Chapter 1

47 0 0
                                    


Trip lang tong story na to,pagpasensyahan hohoho *.*

-------------------------------

Namamasyal ako sa divisoria ng bigla akong nakakita ng isang malaking notebook.

Ang ganda nung design nya. Nakakaakit,papunta na sana ko dun sa tindahan ng biglang may humarang na matandang pulubi sa harap ko at namamalimos.

"Ineng,pahingi naman ng kahit konting pagkain." Sabi ni lola

"Konti nalang po itong biscuit ko eh,wait lang po,ibibili kita ng bago." bago ko tuluyang umalis para bumili tumingin muna ko kay lola at nakita ko syang nakangiti. Pinigilan nya ko nung aalis na sana ako.

"Ineng,wag na pala,napakabait mong bata,kaso mukha kang malandi"

Napataas yung kilay ko ng wala sa oras nung sinabi ni lola yun.

"Pero ayos lang,ibibigay ko na lang sayo tong notebook ko,ineng,hindi ito basta-basta notebook lang,meron itong 10 pahina na kung saan pwede mong isulat ang hiling mo at ito'y magkakatotoo. Pero ineng,siguraduhin mong yung ihihiling mo ay hindi mo pagsisisihan sa huli."sabi ni lola

Bigla kong kinilabutan sa sinabi ni lola. Kinuha ko yung notebook at tinignan.

"Sal---ha?"Asan na si lola? Adik ata yun eh,kung anu-ano pinagsasasabi,makauwi na nga.

Tinapon ko yung notebook dun sa basurahan at umuwi.

Pagkauwi ko dumiretso ako ng kwarto para magbihis...pagbukas ko ng cabinet ko nandun yung notebook na bigay nung matanda.

Kinuha ko ito,tinapon ko na to kanina ah. TSk yaan na nga.

Nilagay ko na lang yung notebook dun sa study table ko.tsaka nagbihis.

*kinagabihan

Matutulog na sana ko nung nakita ko yung notebook na binigay sakin.

Subukan ko nga yung sinabi ng matanda,wala namn sigurong mawawala kung maniniwala ako.

Nagsulat ako, pagkatapos ko magsulat natulog na ko.

------------------------------

"Waaaaaaaahhhhhhhhh!"

Nagising ako sa sigaw na yun galing sa sala. Boset,ingay ah -_-

Lumabas ako para malaman kung anong nangyayari.

"Oy,bruha anong meron?"tanong ko sa kapatid ko.

"A-ate ma-madaming ipis sa banyo waaaaahhhh!"sabi nya habang nagtititili.

Pumasok ako ng cr at pagkakita ko ..

O_O

Watdapak???!!!

"Punyeta ka marimaaaaaar! Kumuha ka ng baygon!"sigaw ko sa kapatid ko

Ang daming ipis sa inidoro putangshit lang...bigla kong naalala yung...

O_O

Tumakbo ko sa kwarto at mabilis na binuksan yung notebook,pagtingin ko ang nakasulat..

"Magkaron ng madaming ipis sa loob ng banyo"

Putangshit napasabunot ako sa sarili ko,anong kagagahan na naman tong ginawa ko?!

Biglang umilaw yung notebook at biglang nagsulat ng..

"9 wishes left"

Bigla itong nagsara ng kusa.

Di pa pala ko nagpakilala.
Ako nga pala si Marian Rafael panganay saming magkakapatid.
Si Marion Rafael pangalawa,lalaki yan tsong.
Si Marimar Rafael ang bunso.
16 years old na ko at naninjwala sa kasabihang,..

"Kung ang bataan ay mawawala at gwapo naman ang kukuha aba'y gora na"

------

A/N: okay na yan hahaha. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

1o ways para mainlove sayo si crush.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon