ONE

5 1 0
                                    


“SABI nang ayaw ko, eh!” Padabog na dinampot ng binata ang kaniyang leather jacket, sabay walkout sa opisina ng kaniyang ama. Narinig niya pa ang huling pagtawag ng kaniyang ina sa kaniyang pangalan bago tuluyang sumara ang pinto pagkalabas niya.

“I rather die than being here. This place is hell,” bulong niya sa sarili at mabilisang naglakad patungong parking lot at sumakay sa magara niyang kotse.

Siya si Geo Buenavista. Madalas ay pinapalayawan siyang "Sir Sungit" ng mga employees ng kompanyang pinagmamay-ari nila. Madalas kasing mainit ang dugo ng binata tuwing papasok ito sa building. Salubong ang kilay, magulo ang buhok, minsan hindi pa naka-tie nang maayos ang necktie, at pumupunta lang kapag may kailangang kuhanin.

According to some of those Marites, kung hindi lang ubod ng katalinohan ang binata, at kung hindi lang din ito sobrang pogi—kung saan maraming mga young CEOs na mga babae mula sa iba't ibang lugar na makikipag-partner sa kompanya ng daddy niya dahil gustong maangkin si Geo—eh, sure-ble echapwera na raw ito sa kompanya.

Secretive din ang binata. Walang nakakaalam kung bakit ganiyan siya palagi. Maraming usap-usapan na baka brokenhearted, natalo sa online sabong, or sadyang feeling badboy lang ito. Pero sa sarili ni Geo, alam niya kung bakit ayaw na ayaw niyang mapalapit sa pamilya, at magkaroon ng malaking responsibilidad sa kanilang kompanya.

Laking spoiled si Geo. Noong bata pa'y lahat ng gusto niyang laroan, damit, pagkain, at iba pa ay nakukuha niya. Kaya lang, hindi tulad ng ibang mga bata, walang oras ang kaniyang mga magulang sa kaniya. Isang tipikal na problema lang ng mga batang mayayaman. Ngunit hindi siya tulad ng mga batang pinagkaitan ng atensyon na nagmamaktol o hindi naman kaya ay nagrerebelde. Kasalungat ang kay Geo. Nasanay siya sa kaniyang pag-iisa. Mas masaya siyang mapag-iwanan ng mga magulang niya. Mas nagagawa niya ang gusto niya.

Lumiko sa maliit na eskina ang mamahaling kotse ni Geo na siyang sariling pera niya ang pinambili. Lingid sa kaalaman ng mga magulang niya, mayroon siyang in-invest sa isang oil company na pinagmamay-ari ng ex-fling niya noon sa ibang bansa. Hindi talaga iyon ganoon ka laking halaga ng pera. Noong una, napilitan lang siya't kunwari'y respect nalang sa babaeng pinipilit siyang mag-invest sa kompanya nito. In short, business minded malala iyong babae. Ngunit ngayon ay hindi niya akalaing pwede nang makapagpatayo ng panibagong branch ng kompanya nila ang perang in-invest niya noon. Dolyar ang kinikita niya mula rito kahit pa man ay wala siyang ginagawa. Hindi pa riyan nai-mention ang sariling bar na pinagmamay-ari nila ng matalik niyang kaibigan na si Samuel. Biblical ang pangalan, pero daig pa ang demonyo sa lutong kung magmura. Bading ito, pero si Geo pa lang ang nakakaalam. Kapag may favor ang binata, tinatawag niya itong Samuela.

And speaking of the bar, doon nga siya nagpunta ngayon.

Sinakop kaagad ng malakas na tugtog ang buong sistema ni Geo nang makapasok siya loob. Hindi masyadong crowded dahil maaga pa naman. Pero mukhang may malaking gathering sa unahan dahil kung makapag-request sa DJ, eh, parang disco party ang pinuntahan.

Dumiretso si Geo sa counter at um-order ng rum. Akmang iinumin niya na ang isinaling rum ng bartender nang biglang may kamay na pumigil sa kaniya, dahilan upang mabitawan niya ang baso, at muntikan nang mahulog. Agad rin naman itong nasalo ng pumigil sa kaniya.

“What the hell? Umiinom kana pala ngayon, Geo?” Taas kilay na usad ni Samuel sa kaniya. Siya pala iyong pumigil nito sa pag-inom niya ng rum.

Nakatanggap ng pamatay na titig ang baklang kaibigan mula kay Geo. Pero nginisihan lang niya ito. Kilalang-kilala na kasi niya si Geo.

Magkakilala na ito mula noong kindergarten pa sila. Madalas na nabu-bully si Samuel noon dahil maliit ito. Noong high school naman, madalas itong napagtawanan dahil kahit noong naging labimpitong taong gulang na siya'y hindi pa ito nagboses barako. Kahit paman noo'y mas gusto ni Samuel na mananatiling pino ang boses niya dahil boses babae iyon, hindi niya parin mapigilang ma-depress sa sariling kasarian.

THE GANGSTER IN ME: GEO BUENAVISTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon