Kabanata 1.

11 0 0
                                    

"Reivry... What a unique name", sabi ng isang babae mula sa tabi ko. Hindi ako kumibo dahil naramdaman ko na namumula ang pisngi ko sa hiya.

Ewan ko bakit?! Hindi ko alam bakit ako namumula, sinabi niya lang naman na unique pangalan ko. Normal lang naman 'yon diba? Ano ba ang nangyayari saakin?

"Aww, hindi mo ako pinansin", dagdag ni'to habang naka-pout siya. Nakikita ko siya sa peripheral vision ko.

I found it cute... Kaya napatingin ako sakanya bigla. Nang naka-tingin na ako sakanya, bigla siyang nagulat, pero at the same time napangiti siya saakin.

Hindi ko alam anong gagawin ko... Tumingin lang naman ako kasi ano... Ang cute ng pout niya...

"Tumingin ka rin saakin sa wakas!", maligayang sabi niya saakin. Kumunot naman ang noo ko, pinagsasabi ni'to?

"Uh?", unang salita na lumabas mula sa bibig ko.

"Oo, ngayon mo lang ako tinignan. Lagi kitang tinitignan pero hindi ka tumitingin pa balik, ang sakit lang", sabi niya sabay pag-lungkot ng kannyang mukha.

"Cute", hindi ko namalayang sabi, kaya nagulat ako at napatakip ng bibig...

"Reivry! Kung ano-ano ang lumalabas sa bibig mo ah! Umayos ka hindi ikaw ito", kinakaaway ko ang sarili ko sa utak ko.

"Am i cute?", tanong niya at tumawa siya, nilagay niya pa ang kamay niya sa pisngi niya at nagpa-cute.

"I-... Makinig ka nalang diyan!", sigaw ko pero sapat 'yon na siya lang ang makakarinig.

"Walang teacher, Reivry", mahinahon niyang sabi.

Oo nga pala, wala kaming teacher ngayon. Ayoko lang lumabas ng classroom kasi tinatamad pala ako. Atsaka bakit nandito 'to? Bakit hindi siya lumabas?

"Bakit ka nga pala nandito?..", nagtatakang tanong ko na para bang walang nangyari kanina. Napangisi siya at tumitig pa lalo saakin.

"Kasi nandito ka," sagot niya, nanlaki ang mga mata ko pagsabay ng pagmumula ng pisngi ko. Jusko ano ba 'tong nararamdaman ko? Ano bang meron sa babaeng ito?

"AHAHAHAHA, ang cute mo magulat! Can i have your number? Starting right now, friends na kita!" masayang sabi niya.

Dahil sa kaba ko, agad ko kinuha ang phone ko at pinakita ko sakanya. Noong nakita na niya agad niya 'tong tinawagan para malaman ko na nakuha na niya ang number ko. Sa oras na 'to hindi ko alam anong ginagawa ko. Para bang hindi ako ang na sa katawan ko.

"Thank you! See you tomorrow, Reivry!" pagpapaalam niya saakin, iniwan niya akong nakatunganga mag-isa sa classroom namin.

-

"I'm home", walang gana kong sabi.

Ang tahimik, walang tao ngayon sa bahay. Nasa trabaho nananaman sguro sila. Gusto ko ng umalis dito sa bahay na 'to. Nakakasakal na, napabuntong hininga nalang ako at pumunta na sa kwarto para ayusin ang gamit ko, sabay na rin ang pag-bihis.

Katapos kong mag-bihis, agad na akong pumunta sa kusina para mag-luto ng makakain ko. Malamang walang naka-handa niyan, hindi naman nila inaasikaso 'tong kusina na 'to. Buti nalang natuto akong mag-luto.

Naalala ko nanaman ang nakaraan, kabata-bata ko pa ako na nagluluto ng pag-kain nila. Parang ako 'yong mga magulang sa ginagawa nila. Hindi man lang nila ako maasikaso, ako ang nagaasikaso sakanila.

Loving Is HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon