[3]

84 6 8
                                    

Kaira's POV

Nang makita ko kung sino ang nag-like.

Napa-takip ako ng bibig.

Oh my! Is this for real!?

*Bhosxz ElHa Ü MgapagMah4L like your post...*

Aist! Mga jejemon this day nakaka-epal! Akala ko si Paul na ang nag-like jejemon lang pala. In-unfriend ko yung Elha chuva na yun at nag-log out na ko kasi time na.

Badtrip! Umaasa ako sa wala. Hays! Makauwi na nga lang.

Pagkapasok ng pagkapasok ko sa bahay nakita ko sila mama at papa na seryoso habang nag-uusap sa sofa.

"Oh ma,  nasaan si Ralph?" bungad ko.

"Tulog sa taas." sabi ni mama.

"Pwede ka bang maka-usap?" Seryosong tanong ni papa.
Kinakabahan ako! Nalaman kaya nilang nagsinungaling akong pupunta ako sa convenience store pero sa comp shop talaga ako pumunta?

Oh my! What to do!?

May inabot na maliit na papel si papa at sumenyas na basahin ko daw. Binasa ko naman.

Napanganga ako sa nakita ko.

"Seryoso?"

Tumango sila sakin habang nakangiti.

1 month vacation sa Batangas lang naman ang nabasa ko! Sa isang beach resort, libre na lahat ng kakainin, tutulugan, transportation papunta at pauwi. Extra money na lang para sa mga personal use tsaka sa mga souvenirs.

"Wow! Batangas! Maganda dun at may beach pa!" masaya kong sabi habang malawak ang mga ngiti.

Pero bigla akong nagtaka.

"Anong meron?"

Bakit naman nila ako naisipang ipagbakasyon sa Batangas ng halos isang buwan samantalang galit na galit sila sakin dahil sa nangyari kagabi?

"Ganito kasi yan ekang. Ininvite kami ng mga college friends namin na sumama sa Reunion. Isang buwan yun, kaya naman bakasyon ka muna anak?" nakangiting sabi ni mama.

"Eh paano si Ralph?"

"Huwag kang mag-alala miss na daw niya ang mga pinsan niyo, kaya kay Tita Sally niyo muna siya!"

Aba mukhang ready sa plano 'tong sila mama ah! Willing pumunta ng reunion.

"Eh? Wala akong gadgets or anything?"

"Ibabalik namin!" Sabi ni papa at nilapag niya lahat ng gadgets ko sa mini table namin!

Napangiti ako, miss yah all so much!

"Sige na, anak?" Pareho nilang sabi at sabay nagpa-cute.

Hay nako! Pag-ganyan sila hindi na talaga ako makatanggi. Minsan na rin naman silang magbonding mag-asawa.

"Hay nako, wag po kayong gagawa ng kalokohan ma at pa ah!"

"Maraming salamat!" Sabi ni mama at niyakap ako.

Sana mag-enjoy sila dun! Dahil ako? For sure mag-eenjoy ako sa Batangas wuhoooooo!!!!

"So kelan ang alis ko?"

"Next week na anak."

Nginitian ko silang pareho at nagthank you. Kinuha ko na ang mga gadgets ko at dumiretso ako sa kwarto ko at humilata sa kama.

Kahit papano isang buwan magiging makabuluhan ang bakasyon ko.

Inopen ko ang phone ko, laptop, ipad, at tablet ko. At bigla akong napangiti sa wallpaper ko.

Si Paul lahat ang wallpaper nito. Kaya ko 'to na miss eh, wala akong matitigan. Wala akong makausap.

Sa cellphone niya kaya ako pa rin ang password niya? Ako pa rin kaya ang wallpaper niya? Ako pa rin kaya ang no.1 sa contacts niya? Ako pa rin ba ang nasa inbox niya?

Ako pa rin ba ang mahal niya? Kapag naiisio ko kung paano kami nagsimula, ang hirap isiping wala na talaga kami. Napaka-ganda na ng love story namin, nagkaka-away man pero kalaunan nagkakabati rin kami.

Hindi ko makalimutan ang una naming pagkikita.

JS Prom nun noong 4th year high kami at nagsasayawan na nag-aayaan na ang mga lovers sa gitna at mags-slow dance.

Ng may lumapit sakin isang lalaking hindi ko aakalaing mamahalin ako at sasaktan.

Si Paul...

...

AUTHOR'S NOTE:

Sorry sa short update! Hahaha bawi ako sa next chapter! Promise, salamat sa paghintay sa story na 'to! Salamat sa support guys! :)

Lovelots!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Past Is PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon