Eury.
Nanatili akong nakatitig sa tatlong salita mula sa mensahe ni Zach. I love you. . Dapat ba talaga akong maniwala sa mga katagang 'yan? May saysay ba ang mga 'yan?
Napakagat ako ng ibabang labi nang muling mabasa ang kanyang sinabi na pupunta sya rito. Talagang ang dami nyang ginagawa para sa'kin. Isipin mo, mag aalas nwebe na asa gabi pero mas nag desisyon sya na puntahan ako kesa magpahinga na lamang.
Habang nakatitig sa aking cellphone ay muli itong umilaw at lumitaw roon ang pangalan nya. Tumatawag sya.
"Zach."
"Eury, nasa labas na 'ko."
"Ah. . O - okay. Lalabas na 'ko."
"I'll wait here."
Bumuntong hininga ako bago muling kinalma nag sarili. Ayokong takbuhan ang nararamdaman na 'to. Kapag nagtagal ay baka mas maniwala lang ako sa takot na nararamdaman ngayon kesa sa kanya.
Hindi ko man alam kung ano ang tama dahil sa dami ng iniisip na posibilidad ay alam ko naman na isang bagay lang ang makakaayos sa mga iniisip 'kong ito. Salita nya lang. .
Nang makalabas ako ay kaagad 'kong nakita ang kanyang pigura sa labas ng gate maging ang kanyang sasakyan na nasa tapat ng aming bahay.
"Hey." Bati nya sa'kin.
Hindi ko nagawang bumati muli dahil sa nararamdaman na kaba. Pakiramdam ko ay ilang segundo nalang at mag brebreakdown na ako sa harapan nya. Shit, bakit ba ganito ang mga naiisip ko? Trauma ba ito?
"Hey. . May problema ba?" Kaagad syang dumalo sa akin nang makita ang aking ekspresyon.
Ang kanyang kamay ay nakahawak sa magkabila 'kong balikat at halatang nag aalala. Tumitig ako sa kanya at napabuntong hininga na lamang sa pagod.
"Eury." Tawag nya sa'kin sa mababang boses.
"Kaya mo ba talaga?" Deritsahan 'kong tanong sa kanya. Hindi ko na kayang itago itong mga naiisip.
Masyadong mabigat kaya kailangan ko itong mailabas.
"Hmm?" Nanatili syang tahimik at halatang naghihintay sa aking sunod na sasabihin.
"Kapag ba. . kapag ba sumugal tayo, worth it ba?"
Ramdam ko ang kanyang pagtigil sa naging tanong ko kaya kaagad lumabas sa akin ang isang pekeng tawa, "A - Ah, haha. . Joke lang naman."
Umiling sya at hinawakan ang aking kamay, "No. . No. I was just. . shocked." Pagpapaliwanag nya sa naging reaksyon.
Napalunok ako habang nakatitig sa kanya habang hinihintay ang susunod nyang sasabihin. Mabilis ang tibok ng puso ko dahil siguro sa kaba sa kung anong magiging sagot nya.
"Hindi ko lang inakala na nag aalala ka. . I'm sorry, may nagawa ba ako para mag overthink ka? Did I do something?" Sunod sunod nyang tanong na animo'y hindi mapakali.
Mabilis akong umiling, "Wala. Wala talaga. Siguro. . nahihirapan lang ako magtiwala sa'yo ngayon dahil nga sa ano. . " Napahinto ako nang di malaman kung pa paano iyon ipaliwanag.
Tumango tango sya, "Alam ko. I know, Eury, and it's not your fault. Your feelings are valid. And to answer your question. ." Sandali syang huminto, "Wala akong maipapangako sa'yo, Eury. I can't promise that it will always be butterflies and flowers dahil parte ng relasyon ang mga problema but there is one thing that I can guarantee you. ."
Bahagya syang yumuko para magpantay ang tingin namin, "Hinding hindi mo haharapin lahat nang mag isa. Hinding hindi ko hahayaan na iiyak ka mag isa. Kahit pa itulak mo 'ko dahil sa dami ng iniisip mo, kukulitin at kukulitin kita."
Nang marinig iyon ay hindi ko mapigilang mapaluha. Sa dami ng nangyari. . sa mga taong nadamay. . naririnig ko na sa wakas ang mga salitang matagal ko hinintay na marinig mula sa kanya.
Pinunasan ko ang gilid ng mga mata dahil ramdam ko na ang dahan dahang pagtulo ng luha ko.
"Dapat ba 'ko maniwala sa'yo?" Nag aalangan 'kong tanong sa knaya pero hangga't hindi ko ito tinatanong ay hindi ako matatahimik.
Napangiti sya, "Wala 'kang kailangan gawin, Eury. Kahit pa 'wag ka na magtiwala sa'kin para lang ma protektahan ang self peace mo. Basta hayaan mo lang ako rito. . sa tabi mo."
Doon ko mas lalong naramdaman ang pagragasa ng emosyon maging ng luha. Shit.
Tumango tango ako, "T - Thank you. ."
Pinagdikit nya ang aming noo, "Let me, hmm? Let me take care of you. Let me stay. Ayun lang ang gusto ko sa buhay na 'to, Eury." Bulong nya.
Dahil sa luha ay wala akong ibang nagawa kundi ang tumango tango bilang sagot sa lahat ng kanyang sinabi. Sa wakas. .
"I'll make sure it's going to be worth it."
-------------------------------------------------------------------------------------------------
Aporiam:
Epilogue will be next. Thank u for ur patience :>
BINABASA MO ANG
Sorry, Wrong Sent
HumorMaldrid Boys Series #1 an epistolary story of Zacharias Maldrid "Ay sht. Sorry, wrong sent."