Chapter two

3.3K 112 1
                                    

Warning: This story is a work of fiction.Place,Characters and events are not exactly happen.This is only imagination of an author.

Gani's POV

"where here na!" sabi ni Loreen pagkalabas ng Dumagute airport.Ala-siete ng umaga na  kami nakalabas.Its been a long year nang huli akong nakapunta sa siquijor.Yung taon na namatay si lola at nakagraduate ako ng highschool 9 years na ang nakakaraan..Pagkatapos kasi nun ay naisipan na ng mga magulang ko na doon na lang manirahan sa manila.

"hey excited na ba kayo?" tanong ni Tria.

"kanina pa! tara ayokong masayang yung oras natin dito!!" ani ni shara.

"we have no time to check in. Ilang oras na lang kasi magsisimula na yung event" sabat ni sheen.

"ok tara na I need to rest" ako naman ang nagsalita at nauna nang pumunta sa bangka.

"tss grabe napaka pagudin talaga ang babaeng yun" napailing na sabi ni shara.

Ilang oras din ang byahe papunta sa isla ng siquijor. Pagkatapos nun ay sasakay pa kami papuntang Lazi na kung saan nandoon ang school namin.

Nakababa na kami ng bangka.Ganun parin naman.Napaka mestiryoso parin ng  lugar,malalaki ang puno,mataas parin ang mga damo at hindi parin ayos ang kalsada.

*Makalipas ng ilang oras*

"Welcome sa mga dati kong anak" bungad ng matandang naka pormal ang suot.

"Mr.Laurel!" Hiyaw nilang apat.

"Namiss po namin kayo!" unang nagsalita si shara.

"Naku salamat anak!talagang lubos akong nagpapasalamat dahil matapos ang sampung taon nandito ulit kayo!" sagot ni Mr.Laurel.

"oh sino naman yang kasama nyo?" baling ng atensyon saakin.

"Ano ba naman kayo sir! si Ganiela po yan" sambit ni sheen.

"Ay nakalimutan ko ikaw ang pinaka matalino sa buong klase ko" puri ni Mr.Laurel.

"Halika nga dito Ela" anyaya ni Mr.laurel.

"Hindi po ela Gani po" iritable kong sagot.

Bigla akong nakaramdam ng sakit sa tagiliran.Ayun naman pala siniko ako ni Loreen.

"aray! ang sakit huh" sagot ko.

"Ayusin mo kasi ang pananalita mo" giit ni loreen.

"sorry" irap kong sagot.

"Ay tara pasok tayo sa loob ng makita nyo na ang iba nyong kaklase noon" anyaya ng kasama ni Mr.Laurel.

"Ok excited na akong makita silang lahat" saad ni tria.

Pumasok na kami sa loob ng school..Well ang ganda na di tulad ng dati kawayan lang ang pader pero ngayon konkreto at sementado na..Ibang klase talaga si Mr.Laurel napaayos niya ang school.Sabagay principal nga naman.

Pumunta ako sa bakanteng upuan na kung saan isang babae lang ang nakaupo.Wala na kasi akong maupuan at gusto kong lumayo layo muna sa byaheros de quatros.

"Uhmm pwedeng makiupo?" tanong ko sa babae na mahaba ang buhok at di gaanong maganda ang suot.

"Sige!walang problema" sambit niya

Umupo ako at inilapag ang bag ko sa hita.

"Ganiela?De alcantara?" tanong niya.

"ako nga" maiksi kong sagot.

"Di ba ikaw yung Class Valedictorian noong batch natin?"

"Uhhh-oo ako nga!" alinlangan kong sagot.

"kamusta ang Maynila" tanong ng dati kong ka-klase.

"Ok lang mainit,masikip atsaka puno parin ng pulusyon!" sagot ko.

"eh dito kamusta naman dito?" dagdag ko.

"naku dito?ganun parin sabi nila nakakatakot daw pero masaya naman" sagot nito.

"huh?wala naman ipinagbagbago yun eh" ako.

Humaba ang pagu-usap namin at hindi ko namalayan na tanghali na pala at malapit na ring matapos ang event.

"One more thing, totoo bang may mga travelers daw na pumupunta rito at hindi na nakakabalik?" biglang lumabas ang kataga iyon mismo sa bibig ko.

Bigla siyang natameme at hindi alam kung anung gagawin..

"uhh-ehh" nau-utal niyang sabi.

"di naman kita pinipilit! wag mo nalang sabihin" ako habang may knakalikot sa bag ko.

"uhhmm sige pupuntahan ko lang yung mga kaibigan ko" sagot ko at umalis sa kinauupuan ko.

"Sinong kausap mo dun?" nagtatakang tanong ni Tria.

"Huh?yung dati nating classmate ayun oh" duro ko at laking gulat ko na lang nang wala na siya sa kinauupuan nito.

"Alam mo Gani your being paranoid! tara na pumunta na tayo sa bayan para makapaghanap ng hotel" nakangising sabi ni tria at umalis.

Nakakapagtaka?kanina nandiyan lang siya bakit naman wala na siya?

"Huy! halika na!" tawag ni sheen.

"Andito na" irita ko.
.
.
.
.
.
End of Chapter 2
Dr. Laughter

"Museum" [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon