Walong taon. Ngunit sariwa pa rin sa utak ni Raphi ang lahat. Sobrang sakit. Kay bigat ng kanyang pakiramdam.
Anong naging kasalanan niya at nangyari sa kanya ang lahat?
Nathalie...
Ang kanyang matalik na kaibigan ay napaslang walong taon na ang nakakaraan.
Isang gabi, hindi ito umuwi sa kanila. Ilang araw na nawala. Natagpuan na lang ang bangkay nito sa trunk ng isang carnapped vehicle, pagkalipas ng ilang linggo.
Nakatali ang mga paa at kamay. Hubad. Maraming sugat sa katawan. Basag ang kaliwang parte ng bungo.
Naalala niya ang pag-uusap nila isang araw bago ito nawala.
She fell in love with an unknown man. Nakita raw nito ang lalake sa isang bar. Pero hindi nito nakilala dahil sa walang pagkakataon.
"Raphi. I have to see him again. Kahit gabi-gabi akong magbar dun sa Ruiz' gagawin ko makilala ko lang siya!"
Hindi pa niya nakakitaan ng ganoong eagerness si Natalie. It's as if she was really in love.
Pero anong nangyari? Bakit sinapit ng kaibigan niya ang ganoong trahedya?
And that guy... Who is he?
Nakatanggap siya ng text message mula kay Nathalie kinagabihan matapos ng paguusap nila tungkol sa lalake.
Omg! Raphi, he's here!!! Iyon ang mensahe nito. Hindi na niya ito tinugon dahil abala siya pagrereview.
Then, an hour later nakatanggap ulit siya ng message nito. Finally!!!
Hindi pa rin niya sinagot. She felt she didn't have to.
Paggising niya kinaumagahan ay mahigit sampung miscalls ang nasa Call logs sa cellphone niya. Lahat galing kay Natalie.
Nagreturn call siya pero patay ang telepono nito. Nasa eskwelahan na siya nang tawagan siya ng mommy nito. Hindi umuwi si Natalie kagabi.
"I know my daughter, kahit sobrang late na uuwi at uuwi iyon. Ni hindi man lang siya tumawag sa akin" Puno ang labis na pag-alala sa tinig ng mommy ni Natalie mula sa kabilang linya.
Sa sobrang kaba niya ay hindi niya nasabi rito ang mga miscalls nito at ang mensahe nito kagabi mula kay Natalie.
She knew then that something happened to Natalie. And that guy knew something. Pero sino ang lalakeng iyon? Anong alam nito sa nangyari sa kaibigan niya?
Ngunit ayon sa report walang kasama si Natalie nang lisanin nito ang bar. Recorded iyon sa CCTV ng Bar. Sumakay ito ng taxi. At hindi natrace ang taxi na iyon.
Kuyom ang isang kamay habang pigil ang mga luha ni Raphi. Nasa harap siya ng puntod ng kanyang kaibigan.
Walong taon. At paulit-ulit ang lahat ng sakit. Hindi iyon mawawala hangga't nabubuhay siya.
Bigla ay napakurap siya nang marinig ang isang tunog malapit sa kanya.
Ang cellphone ni Anton. Nasa bandang kaliwang likuran niya ito. Sandaling lumayo at sinagot ang tawag.
"Okay, sige. Pakisabi sandali lang. Pupunta kami diyan." Iyon lang ang narinig niya sa kausap ni Anton sa cellphone nito. Kapagkwan ay lumipit ito sa kanya.
"Kailangan na nating umalis." Sabi ni Anton sa kanya. "May pinatay nanaman sa GreenCorp."
Hindi niya napigilan ang mapakunot-noo.
"It's our current case. Napanood mo iyong Case977, 'di ba?"
Sandali siyang napaisip. Saka niya naalala ang napanood niyang documentary case dalawang araw na ang nakakalipas. Kapagkwan ay tumango siya.
"Naroon si Warren. Kailangan natin pumunta roon bago nila ipatanggal iyong katawan sa crime scene."
******************
Sandaling napatitig si Raphi sa inilahad na kamay ng kanyang kaharap na lalake. Si Warren. Ang abogado.Nabasa na niya ang personal profile na binigay sa kanya ni Anton. Isa ito sa mga nakakaalam sa tunay niyang pagkatao.
Sandaling napatingin ito kay Anton na nasa pagitan nila.
Nag-alangan siya ngunit tinanggap na lamang niya ang pakikipagkamay sa abogado.
Sinalubong sila ni Warren sa parking space ng gusaling pinuntahan nila. Ang GreenCorp. Pagmamay-ari ng isang mayamang negosyante at kilalang isa sa pinakamaimpluwesyang tao sa bansa.
David Buenaverde. The 4th victim of serial murder inside GreenCorp. Natagpuan ito sa loob ng opisina, nakabulagta at may bula ang bibig.
"Well, I guess we have to get used to it" Sabi ni Warren. Na napakibit-balikat matapos silang magkamay. "Anyways, we need to get back on this case. Napanood mo na siguro at nabasa mo na ang lahat ng mga kailangan mong malaman. You get to hold it tighter for the next ninety-four days."
"You said there was an item left in his office?" Sabi ni Anton.
Saglit itong napatingin sa kanya. "A small canister. It has the same signature left with Natalie's body."
BINABASA MO ANG
Abstract Rush
DiversosSequence of incidents occured, leading Raphi to a more painful and horrible truth behind his bestfriends death.