Unang Kabanata

5 3 5
                                    


Ngayon ang araw ng kasal ng Quirax socialite na si Brianna Tales, ngunit walang groom na nagpaparamdam.

Hanggang ngayon, ang groom na si Jackson Bonvelle ay parang gulay pa rin simula nang mangyari ang aksidente at ayaw na ring mangako ng mga doktor at paasahin pa ang pamilya nito, kaya idiniklera ng mga ito na imposibleng makaabot pa siya hanggang sa matapos ang taon.

Kaya naman sa naisipan kanyang nagluluksang ina na ipakasal siya bago pa siya tuluyang mawala.

Isa ang mga Bonvelle sa mga kilalang mayayamang pamilya sa Qiurax, pero wala naman sigurong dalaga mula sa isang socialite na pamilya at nasa tamang pag-iisip ang nanaising magpakasal sa isang taong naghihintay nalang ng kamatayan.

......

Nakaupo sakanyang vanity, suot ni Brianna ang isang napaka gandang puting wedding gown na sinabayan pa ng napaka eleganteng makeup, at kahit sinong makakita sakanya ay talagang mapapanganga dahil sobrang ganda niya.

Ngunit sa kabila nito, mababakas sakanyang mapupungay na mga mata ang pagka-aligaga.

20 minutes nalang bago mag umpisa ang ceremony pero hindi mapakaling paulit-ulit na nagsslide sakanyanng phone si Brianna dahil sa isang text message na kanina niya pa hinihintay ngunit hindi dumarating.

Bago siya piliting magpakasal kay Jackson, mayroon siyang boyfriend, ngunit ang mas masaklap ay nagkataong pamangkin pa ito ni Jackson, si Tyler Bonvelle.

Ngunit ni minsan hindi nila sinabi sa kahit kanino ang tungkol sakanilang relasyon.

Kagabi, tinext niya si Tyler na kung maari bang itanan na siya nito at umalis na sila ng Quirax ngunit kahit na buong magdamag siyang naghintay, walang Tyler Bonvelle ang nagparamdam.

Hindi niya na kayang maghintay..

Habang inaayusan, bigla siyang tumayo at hindi mapakaling nagpaalam na lalabas muna sandali.

Mabilisan siyang naglakad sa corridor ngunit bigla siyang natigilan nang madaanan ang isang kwarto.

Nakarinig si Brianna ng isang pamilyar na tawa at nang sumilip siya mula sa bahagyang nakabukas na pintuan, nakumpirma niyang ang kanya ngang kapatid ito na si Angel.

"Pustahan tayo! Hanggang ngayon, naghihintay pa rin sayo Tyler ang bobo kong kapatid. Ano kaya kung puntahan mo siya at paasahing tutulungan mo siya. Patay tayo kapag biglang nagbago ang isip niya at umatras sa kasal!"

"Sa tingin mo ba makakaatras pa siya ngayon?" Niyakap ni Tyler si Angel mula sa likuran nito at hinalikan ang leeg nito. "Kahit pa tumakas siya ngayon, siguradong kakaladkarin lang siya pabalik ng mga guard at ingungudngod sa altar!"

"Sigurado akong mababaliw yang Brianna na yan kapag nalaman niya na sa akin ka umuuwi tuwing gabi!" Tumatawang sagot ni Angel.

Sa sobrang bigat sa puso ng mga narinig ni Brianna, pakiramdam niya ay para bang mahihimatay na siya.

Napahawak siya ng mahigpit sakanyang wedding gown habang pinipigilan ang sarili niyang umiyak.

Dahil sa pagbagsak ng kanilang kumpanya, hindi kinaya ng kanyang tatay at hanggang ngayon ay bedridden ito sa ospital.

Ito ang nakitang pagkakataon ng kanyang stepmother, na si Trixie Tales, na iarrange marriage siya kay Jackson para sa yaman. Noong mga panahong kinukumbinsi siya nito, pinapalabas nito na gusto lang siya nitong magkaroon ng kinabukasan ngunit hindi tanga si Brianna at alam niyang paraan laman 'yun ni Trixie para umalis na siya sa bahay nila.

Sobrang sakit na ng mga nangyayari kay Brianna pero ang pinaka hindi niya matanggap sa lahat ay ang taong minahal at pinagkatiwalaan niya ng sobra ay malalaman niyang ginago at pinagtaksilan pala siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heart Over Flower Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon