CHAPTER 4

371 11 0
                                    

"Oh? Eh sino ka? Anong role mo sa story na to?" Tanong ko sa kanya.

"Role ko ang manggulo ng buhay mo." Sagot naman niya. Napa "huh?" Naman ako dun.

"Jaime Riley Alliston, don't you remember a single detail about me?" Sabi niya. Tumayo pa talaga siya pero wala pa rin akong naaalala until may sinabi siya...

"I'm Alec! The best friend of Tyler." Sabi niya with matching accent pa.

"Huwag mo nga siyang tawagin sa pangalan niya. Tawagin mo siyang He who must not be named." Paliwanag ko sa kanya.

"Why? Cause you haven't move on yet?" Tanong niya. Alam mo tong si Alec na to? Deputa eh. Ang gwapo sana kaso ang cold ng boses tas english pa ng english na may accent pa.

"Oh, eh ano naman ngayon kung di pa ako nakakamove on? Ilang days pa lang naman ah." Paliwanag ko.

"Tss. Riley, he bet on you. Why can't you forget him easily?" Tanong niya.

"Alam mo, ang pakialamero mo. Bakit? Best friend ka nga naman niya pero wala naman akong koneksyon sayo kaya huwag mong sabihin sakin kung anong dapat kong gawin, okay? Isa pa, bakit ba parang atat ka ng mag move on ako? Pinadala ka ba niya para icheck kung nakamove on na ako. Kung ganun, pakisabi na naghahanap na ako ng bagong boyfriend kaso mukhang lahat ng lalaki dito sa mundo, kapatid niya. Ubod kasi ng kayabangan. Isama mo pa tong nakikiupo dito sa Greenwich tapos puro punyeta ang mga pinagsasabi. Paki sabi nga din pala na isa siyang deputa." Sabi ko at tumayo para umalis na.

"What did you call me? Depu-what?" Sabi niya at hinabol ako.

"Bawal ulitin sa taong bingi." sabi ko naman. BWHAHAHAAHAH! Ang sarap palang sabihin yun! Ilang beses na akong nasabihan nung ganyan nung ako'y Ha? ng Ha? dun sa kaibigan ko. Tanga lang eh, ano?

"And what is that supposed to mean? I'm not into Filipino language." Sabi niya. "Pero nakakaintindi ka." Sabi ko. "Well, a few." Sagot niya naman. Naglalakad na kami ngayon sa mall.

"Why are you here, anyway? Bakit mo ako sinusundan? Wala na akong koneksyon sa best friend mo kaya kung pwede lang, back off." Sabi ko. "I told you. My role here is to mess up with your life." He said bluntly.

"Hindi ko na kailangan pa ng manggugulo ng buhay ko kasi simula ng lokohin ako ng best friend mo, magulo na. Kaya please, Alec, kung sayo isang laro lang to... Kung iniisip mo na pwede akong paglaruan, pwede itigil mo na? Kasi hindi pa nakakarecover yung puso ko, wawasakin mo na." Sabi ko.

"Hey, Hey, stop. First of all, for me, this is definitely not a game. And you're not a toy. I'm here because i feel so sorry for what my best friend did to you. Jaime, you don't deserve this. I'm not telling you to fix your relationship with him because he's a total jerk anyway. I just wanted you to forgive him. Besides, I can be your friend." Sabi niya sincerely.

Jusko, bakit ang gwapo gwapo ng isang to? Nung bang nagpasabog si Lord ng kagwapuhan, gising na gising pa siya at nagdala pa ng timba? Huway? At saka, nakakanosebleed ang isang to. Honestly speaking lang ha, alam kong best friend ni He Who Must Not Be Named itong si Alec pero di naman kami ganun ka close.

At hindi ko din alam kung paano naging magkaibigan tong si Alec at yung si ano, you know. Ang haba pala ng He Who Must Not Be Named haha lol. Bakit nga ba sila naging mag best friend? Ang isang deputa at ang isang gwapong deputa ay mag best friend? Mahirap yan.

Magandang Author: Ay discrimination, teh. Bakit kay Alec may gwapo pero kay ex wala?

Pagkatapos akong lokohin nung tao, ineexpect mo ako na tawagin siyang gwapo? Ano ako?! Hilo?! Hell no!

Magandang Author: Edi wow. Pero mapagkakatiwalaan mo nga ba si Alec?

What do you mean?

Magandang Author: Ohhh~ When you nod your head yes, but you wanna say no, what do you mean?

Tanga, hindi yun. Anong ibig mong sabihing mapagkakatiwalaan ko nga ba si Alec?

Magandang Author: Eh diba nga, hindi niya lang basta friend si He Who Must Not Be Named, bestfriend niya! Bakit sila naging magbest friend kung iba ang ugali na? Ewan ko lang ha, may ibang vibe siya eh. There's something na feeling off dito eh. It's either may tinatago si He Who Must Not Be Named, o si Alec mismo.

Sus, hindi mo pa nga kilala yung tao, hinuhusgahan mo na.

Magandang Author: yun na nga yung point eh! Hindi mo siya kilala!

Magandang Author, hindi ko maintindihan. Nakikipagkaibigan lang naman siya eh. What's wrong with that?

Magandang Author: Yun na nga mismo ang mali.

Hay, naging konsensya ko si Magandang Author pero di ko siya pinansin. I think Alec will be a very good friend. Alam niyang broken ako tapos nandito pa siya para pasiyahin ako.

Magandang Author: Yun na nga yung mismong thought. Bakit niya yun ginagawa? May kailangan siya sayo.

Ginagawa niya lang to out of his kindness. No more, no less.

"Fine. Be my friend. Make me happy. Make me forget him."

The Girl He InsultedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon