PAKAY

145 9 0
                                    

Meron akong manliligaw , lagi itong pumaparito sa bahay namin at nagpapakitang tao saking ina.

Halos araw araw na itong bumibisita kahit minsan ay sinasabihan kong dalasan lamang , at maiintindihan ko naman kung hindi siya bumisita.

Ngunit hindi siya nagpatinag at gusto niya talagang bumisita kahit masikip ang schedule nito.

Minsan nga ay kahit wala ako , nakikita ko parin siya sa bahay namin. Nang tumagal ay hindi ko na nagustuhan iyon.

“Zach , maghiwalay na tayo.”

“ Okay sige.”

Nagulat ako sa naging sagot niya.

“Ang tagal ko ng nanliligaw sa inyo pero hindi moko sinasagot. Mabuti pa ang mama mo hindi pakipot at naging kami agad.”

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon