Chapter 19

12.5K 337 1
                                    

NINA

     "WHY are you staring me?" Walang emosyong tanong ni Nico. "Naaawa kaba sa akin?"

"You're handsome," Nakangiting tugon ko dito.

Hindi lumabas pa si Nico, hanggang sa gumabi at umuwi sila Mommy. Tulog na din si Neia.

"I know that," Sambit nito bago muling bumaling sa laptop niyang nasa kandungan niya. "Stop staring me like that! I can't focus to my work!"

Natawa lang ako, bago sumampa sa kama at tabihan siya. "Naglalambing lang naman yung asawa mo."

Binuhat ito ang laptop niya at inilapag sa lamesang nasa gilid niya. Inakbayan niya ako kaya hinilig ko ang ulo ko sa dibdib niya.

"What do you want now?" Tanong nito. "You want late night snack?"

Umiling ako. "Busog na ako, gusto ko lang magpalambing."

"Then, let me cuddle you until you sleep," Malambing na sabi nito.

Naramdaman ko ang paghaplos nito sa aking buhok, napangiti na lamang ako at napapikit.

"Mahal na mahal kita, Nico." Halos pabulong kong sabi dito. "I'm always here for you."

"I love you too, Nina. Kahit magsawa ka sa'kin, hinding hindi kita ipagpapalit," He kissed my forehead. "Always remember that, Nina."

Sa sobrang hinhin ng paghaplos nito sa aking buhok ay tuluyan na akong nakatulog.

"Daddy, naman eh!"

"Quiet, Neia. Magigising ang Mommy mo."

"Ang sakit kasi po,"

"Sorry, okay?"

Napamulat ako ng aking mga mata nang marinig ko ang boses ng mag ama ko. Kinukusot ang matang umupo ako sa kama at tiningnan ang mag ama kong nasa paanan ko.

Nililinis ni Nico ang sugat ni Neia.

"Done," Sabi ni Nico matapos lagyan ng benda ang sugat nito. "See? Ganoon lang, you don't need to cry."

"Masakit kaya," Ngumuso si Neia. "Bakit kapag si Mommy yung naglilinis, hindi masakit? Sinasadya mo ata."

Natawa si Nico. "Ofcourse not, why would I do that to my Princess?"

"Nagbabangayan na naman sila," Napunta sa akin ang atensiyon nila nang magsalita ako.

"Mommy!" Lumapit sa akin si Neia. Sumampa ito sa kama at tumabi sa akin. "Nagising ba kita po? Sorry po, si Daddy kasi eh!"

"Bunganga ko ba ang nag iingay?" Lumapit sa amin si Nico. "By the way, Good morning baby."

Yumukod ito at pinatakan ako ng halik sa labi. "Beautiful."

"Kay Mommy, sweet. Tapos sa akin, masungit," Bulong ni Neia na ikinatawa ko.

"I heard you," Sabi dito ni Nico. "I already greeted you, Neia."

"But you didn't kiss me!" Ngumuso ang bata. "Si Mommy lang talaga yung kiniss, madaya."

Natawa si Nico bago yumukod at halikan ito sa pisngi. "Happy?"

Tumango si Neia. "Puwede na po, kahit halatang napipilitan ka lang."

Tumawa lang si Nico.

"Tama na nga yan," Awat ko sa dalawa. "Anong gusto ninyong almusal?"

"Nagluto na sila Manang," Sabi ni Nico. "Let's eat?"

Tumango na lang ako bago umalis sa kama, binuhat naman ni Nico si Neia.

The Cursed Love of Mafia Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon