"Simula ngayon sa iba ka na maninilbihan. Ikakasal na ako sa canada at hindi kita masasama, ayoko ng may pabigat sa pagsasama namin ng asawa ko. Ayusin mo na ang gamit mo at dadalhin ka ni Lu sa bago mong pag tratrabahuhan."Mahabang pag papaliwag sakin ni ma'am rose ang amo ko.
"P-pero ma'am rose" 'di ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay muli nanaman itong nagsalita."Hinabilin ka ng ina mo saakin bago sya namatay nung sampong taon na ang nakakaraan, pero ngayon tapos na yon. Aba! malaki narin ang naitulong ko sayo, isipin mo namang sumusobra ka na".
Agad namang tumulo ang mga luha ko sa mga sinabi ni ma'am rose, tinignan nya lang ako ng masama saka umalis sa harapan ko. "Hali ka na iha, tutulungan kitang mag ayos ng gamit mo para maaga tayong makaalis bukas" Agad namang hinawakan ni aling lu ang dalawa kong balikat na nagpapahiwatig na tumahan na ako. Bagong kasambahay lang namin si aling lu pero parang alam na alam nya lahat ng nangyari sakin.
Maaga kaming umalis ni aling lu upang hindi kami gabihin sa aming pupuntahan. "Wala ka na na bang nakalimutan iha"? Tanong sakin ni aling lu. "Wala na po" mabilisan kong sagot dito sabay sakay sa inarkila namin sakayan.