BestFriendZone.

59 5 0
                                    

"Hay! Anu na namn iniisip mo ha?" Tanong netong lalaking katabi ko.

Sabay subo ng pagkain, sya nga pala si Carl Alvin Dela cruz.. Ang nagiisang BestFriend/ mahal na mahal ko.

"Ha?, Ah wala naalala ko lang nung unang araw tayong magkita yung ang tanga ko pa." Sabi ko ng nakangisi.

*FLASHBACK*

Birthday ko kasi non naglalakad ako habang parang tumatalon, Masaya kadi ako dahil may surprise daw sakin sila mama & papa, ewan ko lang kung ano?.. habang naglalakad ako di ko namalayan na nadapa na pala ako...

"Ouch!! Arrrayyy!! Ohmygash!! Ang sakit!! annggg tuhhood ko nagdudugoooooo!!" Sabay hinihipan hipan ko yung sugat ko.

Nang bigla akong may kamay na nakita na nakahaya sa harapan ko... yung para bang, prince charming hahaha charot!!, dahan dahan kong tinignan kung sino yung tao at pagkakita ko.... Nakita ko na yata ang pinaka gwapong lalaki... hmm parang anghel.. di lang anghel basta super angelic yung face nya...

Natulala na lang ako...

Pero nag balik rin ako sa katinuan ko nung winagayway nya yung kamay nya sa harap ko...

"Uy!! Bata okay ka lang?? Hello" Tapos winagayway nya ulit yung kamay nya sa harap nang mukha ko...nahimasmasan na ko at iniwas ko na yung tingin ko.. nahimasmasan ako sa ginawa ko no..

"A-a-ah o-o-okay la-lang a-ako." Nabubulol kong sabi sabay abot ng kamay nya na nakahaya sa harap ko...

Inalalayan nya ko hanggang sa makarating na kami sa tapat ng bahay namin.

"Ah bata th-thanks nga pa-pala sa pagalalay mo sakin" nabubulol akong nagpasalamat sa kanya.

"Upo ka nga dito" Sabay turo nya sa may hagdanan sa gate.

Ako naman umupo na lNg.

Sumunod din sya, at nilabas yung panyo nya at kinuha yung tuhod ko.

"Huy! Anu ang gagawin mo dyan?" Nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa ginagawa nya.

"Ah! Eto ibabalot ko lang yung panyo sa tuhod mo para hindi umagos yung dugo" Sabi nya sabay balot nga nung panyo sa tuhod ko.

"Te-teka bata! Bakit parang ngayon lang kita nakita dito sa subdivision??"

Tanong ko, pero totoo ngayon ko lang nakita yung ganito kapoging mukha.. hahaha! Echos!

"Ah yun ba,kalilipat lang kasi namin dito kahapon, ngayon lang ako lumabas atsaka dyan lang ako nakatira oh sa tapat." Nag kamot sya ng batok sabay turo sa bahay na katapat namin... ng biglang may tumawag sa pangalan ko galing sa bahay namin..

"Sha sha!!!" Tawag sakin ni yaya bebeth, short for kysha.. kaya tumayo ako at akmang aalis na ng....

"Ah bata!" Tawag nung bata na tumulong sakin.

"Bakit" -sha

"Ahmm!! Ako nga pala si Carl Alvin Dela cruz." Sabay haya ng kamay na para bang makikipagshakehands.

"Ako naman si Kysha Aria Santos, you can call me sha sha." At nagshakehands na kami

"Friends?" -sha

"No... bestfriend" sabi nya sabay kindat sakin.

Nahiya naman ako kaya kinuha ko na yung kamay ko at iniwas yung tingin ko.

"Ah! Sige bukas na lng ulit ha? Bye." Pagpapaalam ko sa kanya

"Okay! Bye din, basta bestfriend na kita ha?"-carl

BestFriendZone.   (short story.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon