Prologue

41 4 0
                                    

"Putangina." Bumuntong hininga ako at sumalampak sa sahig habang tinititigan ang mga pasakit sa buhay ko.

"Bayaran na naman amputa." Bigkas ko sa sobrang irita, parang kababayad ko lang meron na naman. Binitawan ko ang mga bills sabay tingin kay kuting, ang alaga namin na palamunin, bigla nalang akong natawa.

Kahit kasi wala na kaming makain ng kapatid ko basta busog si kuting solve na rin kami ,daig pa vip ampucha naerl.

Dalawa kami ng kapatid ko na tumakas sa ampunan.  Bata pa lang kami non ng kapatid ko, wala kaming alam sa mundo dahil buong buhay namin nasa ampunan kami. Nakatulala kami habang nag lalakad sa daan wala pa nga kaming kain no'n, tapos nakita ko si kuting sa waiting shed pareho kaming palaboy laboy kaya kinuha namin siya para tatlo na kaming gutom.

"Adrii!" Rinig kong sigaw ng kapatid ko bago paman siya makapasok sa loob ng nirerentahan naming apratment.

"Anong Adri? Mas matanda kana sakin ngayon? Wag mo akong simulan Yen at baka hindi kita matansya." Saad ko sabay irap.

Tumawa siya ng malakas bago lumapit at biglang yumakap sakin. "Asus parang nag bibiro lang eh, sorry na ATE Adriiii." Sabi niya, natawa ako at niyakap siya pabalik.

Deven is my only family and treasure that I will forever cherish. Kung wala siguro siya ay matagal na akong sumuko, bata palang kami malupit na samin ang mundo. Puro kamalasan na ang naranasan naming mag kapatid pero we were able to survive.

Nag rerenta kami ng maliit na apartment may maliit na kuwarto, kusina, banyo at sala, sapat lang para saming mag kapatid. Hiwalay pa doon ang bayaran namin sa kuryente at tubig na siya na ngang pinoproblema ko ngayon. Nagtratrabaho ako sa isang maliit na coffee shop , sapat lang ang sahod ko para sa pagkain naming mag kapatid at pangbayad sa mga bayarin kaya hindi maiiwasan kapusin, ayaw kong pahirapan ang kapatid ko para sa mga bagay na kaya ko namang gawin, isa pa nag aaral pa siya.

Madaling araw na at tulog narin si Yen pero hindi ako mapakali, kailangan kong dumiskarte ng pera bukas kung hindi ay talagang wala kami. Bahala na.

Hit me UpWhere stories live. Discover now