige ba game ako dyan." sabi naman ni Jess na parang wala lang nangyari.Sanay na siya sa trip ng mga kaibigan niya. At hindi naman siya naoffense dahil hindi naman siya ganung kaiyaking tao para iyakan ang simpleng lokohan.
"Count me in."sabi ni Irish na nakangiti.
"Me too."sabat rin ni Zyria.
"Me three."sabi ni Xayezi habang inaayos ang kanyang buhok.
"Great! So ano na? Tara."tumayo na siya at tumayo na rin ang mga kasama niya.
Pagkatapos nilang magligpit ng gamit ay umalis na sila dahil sa sobrang excitement.Sa isa sa mga beach-resort nila Saphire sila pumunta na exclusively para lamang sa kanila.
*
"Wahhhhh! Ang ganda talaga dito!" sigaw ni Xayezi habang nakataas ang dalawa niyang kamay just shoulder level at pinapakiramdaman ang hangin.
BINABASA MO ANG
Tomodachi's Diary [CLOSED]
Teen FictionTomodachi's diary written by: foreverblessed and mafemarfzy05