***

Another few weeks passed.

General Rodriguez was in his office, drinking a cup of brewed coffee, thinking about Katelyn's progress.

Nakarinig siya ng katok mula sa labas ng pintuan.

"Pasok," aniya.

A tall, dark, well-built man, around his early thirties, went inside the General's office. "General," aniya, kasabay ang pagsaludo sa Heneral tanda ng paggalang nito.

It was Major Cortez.

Tumugon sa pagsaludo ang Heneral. "Maupo ka," ang sabi niya sa Komandante. "Kailan ka pa dumating, Cortez?"

"Kababalik ko lang. Kumusta, kumpare?"

"Ito, tumatanda na tayo," The General brushed his clean cut white hair with his palm.

"Balita ko n'andito si Katelyn sa Pinas."

Rodriguez zipped a little coffee from his cup. "Oo. Nagpapaalam para pumasok sa US Army."

"Aba, magaling. She'll do well. Pinayagan mo?"

"Pinag-iisipan ko pa. Alam mo namang unica hija ko siya. Sa ngayon, may binigay muna akong assignment sa kaniya. Naalala mo ba 'yong Cafeteria?"

Napakunot-noo ang Komandante. "Mm-hm."

"Ibinigay ko muna kay Katelyn."

"Hindi ka pa pala naka-move on sa issue na 'yan," ang sabi ni Cortez. "Wala naman tayong naabutan n'ong huling raid natin d'yan. Akala ko ba naisara na 'yang kasong 'yan?"

"Hmm. May pakiramdam akong may hindi tamang nangyayari," ang tugon naman ni Rodriguez.

Tumango-tango ang Komandante. "O siya, kumpare. May pupuntahan muna ako," ang pagpapaalam nito. "Magkita na lang tayo mamaya." Tumayo ito at muling sumaludo sa Heneral.

***

Tumunog ang alarm clock sa tabi ng kama kung saan natutulog si Carol.

At nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay bumungad sa kaniya ang mukha ni Katelyn na nakangiti at nakatitig lamang sa kaniya. Dahil sa gulat ay hindi sinasadyang nabato niya ng unan ang mukha nito at agad na bumangon.

Tinanggal ni Katelyn ang unan sa kaniyang mukha at ibinato ito sa lapag. "What is your problem?"

"S-Sorry. Ang creepy mo kasi!" Ang wika naman ni Carol na nakaupo na sa gilid ng kama.

"Ako? Creepy?" Tinanggal ni Katelyn ang kumot na nakabalot sa kaniyang katawan, bumangon siya at tumayo sa kabilang gilid ng kama. "Sa pogi kong 'to, creepy ang tingin mo sa'kin?"

"A ⸺" Natahimik si Carol nang makita ang hubog ng katawan ng dalagang espiya. She was only wearing a black bra and khaki pants, exposing her tight four-pack abs. Carol stared at her from head to foot, unknowingly biting her own bottom lip.

"Ang macho ko ba?" Ang nakangiting tanong ni Katelyn. Nilapitan niya ang dalagang waitress at tumayo sa harapan nito. She then leaned over Carol, with her hands on top of the sheets, and her lips just a couple of inches away from hers.

Marahang itinulak papalayo ni Carol si Katelyn. "Kagigising ko lang. Saka p'wede bang magbihis ka!" Aniya na may kaunting pamumula.

Natawa ang dalagang undercover at kinurot sa magkabilang pisngi ang dalagang waitress. "Ang cute mo kapag nagba-blush," dahan-dahan niyang binitawan ang mga pisngi nito at mahinang tinapik ang ulo nito. "Magbihis ka na rin, may date tayo," dagdag pa niya.

At nang matapos silang magbihis ay agad silang umalis.

***

Dinala ni Katelyn si Carol sa isang malapit na mall. Nagtungo sila sa arcade area, nanood ng sine, at kumain sa isang mamahaling restaurant. At naabutan pa nila ang kasisimula pa lamang na dog show sa entertainment area ng food court.

Matapos ay nagtungo sila sa boutique ng isang sikat na clothing brand. Pumili si Katelyn ng mga damit na alam niyang babagay kay Carol at ipinasukat ang mga ito sa dalagang waitress.

"Carol, hindi ka pa ba tapos? Kukuha ako ng ibang size kung hindi kasya," ang sigaw ni Katelyn habang kinakatok ang pinto ng fitting room.

"Palabas na," ang tugon naman ni Carol.

Nang buksan ng dalagang waitress ang pinto ng fitting room, Katelyn was stunned. Matagal bago ito nakapagsalita. Lumitaw ang kagandahan ni Carol sa long dress na pinili niya para rito.

"Wow," Katelyn finally said. "You are definitely... m-mesmerizing," aniya na nauutal pa.

Napangiti at napakagat labi si Carol. "P'wede na ba akong magpalit? Medyo makati kasi."

"Sure, sure," ang natatawa na lamang na sagot ng dalagang undercover.

***

Tumunog ang telepono sa bahay ng tiyuhin ni Carol. At nang sagutin ito ni Arnold ay isang pamilyar na boses ang bumungad sa kaniyang pandinig.

"Arnold," ang wika ng kausap ni Arnold sa kabilang linya.

Agad na kinabahan ang tiyuhin ni Carol. "Boss."

"Magbantay ka bukas sa club. May mga darating na bisita. Ni-request nila 'yong alaga mo."

"Pero, boss, hindi pa tapos 'yong kontrata niya ⸺" Bago pa lamang matapos ni Arnold ang kaniyang sasabihin ay busy tone na ang narinig niya.

Girls, Women, Lesbians: SPY ON YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon