Patagong sumilip si Katelyn sa labas ng madilim na eskenita at tinanaw niya mula sa kaniyang kinaroroonan ang saradong coffee shop. It was dark and quiet. Seems like nothing's happening, she thought.

At ilang sandali pa siyang nag-abang.

Maya-maya ay isang lalakeng naka-business suit at isang babaeng naka-cocktail dress na parehong nakasuot ng masquerade mask ang nakita niyang pumasok sa shop.

Katelyn took her chance.

Lumabas siya mula sa eskenita at nagtungo sa tapat ng entrance door ng coffee shop, ngunit nakita niyang nakasabit sa pintuan nito ang signboard na SORRY, WE'RE CLOSED. But they just went in, ang bulong niya sa sarili. Fuck this!

Pinihit niya ang doorknob at dahan-dahang pumasok. Bumungad sa kaniya ang kadiliman at katahimikan ng paligid. Where the hell are they? Ang naiinis na wika ng isip niya. Nakita niyang nakataob ang mga upuan sa ibabaw ng mga mesa, at ang de gulong na counter table ay nakatabi lamang sa isang sulok.

And she saw the cellar door was widely open.

Naglakad si Katelyn at sinilip kung ano ang nasa loob ng cellar door. There, she saw a wooden spiral staircase surrounded by dim lights. A staircase? Ang nasa isip ng dalaga, around fifteen feet deep. Kinuha niya ang phone sa kaniyang bulsa at kinuhanan ito ng litrato, at saka siya humakbang upang sundan ang direksyon ng hagdanan.

At nang makarating sa ibabang hangganan ng hagdan ay napunta siya sa isang maliit at puting kuwartong nasa sampung metro kwadrado ang laki na mayroong isang puti at malapad na double door. A room inside a room, Katelyn whispered.

At binuksan niya ang malapad na pintuan.

And she was amazed of what she saw.

It was a huge bright room of about two thousand square meters of floor area in high ceiling, with a total of twenty card tables, ten slot machines, a long bar area with ten chairs, round bar tables and chairs, and a runway stage with black curtains.

At nang hahakbang na si Katelyn upang pumasok ay biglang hinawakan ng kalbong bouncer ang kaniyang braso.

"Ma'am," ang sambit ng bouncer sa isang malaki at malalim na tono. "Card po?"

Inilabas ni Katelyn ang golden card na nasa bulsa ng kaniyang itim na slacks at iniabot ito sa bouncer.

Kinuha ng bouncer ang golden card at tinitigan ito. He then looked back at Katelyn. "Password po?" Ang tanong nito.

Katelyn tilted her head. Password? She thought. Napalunok siya at lumingon-lingon sa paligid. Password... Password... Ang paulit-ulit niyang bulong sa sarili. She then unbuttoned her white polo down to her chest and took out a handful of folded bucks from her cleavage.

Iniabot ni Katelyn ang nakatiklop na pera sa kalbong bouncer. "P'wede na ba 'yan?" Ang tanong niya rito.

Nagdalawang isip ang bouncer, ngunit lumipas ang ilang segundo ay kinuha niya rin ang pera at binilang ito. "Kulang, Ma'am," aniya.

Napabuntong-hininga ang dalagang undercover at umiling-iling. Kumuha siyang muli ng kaunting pera mula sa kaniyang cleavage at iniabot ito sa bouncer.

Muling tinanggap ng bouncer ang perang iniaabot ng dalagang undercover at tumangu-tango siya habang binibilang ito. "'Ge, Ma'am, okay na. Ito po card n'yo," ang nakangiti niyang wika na iniaabot namang pabalik ang golden card sa dalaga.

Katelyn grabbed the golden card from his hand, gave him a sarcastic smile and looked away. Pig, she whispered.

She walked towards the bar area. "Margarita," ang kaniyang wika sa binatang bartender.

Girls, Women, Lesbians: SPY ON YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon