"so Mary Rose desidido kana talaga sa plano mong panliligaw kay Anne?" sabi ni MJ habang nakahiga dito sa kama ko.

Kasalukuyan kasi akong nag aayos dahil pupuntahan ko si Annie sa bahay nila.

"Ann.." ikocorrect ko pa sana siya sa pangalan ni Annie pero bigla niyang tinakpan yung bibig ko.

"Annie! Oo alam ko binibiro lang kita." sabay tanggal din ng kamay niya sa bibig ko.

Tinignan ko lang siya ng masama, napansin ko naman na inaamoy niya yung kamay niyang galing sa pag kakatakip sa bibig ko. Walangya to akala ba niya mabaho yung hininga ko!

"nag toothbrush ako no! kung makaamoy ka akala mo ang baho ng hininga ko."

"hehe." halatang pilit ang tawa ng hinayupak.

"oo MJ, sigurado na akong liligawan ko siya." inayos ko nalang yung lipstick ko at nag spray ng konting cologne para naman bumangon ng konti.

"good luck sayo Mary Rose! Sana hindi ka sagutin ni Annie!" tatawa tawa niyang sabi habang palabas ng kwarto ko.

"gago ka!" agad kong dinampot yung bagay na malapit sakin para ibato sa kanya kaso hindi naman siya natamaan.

Pag tingin ko wallet ko pala kaya agad ko ding pinilot ito. kahit kaylan talaga mapang asar.

Nang masatisfy na ako sa itsura ko lumabas narin ako sa kwarto ko. Nakita ko si MJ sa sala na kumakain. Teka saan naman niya nakuha yung cheese ring na hawak niya?

"saan mo nakuha yan?" turo ko sa chichiriang hawak niya.

"dun sa pantry mo." tatawa tawa ang loka.

"yan pa talaga kinuha mo! alam mo namang favorite ko yan e." inirapan ko siya at kumuha sa plastic na hawak niya.

Kaasar kinuha pa yung pinaka favorite ko sa lahat.

"dami ka naman dun e." punong puno yung bibig niya kaya pinisil ko ito.

"oo na, aalis na ako. Isara mo nalang yung pinto ah. I-lock mo ah tapos yung susi ilagay mo nalang dun sa taguan ko." paalala ko sa kanya.

Umalis na ako at nag tungo na sa bahay ni Annie. Excited na akong makita siya ulit.

Pag katapat ko dito sa pinto ng bahay niya kumatok lang ako ng tatlong beses. Inintay ko nalang na pag buksan ako ng pinto,alam ko naman na may tao sa loob dahil may mumunting ingay na nag mumula sa kusina niya.

"andito kana pala, hindi ka tumawag." pagbati sakin ni Annie habang inawang yung pinto para makapasok ako.

"andito na ako e. Gusto mo bang bumalik muna ako tapos tatawag nalang ako?" ngingiting pang aasar ko sa kanya.

"sira ka talaga." tinapik niya ako bahagya sa braso ko. Kakilig naman.

"sira ang buhay ko kapag wala ka!" pang ti-tease ko sa kanya malay mo kiligin din siya.

Ayun hindi nga ako nagkamali. Namumula na yung pisngi niya.

"Hay nako, dito ka nga muna nag luluto kasi ako e." inalalayan niya akong makaupo sa sofa. Akala mo naman hindi ko kayang umupo mag isa, wala naman akong sakit e.

"ano niluluto mo?" tumayo ako at sumunod sa kanya dun sa kusina, gusto ko siyang makita mag luto.

"tanghalian, teka lang saan ka pupunta? dun ka nalang sa sala, mainit dito sa kusina." hinaharangan niya ako para hindi ako makapunta ng kusina kaso huli na ang lahat at ako na ang nag wagi.

"sabi ko sayo dun ka nalang sa sala e, ang kulit mo talaga." tanggap na niya ang kanyang pagkatalo, kaya nag sisimula na siyang mag halo ng niluluto niya.

My Ex-Boyfriend's Almost a GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon