My Unrequited Love (BL One Shot)

10 0 0
                                    

"Hindi ko na kaya!" sabi ko na lang. Bakit ba kasi ang hirap. ang hirap tanggapin. ang hirap pakawalan. bakit hindi ko kaya.

"Kaya mo, pinipigilan mo lang ang sarili mo. Let go na kasi. nasasaktan ka na." sabi ng kaibigan ko"Tignan mo sarili mo. nagpapakatanga ka sa isang tao na hindi ka naman mahal."

"Mahal niya ko. Mahal niya pa ako."

"Nilandi ka lang ng konti mahal ka na agad. Gumising ka nga."

"Ano ba!? 'di ka naman nakakatulong eh. Dapat sinasabi mo sakin "oo mahal ka rin non." ganun."

"Para ano? Para kunsintihin ang katangahan mo sa lalaking yon? Ano ko tanga? Bahala ka nga dyan. Lokohin mo pa sarili mo. Paniwalain mo sa isang ilusyon." sambit ng aking kaibigan bago nya ako iwan sa aking kwarto.

-

"Sorry I don't like you that way, may iba akong gusto, let's stop this. Ayoko na."

yan lang ang sinabi nya sakin. Ay hindi pala nya sinabi, chat nya lang sakin.

Ganun nya lang ako iniwan mula noon ay iniiwasan na nya ako. 'Di na nya ako kinakausap o kahit tignan lang. Parang hindi man lang ako nag-eexist sa kanya. Isang kaluluwa. Multo ng nakaraan.

Eh pano naman ako? Ako laging nakatingin sa kanya. Siya kasi ang mundo ko. Siya yung nagpapasayasa akin. Siya yung mahal ko.

so close yet so far...

Ang bakit ba ang hirap magmove on? Hindi naman naging kami pero loob ng 3 months na magkausap kami, naramdaman kong minahal nya ako. Ramdam kong gusto nya rin ako.

Kaya hindi ko alam kung bakit nya ako iniwan, kung bakit nya ako tinitiis. May mali ba sakin? Maitim ba ako? Panget ba ako? Bakit ganon na lang sa kanya kadali na bitawan at iwan ako?

"Argh! Alexis ano ba? Hindi ka naman ganito dati. Bakit ba baliw na baliw ka sa kanya. Hindi ka na nga nya gusto." sambit ko sa aking sarili. "Hindi ka nya gusto kaya dapat hindi ko na rin sya gusto. May iba na sya. Dapat mag move on na ako"

Ilang beses kong sinampal ang sarili ko sa harap ng salamin para lang mabaon sa utak ko at magising ako sa katotohanan. Hindi ko rin alam bakit baliw na baliw ako kay Michael kahit hindi naging kami.

Oo hindi naging kami. Hanggang talking stage lang kami. Magkausap lang kami gabi gabi sa loob ng tatlong buwan. Hindi naman sya gwapo. Hindi nga sya pasok talaga sa standard ko eh. Kaya naiinis ako bakit ba hindi ko sya malet go. Bakit ang hirap hirap para sakin na tanggapin na hindi na magiging kami dahil tinapos na nya ang kwento namin bago pa man ito magsimula.

Isip ako ng isip ng iba't ibang scenarios na pwedeng mangyari samin. Na baka joke lang nya yun. Baka pinaprank nya lang ako. Baka space lang pala ang kailangan nya. Baka bigla nya ako kausapin at mag sorry sya. Mga bagay na impossibleng mangyari pero iniisip ko pa rin.

Apat na araw na kaming hindi nag uusap sa chat or kahit sa tawag dahil blinock nya ako sa social media accounts. Gusto ko siyang puntahan sa university nya para malaman bakit sya nakipaghiwalay sa text lang. Hindi ko alam if tama ba yung term na hiwalay kahit hindi naman naging kami pero gusto ko malaman yung totoong rason. Gusto ko marinig sa kanya bago ako maniwala.

Kakatapos ko lamang maligo at magbihis. Ngayon ay papunta na ako sa university ni Michael. Sa UST sya nag aaral at kumukuha ng kursong Fine Arts habang ako ay sa LPU at kumukuha ng degree sa Communication.

Nagkakilala kami ni Michael sa UST Paskuhan. Una kaming nagkita roon. Pumunta ako kasama ng kaibigan kong si Zander kaso iniwan nya ako agad dahil nagkaroon ng emergency sa bahay nila. Kaya naiwan ako mag-isa doon. Ayoko naman umuwi sa dorm ko kaya mag isa akong nanood ng pailaw at umikot sa UST. Isa si Michael sa organizers at nakita nya akong paikot-ikot lang kaya nya ako nilapitan.

My Unrequited Love (BL OneShot) ..WTears..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon