08

27 2 0
                                    

wrote: 01-24-23 ngayon ko lang naisip i-add tong convo nila haha

Little Angels

3:24 PM

Ginreal
Ayaw na yata umuwi ni Brod

Waylen
😢

Miss na kita Brod uwi ka na di na ako galit

Avonlea
Nakauwi na

Nakita ko

Baka pagod kaya di agad nakapag online

O tinutulungan si tita

Waylen
👍

4:02 PM

Broderick
Nakauwi na

Katatapos ko lang sa gawaing bahay

Papahinga na rin ako maya maya napagod ako sa byahe

Waylen
Pasalubong?

Broderick
Ako

Waylen
...

Ginreal
Pasalubong that we don't need

Broderick
Oh e bakit niyo ko hinahanap?

Ginreal
Para sa pasalubong?

Waylen
Korique

Broderick
Wala

Di naman kami gumala ron

Avonlea
Anong ganap don?

Wala?

Broderick
Wala

Waylen
Wag niyo na tanungin yan madamot yan sa impormasyon

Broderick
Baliw hahahahahahaha

Wala naman talagang ganap

Nag overnight kami sa memorial park

Ayon lang

Avonlea
Wala kang poging mga kasama don?
1 reacted 😆

Broderick
Akala ko ba gusto mo pa pinsan ko?

Avonlea
Sino mga andon?
1 reacted 😆

Waylen
Biglang liko e HAHAHAHAHAHA

Broderick
Dalawang pinsan ko

Si kuya Klecht saka kuya Klent

Ginreal
Pumunta rin pala sila don

Broderick
Oo pero mas nauna sila

Lola talaga nila yong vinisit namin

Tapos yong tita naman nila kuya, kapatid ng mama nila

Ayon

Tita na rin turing ko sa mga tita nila saka sa mama nila kaya kahit di kami magka ano ano parang magka ano ano na rin

Tapos yong napangasawa ng nag iisang lalaki ng kapatid ng mama nila kuya Klecht andoon din

Waylen
Pangalanan mo nga

Broderick
Si tita Marisol na mama nila kuya klecht nandoon din kasama mga kapatid niyang tatlo

E syempre mama nila yong vinisit namin

Si tita Rolia, tita Marcasol, at tito Roccus mga kapatid ni tita Marisol

Si tita Odette naman napangasawa ni tito Roccus na andoon din

Basta andon mga asawa nila at mga anak

Pero di ko sila kaano ano

Pero ever since kasi magkasama na kaming lahat kaya para na kaming magkakapamilya

Friend din ni mama si tita Odette

So sobrang close namin sa kanila

Waylen
Masaya ba don

Bat di mo kami sinama

Ginreal
Nakikisali ka pa Wen

Di ka naman part of the family

Waylen
Si Brod din ah

Ginreal
Pero mas outsider ka HAHAHA

Avonlea
May anak bang lalaki si tita odette

Mwahahahahaha

Waylen
Ganyan talaga pag gusto na talagang mag move on no HAHAHAHHH

Avonlea
Shut up, Wen
1 reacted 😆

Broderick
Wala

Babae meron hahahahahaha
1 reacted 😮

Waylen
Oy

Maganda?

Broderick
Mabait

Waylen
???
1 reacted 😆

Broderick
Cute rin

Maganda naman

Pero ang cute niya sa bangs niya hahahahahahaha hanggang gitna ng noo

Mahaba buhok niya hanggang bewang tapos yong bangs niya hanggang gitna ng noo

Ginreal
Bat mo pansin

Avonlea
Wow bumagay sa kaniya???

Maganda nga siguro

Bet mo?

Broderick
Lol

Childhood friend ko yon
1 reacted 😆

Waylen
Mga sagutan talaga

Magkaibigan nga kayo ni Avi

Lumiliko e

Wish I Didn't Know (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon