PRANK GONE WRONG

168 12 0
                                    

I pranked my boyfriend. Pumunta ako sa condo niya at ipinatong ang isang note sa side table, sinulat ko roon na hindi ko na siya mahal, na I've grown tired of him and makikipag-break na ako sa kaniya at hindi na ako magpapakita pa.

After that, nagtago ako sa ilalim ng kama at hinintay ang pag-uwi ng boyfriend. Later on, I heard heavy footsteps na pumasok sa kwarto at siya na nga iyon! Nasisilip ko mula rito sa ilalim ang sapatos niya at marahil nabasa na niya ang letter ko. Ilang saglit pa'y may tinawagan siya mula sa cellphone.

“Hey babe, yes, kararating ko lang dito sa condo. I'll just change my clothes at pupuntahan na kita. As for the other fool, don't worry, hindi niya na tayo mahuhuli because she said she's already breaking up with me so wala na tayong problema. I'm glad that she left, kasi ikaw lang naman talaga ang gusto ko. . . Alright babe, see you soon!” And then he hang up. After a few minutes, I saw him walked out of the room. Nang umalis na siya ay saka lang ako lumabas at humagulgol.

How could he do this to me?! All this time, niloloko na pala niya ako?!

Basang-basa ang mukha ko ng luha nang mapansin kong may isang note pa sa side table, it was my boyfriend's handwriting. Dinampot ko iyon at binasa.

“I saw your feet under the bed, you think hindi ko makikita? Nice prank babe, and I didn't make any phone call. Wala naman talaga akong tinawagan kanina and I don't have any woman other than you. At wala akong babae na pupuntahan because I'm just going to buy breakfast for us. Stop your silly games now, babe. I love you, iyak iyak ka pa riyan HAHAHAHA.”

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon