"'Wag na 'wag mo akong tatawagan ng ganitong oras ulit or else I will fucking suck your dick." Nahampas ko na lang ang noo ko dahil sa kababuyan nitong lalaking 'to.
"Pwede ba, Ren ang aga-aga puro kababuyan na agad lumalabas sa bibig mo," sigaw ko sa kaniya. Itinapat ko pa sa bibig ko mismo ang cellphone upang mabingi siya. "Tsaka anong suck your dick? Wala ako no'n."
Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. Wala ba siyang naiisip na maganda kapag umaga? Kahapon noong tinawagan ko rin siya, hindi pa ako nakakapag-hello nakasagot na agad siya ng "Wait brb 'di pa ako tapos mag-ano". Ewan ko kung ano tinatapos niya. Malamang kabastusan niya na naman.
"Ano na naman ba, Slaone Margarette Crusio ang trip mo at ang aga-aga. Pinagbigyan na kita kahapon," sagot ng lalaki sa kabilang linya.
I giggled slightly after his questions, earning groan feom the other line. My giggles turned into laughter. "Pahatid ulit, idol."
"Inamo," he said. I burst out laughing again. "Inamo talaga." And again.
Alas kwatro pa lang at kakagising ko lang. I called him right after finishing my breakfast so that he can have his time to prepare. Paano, kahapon nang tawagan ko siya ay hindi na naligo kakamadali. Ibinaba ko sa lamesa ang cellphone tsaka pumasok sa C.R. upang maligo.
After almost breaking my finger as I tried to squeeze the two sachets of shampoo inside the small basket where we put our bathroom toiletries, I gave up and decided to just buy one outside.
The cold breeze outside immediately hugged me. May bukas na rin namang tindahan sa malapit kaya hindi na ako nakalayo.
"Pabili po." I waited for a second before the seller came. "Shampoo nga, 'te," sabi ko bago ibinigay ang siyete pesos na hawak ko. Iniabot niya sa akin ang shampoo tsaka ako nagpasalamat at umalis.
Nang matapos ako maligo ay chineck ko ang cellphone. Nabasa ko ang chat ni Ren; 4:40 raw ang dating niya
Tiningnan ko rin ang oras at 4:20 pa lang. Mag-aalmusal pa siguro.
Pinuntahan ko ang kapatid ko sa nag-iisang kwarto ng bahay namin kung saan kaming lahat natutulog upang gisingin ang kapatid kong lalaki. Nakita ko kasing gabi na nang matulog ito dahil may ginagawang project kaya hinayaan ko munang matulog. Nauna na ring umalis si Nanay at Tatay upang magbenta ng gulay at isda sa palengke. Kailangan nilang agahan ang pag-alis para hindi sila maunahan sa pwesto.
"Marc, gising na. May pasok ka pa," I said while shaking his leg slightly.
"Mamaya na, mag-lord muna sabay push," sagot niya habang nakapikit na naging dahilan ng pagpipigil ko ng tawa. Shuta, nananaginip.
"Oo nga, kaya pa 'yan late game," tumatawang sambit ko bago bumalik sa kusina upang doon antayin si Ren.
Dahil sa hindi kami masyadong mayaman, maliit lang ang bahay namin. Isang pinto sa harapan at isang pinto sa kusina. Pagpasok mo, lamesang kainan na agad ang bubungad sa’yo. Ang maliit na kwarto namin ay nahaharangan lang ng cabinet na pinaglalagyan ng damit at kurtina. Nakapagpundar naman sina mama kaya kongkreto ang pinakabahay namin. 'Yun nga lang, walang pintura.
Saktong lumabas si Marc sa kwarto nang narinig ko ang busina ng sasakyan ni Ren.
"Nasa lamesa na ang pagkain mo," sabi ko sa lalaki habang sinusuot ang black shoes. Tumango lang ito at nakapikit na pumasok sa C.R. Hinintay ko siyang makalabas bago ko iniiabot ang singkwenta pesos. "Baon mo. Suntok ka sa’kin kapag naabutan kita sa piso-wifi-an." Pinitik ko ang kaniyang noo bago lumabas ng bahay.
Hindi na kami nag-aalala sa kaniya dahil maliban sa 15 years old na siya, nasanay na rin na lagi siyang naiiwan sa bahay. Though, I always wanted to stay with him when our parents are working, wala naman kaming choice dahil kailangan ng katulong nila mama sa palengke.
YOU ARE READING
Rewriting Stars
FanfictionSloane Margarette Crusio is a typical girl from a poor family. Normal na tao lamang na namumuhay at naghahangad na makamit ang pangarap upang maiahon sa hirap ang kaniyang pamilya. Ginagawa ang kaniyang lahat na makakaya, sa pag-aaral man o sa pagig...