01

1 0 0
                                    

Para na naman akong sasabog sa dami ng iniisip at dinadamdam.

Minsan napapatanong na lang ako sa sarili ko... Malas ba ako?

Bakit parang simula pagkapanganak sa'kin, hindi na kami nilubayan ng problema?

O baka ako 'yung problema? O kakambal ko siya? Ano ba!

Mas nakakapagod kapag paulit-ulit 'yung tanong pero wala namang sagot.

Paulit-ulit nangyayari 'yung isang bagay, hindi na natuldukan at natapos.

Hanggang kailan ba ako magtitiis?

Mali...

Ano bang solusyon sa lahat ng ito?

Am I worthy enough to receive solutions?

If yes, when?

If no, ahh, kaya pala naman.

Sa isang araw na makakita ka ng pagbabago sa buhay, ang sarap-sarap sa pakiramdam. Pakiramdam na sana hanggang bukas, o bukas makalawa ganun pa rin. No more what ifs and buts.

Kung pwede lang iextend 'yung saya na nararamdaman, 'yung galak na hindi na matatapos, 'yung unli na walang expiration. Kung pwede lang.

The first step to move on is to accept.

Acceptance, which is the hardest part...

Ellipsis...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon