DEDICATED TO : Asrah028
Love na love ko kasi yung mga story niya eh. -mafemarfzy05
TOMODACHI 4
First day of School
Third Person's POV
"ARGH! KLASE NANAMAN!"Sigaw ni Zyria. Kasalukuyang nasa tambayan nila ang magkakaibigan. Hinihintay lamang nilang mag 8:30 bago pumunta sa mga room nila. Hindi sila magkakaklase sadyang magkakaparehas lang yung oras ng first subject nila.
"Yeah! Lagi nanaman natin makikita ang mukha ni Rhia." sabi ni Saphire na abalang nagreretouch ng kanyang make up.
Samantala tahimik naman si Irish at busing-busing tumitingin kay Saphire at binabalik agad ang tingin sa kanyang sketch pad. Napansin naman ni Saphire na panay ang tingin ni Irish sa kanya kaya bigla siyang nailang.Binaba niya ang make up kit niya sa mesa.
"Hey Irish, bakit ka tingin ng tingin sa akin? Any problem to me? May dumi ba sa mukha ko?"sabi ni Saphire kay Irish habang nakatingin.Napatingin na rin ang iba sa kanya at hinihintay nila ang sagot ni Irish.
"Ha? Ah. . eh. . .Wala naman akong problema sayo Saphire. Iinisketch lang naman kita.Wag ka nang magalit sa akin."sabi niya tsaka niya pinakita ang sketch pad niya sa kanila. NapaWOW nalang sila sa gawa ni Irish.Napangiti naman si Saphire at nakaramdam siya ng saya. Dahil ang ganda niya sa iniisketch ni Irish.
"Waaaaah~ Ang ganda ko naman diyan Irish. Thanks! It so wonderful! Di naman ako nagagalit sayo eh.Ang ganda kaya, ang ganda ko dyan.You're so good talaga ever. Dapat pala wag ka na lang mag-piano,mag drawing ka na lang"sabi niya ng tuwang tuwa.Napatawa nalang sila sa naging reaction ni Saphire at sa mga sinabi niya. Well sanay naman na sila na ganun ang reaction ni Saphire. Alam nilang na kahit kunting bagay lang napapangiti mo talaga agad si Saphire. Pero kahit alam na nilang ganun talaga si Saphire. Hindi sila nagsasawang matuwa parin sa kanya.
"Ano ka ba pwede naman siyang mag-drawing nang di timitigil sa pag-piapiano eh" sabi Xayezi nang tumatawa parin.
Di na lang yun pinansin ni Saphire kundi Kinuha niya nalang ang sketch pad ni Irish at tinignan niyang mabuti ang mukha niya doon. Sobrang lapad ng ngiti niya. Tumingin siya kay Irish.
"Akin nalang ito ah." Irish nodded. Kaya naman agad na pinunit ni Saphire ang one sheet sa sketch pad ni Irish at inilagay niya ito sa bag niya.
"By the way guys, Anong oras end ng class niyo this morning?"napatigil naman sila lahat sa ginagawa nila at tumingin kay Saphire.
"Ako, 11:30 end na ng class ko."sabi ni Zyria.
"11:45 sa akin."sagot ni Irish tsaka niya pinagpatuloy ulit ang magsketch ng panibago.Ngayon naman si Xayezi.
"10:30." sagot ni Xayezi.
"Ah ako? Ahmm. 12:00 ata eh, ewan ko eh basta 12:00 yun."sabi ni Jessica at nagkamot pa sa ulo.Tumawa naman ng malakas si Zyria.
"Schedule mo hindi mo alam? Engot mo Jessie."sabi ni Zyria na tuwang tuwa.
"Hoy! Hindi ko pa kasi masyadong namemorize eh,pasensya naman.Hala kung makaengot naman itong babaeng ito parang hindi siya mas engot sa akin."sagot naman ni Jessica at nagsimula nanamang silang magbangayan.
Kung hindi niyo na tatanungin,laging nagbabangayan ang dalawang yan. Kumbaga yan ang way ng pagmamahalan nila sa isa't isa.
" stop it guys..."sabi ni Saphire ..Tumigil naman ang dalawa sa pagbabangayan.
BINABASA MO ANG
Tomodachi's Diary [CLOSED]
Teen FictionTomodachi's diary written by: foreverblessed and mafemarfzy05