Chapter 1

125 10 1
                                    

Storm POV

Hindi ko na binigyang pansin ang pag alis ni Kessey dahil wala naman akong pakialam. Hindi ako nakakaramdam ng kahit anong pagsisi sa mga sinabi ko sa kanya dahil una pa lang naman ang klinaro ko na sa kanya kung ano lang siya sa buhay ko, kaya huwag niya sa akin isisi kung bakit siya nasasaktan. Ilang beses ko na din siya binigyan ng pagkakataon na lumayo pero hindi niya ginawa.

Hindi ko talaga maintindihan ang ibang babae na kahit sinabi mo naman sa kanila ng malinaw na hindi ka nila pwedeng mahalin ay ginagawa pa din nila at kapag nasaktan sila ay parang ikaw pa ang may kasalanan. Alam kung naging mabuting tao sa akin si Kessey pero kahit anong gawin niya ay hindi ko pa rin talaga siya kayang mahalin, mas lalo lang siyang masasaktan kapag ipinilit niya pa ang sarili niya sa akin.

Maya maya pa bumukas ang pinto ng condo ko at pumasok ang kaibigan ko. He's Lucas Ashton Forbes, brother of Zamara.

"Ano na naman ang ginawa mo kay Kessey? Nakasalubong ko siyang umiiyak," panimula nito at umupo sa tabi ko.

"As usual." maikli kung sagot.

"Ang tibay din talaga ng babaeng 'yon. Kahit ilang beses mo ng pinagtulakan pero dikit ng dikit pa din sa'yo. Minsan nakakaawa na din."

"Ilang beses ko na din siyang binalaan na tigilan niya ang nararamdaman niya para sa akin dahil hindi ko kayang suklian 'yon," saad ko.

Narinig ko naman ang pagbuntonghininga nito. "Bro, ilang taon na ang lumipas pero hindi mo pa din siya nakakalimutan?"

"Alam ko ang sagot ko sa tanong mo 'yan Ash. Hindi madali gawin ang sinasabi mo, kahit anong pilit ko hindi ko kaya." anas ko.

"Hindi mo ba talaga kaya o sadyang ayaw mo lang talaga gawin? Storm, you need to let her go. Hindi siya magiging masaya kapag nakikita kang ganito. She's at peace and you need to let her rest forever. You need to pull yourself."

Nag iwas naman ako ng tingin dahil ramdam ko ang pamamasa ng mga mata ko. "Gustong gusto kung gawin 'yon, pero masisisi mo ba ako kung hindi ko pa siya kayang bitawan? Hanggang ngayon kasi. . . namumuhay pa din ako sa mga katanungan na kung bakit kailan ako naging masaya ulit saka naman babawiin agad. Ang dami naman kasing mga masasamang tao diyan pero bakit hindi na lang sila? Bakit kailangan pa siya ang mawala? Ano bang nagawa kung mali sa buhay ko para maranasan 'to? Naging mabuting anak at kapatid naman din ako ah. Do I don't deserve to have my own happiness?"

"You deserve all the happiness in life Storm. Pero may mga bagay lang talaga na kahit ipilit pa natin ay hindi natin makukuha lalo na kung hindi 'to nakatadhana sa atin. Naiitindihan kita kasi alam kung nasasaktan ka. Pero apat na taon na ang lumipas, kailangan mo matutunan na bitawan ang taong matagal ng wala."

"H-hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Nandito na naman ako sa puntong hirap akong ibangon ang sarili ko kahit na ilang taon na ang lumipas. Batak na batak na ako sa putanginang sakit na ito e. Sa tuwing ipipikit ko 'yong mga mata ko ay naaalala ko ang batang ako, noong mga panahong nawala ang mga magulang ko, b-buong akala ko kasi hindi ko na 'yon mararanasan pero pinasaya lang pala ako panandalian ng tadhana. Pagod na pagod na ako sa paulit ulit na paglilibing at pagluluksa para sa mga taong mahal ko. Wala man lang ako nagawa para mailigtas sila." pag amin ko.

Hinimas niya naman ng mahina ang likod ko. Si Ashton ang isang taong nakakita kung paano naging miserable ang buhay ko simula ng mawala si Bea, hindi niya ako iniwan ng mga panahong lugmok na lugmok ako.

"Hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo Storm dahil wala ka naman kasalanan. It was meant to happen. Hindi naman natin hawak ang mga buhay natin at kaya itong bawiin ng Diyos lalo na kung tapos na ang misyon natin dito sa mundo. Marahil ay dumaan lang si Bea sa buhay mo para magbigay aral at tulungan kang maging matatag sa mga susunod na pagsubok na darating sa buhay mo. Minsan kailangan natin bitawan ang bagay na nakakapagbigay bigat sa kalooban natin. Alam kung magiging masaya si Bea sa oras na gawin mo 'yon. Hindi mo matatagpuan ang tunay na kasiyahan kung patuloy mong ikukulong ang sarili mo sa dilim at hindi mo makikilala ang taong nakalaan sa'yo kung patuloy kang kakapit sa taong hindi nakatadhana maging sa'yo."

Hindi ako agad nakasagot sa mga sinabi ni Ash, alam kung may punto siya sa lahat ng 'yon. Tama din siya sa sinabi niyang ako lang talaga ang may ayaw na bitawan ni Bea. Hindi niyo naman ako masisisi dahil isa siya sa taong nagparamdam ulit sa akin kung paano ang magmahal. At sinisisi ko din ang sarili ko dahil hindi ko man lang siya nagawang iligtas, pakiramdam ko kasi ay hindi ko siya naipaglaban dahil pumayag ako noong panahon na nagpapaalam siya sa akin na kailangan niya ng umalis at magpahinga.

"G-give me some more time to process everything." mahinang turan ko.

Tumango naman ito. "Don't be hard on yourself. Hindi mo kailangan parusahan ang sarili mo sa mga bagay na hindi mo naman kontrolado. You did everything to save her, pero oras niya na talaga para umalis. Time heals bro. Alam kung kaya mo 'yan dahil isa ka sa taong kilala ko na ubod ng tatag. At saka hindi mo ba namimiss ang kapatid mo? Panigurado akong ilang balde ang iniyak no'n at isa pa ang pamangkin mo malaki na."

Bigla kung naalala si Kiara, alam kung nasaktan ko siya sa pag alis ko ng hindi ko man lang sinasabi kung saan ako pupunta, ni ang pagpaparamdam ay hindi ko nagawa sa loob ng apat na taon dahil ayaw kung madamay siya sa pagluluksa ko. My sister is so precious to me, she suffered a lot at ayaw kung mag alala siya sa akin. Kampante naman ako na naiwan ko silang mag ina sa kaibigan naming si Nigel dahil alam kung hindi niya ito pababayaan.

"Babalik ako sa oras na maging handa na ako, ayaw kung maging mahina sa harap ng kapatid ko." sagot ko sa kanya.

"Hindi naman kabawasan ang pagiging mahina at pag iyak sa pagkalalaki. Minsan kailangan natin ng ibang tao na makakaintindi at makakatulong sa atin. Alam kung isa sa lakas mo si Kiara kaya mas mabuting makasama mo siya." tinapik nito ang likuran ko.

"I will, kailangan ko lang ng sapat na oras." ngumiti ako. "Anyway, why are you here? Wala ka bang trabaho?" tanong ko sa kanya.

Umiling naman ito. "Wala naman akong kliyente ngayong araw, kaya naisipan kung bisitahin ka kung buhay ka pa."

"Huwag kang plastic gago! Mas uunahin mo pa ang babae mo kaysa pagpunta sa akin. Himala nga ngayon at hindi babae mo ang binisita mo." natatawang sambit ko.

"Masyado pang maaga para magpainit at isa pa pagod pa ako." nginisihan ako nito.

"Nakakaramdam ka pa pala ng pagod? Halos araw araw kang nagpapalit ng babae ah," pang aasar ko lalo sa kanya.

"May magagawa ba ako kung habulin ako? Kusa naman silang lumalapit sa akin, sino bang tatanggi sa grasya? Ikaw nga hindi pa nakokontento sa fuck buddy mong si Kessy e, may iba ka pang binabayo."

Nagkibit balikat naman ako. "Hindi ko naman sila masisisi kung ihahain nila ang katawan nila sa akin. Masyado lang talaga akong magaling sa kama." saad ko.

"Hambog!" singhal nito sa akin, pero tinawanan ko lang siya.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tempted By TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon