P R O L O G U E

9 0 0
                                    

Takbo-takbo-takbo!

Dyahe ka Gibson peste ka talaga kahit kailan .. sa tingin mo porket gwapo ka (yuck! Badtrip!) sa paningin nila at hindi sa paningin ko.. makukuha mo na lahat ng babaeng gusto mo?

Sorry ka nalang kupal dahil ako si Coco este Chloe Quizon ay hindi papatol sa tulad mong ugok!

"Chloe please kahit tanggapin mo lang itong flowers na binibigay ko!"

"Ayoko!!!"

Kailan ba maiintindihan ng maliit na kokote niya na hindi ko siya gusto? Tsaka as if magkakagusto ako sa lalaki!

YUCK! Oo nagiging babae ako pero hindi ako nagiging pusong babae. Hindi kahit kailan man!

Nanatili at mabilis akong tumatakbo papunta sa pinaka-malapit na CR para doon magbuhos ng baon kong mainit tubig.. para na din tantanan ako ng kumag na'to.

Pagpasok ko sa ika-apat na cubicle sa men's room. Madali kong kinuha yung baon kong mainit na tubig at dali-daling ibinuhos sa ulo ko.


Next thing I knew, ako na ulit si Rico Illustrisimo at mabilis akong lumabas ng cubicle. Pero nagulat ako ng paglabas na paglabas ko ng cubicle..

Tumambad na sa'kin ang pesteng mukha ni Gibson.

"Te .. te .. teka!" Gulat at utal na utal na sabi ni Gibson.

"Oh bakit?" Matapang ngunit nagtataka kong tanong.

"Nasaan si Chloe my labs ko?"

"Chloe my labs???"

"Oo si Chloe my labs diyan siya pumasok sa CR na yan!"

"Oh? Alam mo Gibson adik ka, magpa-rehab ka na!" Pang-iinis ko sa kanya. Pagkatapos ay naglakad ako palayo sa kanilang tatlo ng mga kapwa niya kupalogs

Pagkalagpas ko sa kanila, naka-hinga ako ng maluwag at natawa nalang sa mga nangyari.

Araw-araw nalang ganyan ang eksena sa tuwing nagkikita kami ni Gibson sa school. Patay na patay siya sa'kin este kay Chloe na babaeng katauhan ko.

Naguguluhan na ba kayo?

Haha ako din naguguluha na, pero sige ike-kwento.

Kapag nababasa ako ng tubig sa ulo, I'm turning into a beautiful girl na hinahangaan ng lahat. At para makabalik ako sa pagiging lalaki. Kailangan kong mabuhusan ng maiinit na tubig

Ang gulo diba? Ako din naguguluhn, kaso wala akong magagawa dahil ito ang sumpang meron ako.

By the way, ako si Rico Illustrisimo at ito ang magulong buhay ko.





Coco 50/50
Story written by: jorenekyut
All rights reserved 2015

Coco 50/50Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon