Chapter 1 - Kick

18 1 0
                                    

Nobi's

Ang init ng buhay ko, at wala akong dalang payong. Grabe naman kasi makalimot 'tong utak ko sa mga bagay na kailangan ko. Pero mas grabe ang init sa Pinas. Hindi ata sapat yung sunscreen ko para sa ganda ko.

Nandito ako ngayon sa university namin for my group project. That's why I prefer individual works, mas magagawa ko sa bahay, hindi rin ako mahihiyang tamarin. I am fine with my blockmates, it's just i prefer working alone with my plates.

I am now heading to Seth and I's meeting place. Magkaiba kami ng group kaya hindi kami magkasama ngayon. Gumawa kami sa library habang sila naman ay nasa architecture department. At ang daya dahila ng pinili niyang meeting place ay mas malapit sa kanya.

Pero okay lang, kasi madadaanan ko yung building nila Miguel. Napangit ako sa naiisip ko. Mukha akong high school student nito pero masaya kasing magka-happy crush para lumigaya naman buhay ko. And Miguel is my crush, he's taking pre-med course.

Naagaw ng tingin ko si Romero, inaantok ang mga mata neto at may dalang dalawang kape. Infairness talaga dito kay Romero, ang gwapo kahit ang suplado looking. Kahit halata sa mukha niyang pagod siya, gwapo pa rin. Kaya type to ni Seth eh, mga tipong hindi siya papansinin.

Susundan ko pa sana siya ng tingin para kay Seth pero ayan na nga ang demonyo at tumawag na sa'kin.

"Hoy—"

"Nakita ko crush mo." putol ko sa kanya.

"Sino dun?" sabi niya pero sinagot din ang sariling tanong. "Ah! Si Romero yan. Malandi ka alam kong nasa med dept ka para silayan si Miguel."

"Eh ano naman sayo?" sungit ko sa kanya at binabaan siya bigla dahil nakita ko si Miguel na palabas na.

Umubo ako at nagsalamin bago kunwaring lumilingon sa mga buildings at signage. In short magpapapansin ako kay Miguel. Kung hindi ako kikilos, paano magiging kami diba?

"Excuse me. Pwede pong magtanong?" malambing kong tanong kay Miguel.

Doe eyes is the key guys. Tsaka shempre, maganda at inosenteng mukha. Baka hindi gumana yung tips ko kung hindi naman tayo magkamukha.

"Sure, sure." sabi niya at ngumiti sa'kin.

Ngumiti siya SA'KIN guys! Ang cute ng dimples niya sana masundot ko.

"Uhm, which way po yung papuntang architecture department?"

"Uhh, I think it's this way." Sabi niya sabay turo sa hallway.

"Thank you!" sabi ko at ngumiti ng matamis.

"No problem at all." reply niya at ngumiti uli bago siya naglakad uli.

Shet ang gwapo talaga. Ngumiti lang ako at napakagat sa labi dahil sa kilig. Pang one week na tong motivation guys.

"Seth! Papunta na 'ko!" Excited kong sabi at masayang naglakad.

"Pokpok." sabi niya lang at binabaan na 'ko dahil alam kong alam niya na nakita ko si Miguel.

Eh anong magagawa niyo guys? Lalo na yang si Seth, puro masusungit yung crush. Kung gagawin niya siguro yung ginawa ko kanina, ang isasagot sa kanya ni Romero ay iling. Iniisip ko pa lang ay natatawa na'ko. Pero kung kahit ganun ang isagot ni Romero sa kanya ay siguradong kikiligin pa rin ang siraulong yon.

Nawala ako sa mood nang makita ko ang tirik na araw sa labas. Matutuwa sana ako kung may nagpapayong sa'kin, eh kaso wala! Napairap ako nang maramdaman ang init at ang nakakasilaw na araw. Kung anong nilamig ng library kanina, siya namang ikinainit ng labas. Naka-jacket ako ngayon dahil malamig kanina, at ayaw kong masunog ang balat ko. Kahit mainit ay titiisin ko dahil wala akong dalang payong. Medyo may kalayuan pa yung meeting place namin ni Seth, ugh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Getaway Car | sunwonWhere stories live. Discover now