Bago ako umalis sa bahay ay binilinan ko si Deven na darating ang order ko, hindi pang sarili ko o ano, binili ko yon para ibenta, magsisimula ako na mag live selling para dagdag kita. Madalas kaming kinakapos kaya kailangan ko yon.
10 minuto na akong naka sakay sa jeep at hindi parin ito umaandar, naghihintay parin ng sasakay kahit na para na kaming sardinas dito sa loob nag sisimula na akong maiirita kaya bumaba ako at pumunta roon sa driver, baka malate ako sa trabaho.
"Manong, hindi pa ho ba tayo aalis?" Tinignan ako nito at kumunot ang noo.
"Aba! Wala akong kikitain niyan, mahal ang gasolina, kung gusto mo ay sumakay ka sa iba!"
Agad namang umasim ang mukha ko sa sinabi nito.
"Wala kapang kikitain diyan manong? Eh parang mga sardinas na yang mga sakay mo ah? Bukod sa nag aamoy anghit na sa loob eh siksikan pa! At take note sasakay talaga ako sa iba hindi ko kayang tiisin yang naghihingalo mong jeep!"
Umalis ako at bumalik sa jeep, hindi para sumakay kung hindi....
"Sira daw yang jeep! Doon nalang daw sa kabila!" Sigaw ko.
Agad namang nag si babaan ang mga pasahero ng jeep habang nag rereklamo dahil matagal nga na nag hintay. Natawa ako at sumakay na rin sa kabilang jeep sa kaagad narin naman itong umalis. Habang paalis pa ay nakita ko ang mukha ni manong ma lalo pa akong tumawa.
"Mag hihintay ka nalang uli ng sasakay sayo manong!" Pahabol ko pa at nginisihan ko siya. No to jeepney phase-out pero kapag kay manong ge lang.
Bago pa tuluyang umalis ang jeep ay may humabol pa na lalaki. Natigil ako saglit at pinag masdan ang makakapal na kilay at ang perpekto na labi na mayroon ito, mestizo ang balat at kayumanggi ang mga mata kahit naka upo ay mapapansin rin ang katangkaran ng lalaki. Nakasuot lamang ito ng simpleng white t-shirt at denim jeans kapares ang puti na sapatos na base sa tatak ay nike.
Nang natauhan ako ay saka ko lang napansin na hindi lang ako ang nakatingin rito kung hindi ang kalahati ng pasahero ngayon sa jeep.
I never thought that someone can just sit and become attractive.
Hindi ko namalayan na lumagpas na pala ako sa dapat na bababaan ko, nataranta ako at agad rin tumayo at nag para. Bago pa man ako makababa, napigtal ang sling bag na dala ko at nahulog ang mga laman. Agad naman akong nanglumo at napamura ng mahina. Nakakahiya, nakaka-abala na ako, tinulungan naman ako agad ng isang pasahero at tinignan na lamang at hindi pinagtuunan ng pansin ng iba, katulad na lang nung lalaki na nakaagaw ng atensyon ko.
"Ekis ka sakin." Bulong ko pa.
Nagulat ako ng lumingon ito dahil sa tingin ko ay narinig nito ang sinabi ko, lumapit ito at tumulong narin sa pag kuha ng mga gamit ko.
Nang matapos ay inabot nito saakin ang mga gamit at nag salita.
"Ekis ka rin sakin, clumsy." Seryosong pagsasalita nito sabay ngiti ng nakaka loko.
Natulala ako at hindi na nakapag salita dahil bumaba narin ito agad sa jeep, nakatulala ako ng ilang segundo ng biglang may nag salita.
"Ineng, bababa kapa ba? Kay tagal mo naman riyan."
YOU ARE READING
Hit me Up
Teen FictionAdri Lavelle Garcia, a first-year student currently taking a course of Hotel and Retaurant Management, is a victim of a brutal existence because she was nurtured with the idea that she shouldn't be dependant on anyone. She is adamant that she doesn'...