"Nai-prepare mo na ba 'yong mga gagamitin mo bukas, Ica?" Pagtatanong sa'kin ni mama, napatango naman ako.
"Opo ma, nakalagay na po lahat sa bag ko" sagot ko.
"Ikaw naman, Josiah?" Tanong naman niya sa kapatid ko.
"Maayos na rin po ma," sagot ng kapatid ko.
"Mabuti. Ikaw Ica, hindi ka na junior high ah, grade 11 ka na dapat mas maganda at maayos ang performance mo," paalala ni mama, tumango lang ako bilang sagot.
"Hindi naging maganda ang performance mo last year, sana naman mai-ayos mo ngayon," dagdag pa niya.
"Opo ma" sagot ko.
Hindi ko alam kung ma-excite ako o kakabahan para bukas dahil sa sinabi ni mama, pero bahala na nga.
Nang matapos kaming kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan namin.
Dalawa lang kaming magkapatid, ako ang panganay at lalaki naman ang aming bunso. Dalawang taon lang ang agwat namin. Sa aming dalawa, sa'kin ang may mataas na expectation dahil na rin siguro ako ang panganay.
Hindi kami mayaman, hindi ko rin masasabi na mahirap, nasa middle class kumbaga. Average lang ako pero kahit na gano'n may achievements naman ako, pero hindi ako gaanong magaling, kaya nakaka-pressure ang sinabi ni mama.
Napabuntong hinga na lang habang iniisip iyon.
Sana lang maging maganda ang school year na 'to.
--
Maaga akong ginising ni mama para mag-almusal, naunang pumasok ang kapatid ko dahil alas sais ang pasok niya samantalang ako ay alas otso pa. Kahit na senior high na ako, ginigising pa rin ako ni mama para mag-almusal at maagang makapasok. I can feel her love for us kahit napaka-strikta niya.
"Ma, mauna na po ako" paalam ko at hinalikan siya sa pisngi.
"Mag-ingat ka" nginitian ko lang si mama at lumakad na palabas.
Dahil malapit lang ang bahay namin sa school na pinapasukan ko ay labing limang minuto pa lang ay naroon na ako.
Pagpasok ko ay tinignan ko kung saang room ang section ko.
"Room 201, Onyx" bulong ko at nagsimulang maghanap.
Kahit malawak ang school namin, may kaniya-kaniya namang building ang bawat strand, kaya hindi ako nahirapang hanapin ang room ko.
Pagpasok ko ay napatingin sila sa'kin, marami-rami na ang naroon kaya nahiya ako. Naupo ako sa may gitna pero hindi sa harap, para kahit papaano ay makita ko ang nasa harap. Malabo kasi ang mata ko.
"Mukhang matatalino kaklase natin mi, alamin mo na sino brainy para i-close natin" rinig kong bulong ng isa kong kaklase.
Mukhang magkaka-close rin sila, ako lang ata walang kausap kawawa naman ako.
Nagbasa na lang ako ng libro, para kahit papaano ay mabaling sa iba ang atensiyon ko.
Maya-maya pa ay nagulat naman ako ng may kumalabit sa'kin, sa may harapan ko. Kaya napatingin ako sa kaniya.
"Yes?" Nagtatakang sambit ko sa babaeng kumalabit sa'kin.
"Love without limits book ba 'yan? Omg sanaol!" Napangiti naman ako, mukhang wattpader din siya.
"Yes" sagot ko at nginitian siya.
"Kainggit!" Nakangusong sambit niya kaya natawa naman ako nang bahagya.
"Regalo lang sa'kin 'to, gusto mo ba hiramin?" Pagkasabi ko no'n ay parang nagliwanag ang mukha niya.
Hindi naman na bago sa'kin ang magpahiram, kaya ko rin naman kasing bawiin.
YOU ARE READING
Fluent in Silence
Teen FictionA lady named Maica Isla Dela Cruz who is a senior high school humss student, class president, and academically competitive. They admire her perseverance and being an independent woman; she fight what's right and didn't let others to degrade her. Som...