Prologue

15 0 0
                                    

Being hard-working and strong-willed can also be exhausting.

Being an achiever and wanting to reach your own standards can lead you to so much pressure.

Many eyes are expecting you to always be on top.

And if you fail, you can't stand their disappointments and judgements through their eyes.

Have you ever experienced being in silence? A silence that will give you comfort, without worrying about your surroundings. A silence that your whole soul can live in tranquility despite in the middle of chaos.

Others are uncomfortable in silence, but for me, it's ineffable when someone can read between my silence and screams.

I guess, that's the peaceful and genuine feeling.

•••

"Omayghad, na-miss ko kayo!" bungad ni Ria sa'min at sabay-sabay kaming niyakap.

Galing pa siyang Cavite, lumuwas para makita at makapag-bond kami.

"Buti naka-luwas ka before mag pasukan, for sure magiging busy na tayo," sambit ni Ima.

"True, saan pala tayo now?" tanong ni Nardo.

Ngayon na lang ulit kami na-kompleto at gagala before magpasukan, busy life na rin kasi kung tutuusin. Si Ria, Ima, and Nardo ay kaibigan ko since grade 7. Ngayon ay senior high na kami, malalayo kami sa isa't isa but we still make time for each other sometimes.

"Doon sa tambayan muna tayo, nagugutom na ako eh," sambit ko.

"Ay oo, kanina pa siya gutom teh," natatawang sambit ni Nardo.

"Ako rin eh, na-miss ko ron, tara!" inakbayan ako ni Ria at tumuloy kami sa tinatambayan namin.

Nang makarating ay nag-order agad sila, halos kilala na kami ng mga staff dito.

"Grabe nakaka-miss naman this," sambit ni Ria bago nagsimulang kumain.

Tahimik lang akong kumakain, nagulat naman ako ng mapatingin sila sa'kin.

"What?" nakataas ang kilay ko sa kanila.

"Teh, alam namin na tahimik ka talaga, pero hindi mo ba kami na-miss?" Napairap ako sa sinabi ni Nardo.

"Ine-enjoy ko food ko, raulo 'tong mga 'to," sambit ko, tumawa naman sila.

"Siyempre sa sunod na buwan eh pasukan mo na, chika ah!"

"Tsaka hanap ka ng pogi!"

"'Yong pasok sa standard namin."

Sabay-sabay nilang sambit.

"Naniyo! Ako nga wala, hahanapan ko pa kayo? Pero sige tignan ko," natatawang sambit ko.

"Teh, kagagaling mo lang sa break up, dalawang buwan pa lang kaya 'wag muna, baka matiris ka namin," taas kilay na sambit ni Ima.

"Kami muna nakshit," pahabol ni Nardo.

Napa-whatever look na lang ako.

Nagpatuloy sila sa pagku-kwentuhan, nakikisali rin ako dahil puro throwback namin noong junior high.

"Teh, si Ria kamo palaging late, ikaw naman Ima palaging absent, halos kambal na kayo eh," nagtawanan kami sa sinabi ni Nardo.

Habang ngumunguya ay napatingin ako sa paligid. Napako ang tingin ko sa isang nakasalamin na lalaki malapit sa counter, nagse-selpon lang. He looks so serious and infairness gwapo ah. Mukhang kaedaran lang namin.

Napa-baling ang atensiyon ko sa kanila ng tawagin nila ako.

"Anong gusto mong dessert babaita?" Tanong ni Ima.

"Ice cream, cookies & cream flavor," sagot ko.

"Dalian niyo kumain, gagala pa tayo! Nako sulitin niyong nandito ako," sambit ni Ria.

"Of course!"

Our day went well, nag-enjoy ako. Maganda rin na mag-liwaliw ako before mag-start ang class, panigurado ma-stress ako. May goal din ako for this school year, ayaw kong pumalpak.

Pauwi ako ng biglang umulan nang malakas, kung minamalas ka nga naman.

Nasa tapat ako ngayon ng kinainan namin kanina, sumilong muna ako para hindi ako masiyadong mabasa.

"Hoo, ang lamig," pabulong na sambit ko habang naka-yakap sa sarili. Bakit kasi hindi ako nag-dala ng payong!

10 mins-20 mins pa before ako makarating sa'min; ayaw ko naman lusungin ang ulan masiyadong malakas.

Patagal nang patagal ay mas lalong lumalakas dahil doon ay halos sipunin na ako sa lamig.

"Miss, gusto mo bang pumasok muna?" Nagulat naman ako sa nagsalita, wait siya ba 'yong lalaki kanina?

"H-Hindi, a-ayos lang," nanginginig na sambit ko.

"Nilalamig ka na po eh, p'wede ka naman muna mag-stay dito kahit saglit."

'Wag ka ng tumanggi Maica.

Tatango sana ako nang biglang kumulog kaya napasigaw ako at napakapit sa kaniya.

"I'm s-sorry, t-takot a-ako sa k-kulog," nanginginig na sambit ko. Nakahawak naman siya sa mga braso ko.

"Dito ka muna sa loob, mas safe," hindi na ako umangal, sumunod ako sa kaniya.

Nakaupo ako ngayon sa couch, sa may rest area ng staff, kinakalma ko ang sarili dahil nanginginig ako.

"Inhale.. exhale.." mahinang bulong ko.

Alas siyete na ng gabi, panigurado nag-aalala na si mama. Chinat ko si mama para magpasundo.

"Ayos ka lang ba?" tanong ng lalaki. Tumango ako bilang sagot. Inabutan niya ako ng tubig at malugod ko naman itong tinanggap.

"T-thank you.." mahinang sambit ko.

Kahit papaano naman ay kumalma na ako, nasa harap ko lang ang lalaki habang nagse-selpon siya. Napatulala naman ako sa kawalan.

Gusto ko na matulog, sana dumating na si mama.

Maya-maya pa ay nag-vibrate ang selpon ko.

Mama: nandito na ako, nasaan ka?

Napatingin naman ako sa lalaki.

"Uh, nandiyan na ang sundo ko, s-salamat nga pala," nginitian ko siya at tumayo. Sinamahan niya ako hanggang sa makababa.

"Tara na 'nak, medyo mainit ka ah, thank you iho!" Sambit ni mama.

Papunta na kami sa tricycle ng lumingon ako sa lalaki, pero paakyat na siya sa resto.

Hindi ko masiyadong na-recognize ang mukha niya pero paniguradong makikilala ko ang boses niya. I want to thank him.

Fluent in SilenceWhere stories live. Discover now