Nobi's
"Naligaw na naman yung prof na yun, okaya tinamad umakyat." sabi ni Seth sa tabi ko habang nag-uunat.
Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin kaming prof. Dapat ay nagsisimula na kami ngayon sa klase namin pero wala pa rin siya. Kaya binibilang ko na lang ngayon yung benta ko ngayong araw.
"Huy saan tayo kakain?" siko sakin ni Seth.
"Tangina nawala tuloy ako sa bilang." Inis kong sabi sa kanya.
"Eh andami mo naman kasi niyan. Cutting na tayo, gutom nako." inarte niya.
"Susubo ko sayo 'to, bad influence ka." sabi ko naman sa kanya at binilang uli ang pera ko.
"Edi wow Pineda, nung hindi ka pa supplier ng cake sa mga fans mo, ikaw ang leader sa cutting-an." sabi niya kaya natawa ako ng bahagya.
"Nagbago na 'ko noh!" sabi ko at pinasok na sa wallet ko ang mga benta ko.
"Ah si Zinobi. Tawagin ko." rinig ko sa blockmate kong nasa back door nakatambay.
"May naghahanap ata sayo." bulong ni Seth sakin at tumingin sa likod namin.
"Zinobi! Hanap ka!" sigaw ni Min mula sa likod at tsaka sinabihan yung nasa labas na umikot sa harap kung nasaan ako.
Siguro ay may order ito sakin, o kaya ay bibili ng extra cake na dala ko ngayong araw. Nagpost kasi ako sa freedom wall page ng university namin na lahat ng may order sakin ay hanapin na lang ako sa archi department. Sinabi ko rin don na may mga extra akong dala dahil madalas ay may gustong bumili ng onhand cakes. At dahil may gusto rin akong bilhing art material, naisipan kong i-promo yung cake ko para sa mga co-blink kong customer. Binenta ko ang mga photocard ko kasama ng bento cakes para dagdag pera. I-lelet go ko lang naman yung isa sa pinaka-in demand kong pc.
"Dito ba si Zid? Zid Nobi Pineda?"
Putangina. Mabagal akong lumingon kay Seth at ganun din siya. Si Romero lang naman ang naghahanap sakin. Yung kaibigan ni Yan, I mean ni ano huhu ni Damian Lua.
"Papabugbog na kaya ako ni Lua? What if nabaog pala siya?" bulong ko kay Seth.
"Eto po hehe." Biglang sigaw ni Seth at tinuro-turo pa ako.
Pokpok ka Seth. Magagawa mo talaga akong traydurin para sa crush mong masungit?
Nilabas ko ng bahagya ang ulo ko para matanaw si Romero. Nagtama agad ang mata namin kaya umiwas ako at nagtaas ng kamay. Nabalik lang ang tingin ko sa kanya ng umalis na siya agad at sinuklay ang buhok niya.
"Tangina! Ang gwapo-gwapo niya bff, nakita mo yung mata niya? Ang pungay shet parang laging inaantok." Kilig na rant agad sakin ng pokpok at inalog-alog pa 'ko.
"Eh malamang med student yon si Romero! Laging puyat sa course niya."
"Ang ganda ng apelyido sana makuha ko. Tangina pwede naman siyang sumandal sa balikat ko para matulog pag inaantok na siya. I do Nobi, ikasal mo na kami." tuloy pa niya.
"Hibang!" sigaw ko sa tainga niya at inirapan siya.
Hinayaan ko lang siya magsabi ng mga kahibangan niya sa buhay habang iniisip ko kung bakit ako hinanap ni Romero sabay alis na lang. Baka tinatandaan yung mukha ko tapos aabangan nila ako mamaya sa labas ng university? Shet pati pala ako hibang.
Napapikit ako ng biglang may mag-flash sa mukha ko. Ang sakit sa mata!
"Oops... I forgot to turn the flash off." sabi ng lalaki sa harapan ko at nagsimula nang lumakad palabas ng room namin.
Tangina???????????
"Thanks." sabi niya habang naglalakad pa rin at tinitignan ang kinuha niyang litrato sabay tawa.
YOU ARE READING
Getaway Car | sunwon
FanfictionHe was just too much, the shiniest star he's ever seen. A blinding star that he could not take a look at for a long time. A star he wouldn't able to pursue. But what if it's him who wants to take the risk with him? The star going down to him, flyin...