Chapter 1

4 4 1
                                    

CHAPTER 1

"Oh anak gising ka na pala, halika at bumaba ka na dyan. Kumain ka muna bago pumasok sa school."

Nakabihis na ako at ready na umalis, ngunit nadatnan ko si Mama na naghahanda nang pagkain.

Lumapit ako rito at binigyan siya ng banayad na halik sa kanyang pisngi "Good Morning Ma!" nginitian ako nito

"Oh siya, kumain ka na muna. Dalian mo at baka malate ka na, Monday pa namn ngayon." Dinala na ako ni Mama sa may hapagkainan at nilagyan ng pagkain ang aking pinggan.

"Ma, ako na po. Hindi na ako bata, kaya ko na po ito" Naiinis na sabi ko habang kinukuha sakanya ang serving spoon.

"Avy anak hayaan mo na ako, gusto ko itong ginagawa ko at patuloy ko itong gagawin kahit may asawa't anak ka na." nakangiting sabi ni Mama. Kunot noo ko itong tinignan, Asawa't anak? wala pa yon sa isip ko at masyado pang maaga para isipin ang mga ganoong bagay.

"Ma kaka-18 ko lang po, wag po kayong advance" natatawang saad ko. Tapos na niya akong lagyan ng pagkain sa plato at umupo sa tabi ko.

"Kamusta na kaya ang ate mo? Isang linggo na siyang hindi ko ma-contact." napatigil ako sa pagkain sa narinig ko. Isang linggo? eh lagi namang tumatawag si ate. Kaya pala lately ay malungkot si Mama, dahil bago sa kanya itong nangyayari.

Hinawakan ko ang kamay nito na nasa mesa "Ma kalma, sure ako na okay lang si ate. Baka po busy lang sa trabaho niya, ang hirap po kaya maging secretary tas sa ibang bansa pa." nakangiting sabi ko "Wag kang mag-alala Ma, baka mamaya or bukas tumawag na yon sayo, dika kaya non matitiis."

Natuwa ako nang ngumiti na uli si Mama, "Oo na sige na, kumain ka na at baka malate ka pa." nagsimula na kaming kumain na Mama.

Kalaunan ay tumayo na rin ako at nilagay ang mga pinagkainan ko sa lababo "Ma una na po ako, may aasikasuhin pa po ako sa school regarding sa magaganap po na pageant" humalik muli ako sa pisngi nito.

"Sige at magiingat ka Avy, andyan na ata si Mang Tonyo sa labas pahatid ka nalang." rinig kong sabi ni Mama habang papaalis ako.

"Yes Ma! Love you!" sabi ko habang nagmamadaling lumabas. Nakita ko naman agad si Mang Tonyo ang driver namin.

"Magandang umaga Ma'am Avy, aalis na po ba tayo?" kunoot noon ko itong tinignan

"Mang Tonyo wag niyo na po akong i-po at tawaging Ma'am?, hindi po ba nagusap na tayo?" kunwari'y naiinis na sabi ko.

Napakamot ito sa kanyang batok "Pasensiya na anak at nakasanayan lang, Halika at ihahatid na kita." Pagiiba nito nang usapan. natatawa at naiiling nalang akong pumasok sa loob ng sasakyan.

Habang nasa byahe ay binuksan ko ang aking phone, pagbukas ko pa lang ng data ay nauunahan nang lumabas ang mga messages galing sa kaibigan ko at sa mga group chats.

Verasha Rubi Gariando
Active Now

7:00 AM
Where are you na?

7:27 AM
I'm at the cafe near lang sa school, here ka na pababa sis.

7:50 AM
Avery Wren may plan ka pa bang pumasok sa school?!

7:52 AM

Malapit na ako, see u in a bit! 😚

Seen

Natatawa nalang ako habang binabasa ang chat ni Vera. Napapansin ko, pag nainis or nagalit na siya duon lang tumutuwid ang tagalog niya. Tinignan ko ang ilang mga chats sa GC

Deception of LoveWhere stories live. Discover now