Ikatlo: Para-paraan

13 0 0
                                    

CHLOE'S POV,

Sigurado akong kay Kattlea my labs ko ang boses na yun. Mukhang nasa panganib siya at kailangan niya ng taong tutulong sa kanya. Pagkakataon ko na'to para magpa-pogi sa kanya.

Kaso nasa ladies room siya, paano ako papasok?

Ilang segundo ang lumipas bago ko na-realized na Chloe mode pala ako ngayon. Chance ko na'to. Kaso ako pala ngayon si Chloe at hindi si Coco. Hindi niya ko makikilala.

"Help please!" Narinig ko ulit ang nag-mamakaawang boses ng My labs ko, kaya walang ano-ano'y madali akong tumakbo sa loob ng CR at doon hinanap sa mga cubicle ang pinang-gagalingan ng boses. Natagpuan ko si KZ na naka-upo sa sahig at naka-hawak sa balakang niya.

Mukhang nadulas siya at nabalian.

"Hi! Pwede bang tulungan mo kong maka-tayo at pumunta sa clinic?" Request ni KZ. Nakita ko ang nangungusap niyang mga mata na nagnanghihingi ng tulong. Kaya ako naman si Mr estes Ms Mabait ay dali-dali siyang hinawakan sa balakang at dahan-dahang itinayo.

Noong una naiilang pa ako, pero nang maisip kong babae pala ako ngayon medyo nawala. Pero deep inside nagwawala na yung nga dinosaur sa tiyan ko. Unang beses kasing nag-dikit ang mga balat namin ng my labs ko ng ganito. Buti nalang at sa iba siya naka-tingin kundi makikita niya kung paano mag-blush ang gwapo kong mukha.

Hoooo! Hinga malalim.

Nakarating kami ng clinic ng matiwasay, inihiga ko siya sa kama at inalalayan na maipatong ang kanyang ulo sa unan. Grabe! Sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa. Mas mapula na sa regla ko ang pula ng mukha ko. (Yuck kadiri ako!)

Matapos ko siyang maihiga, chineck siya nung school nurse. Hindi ako umalis sa tabi niya, pero maya-maya ng maka-tulog siya umalis na din ako dahil hindi ko na kaya ang nararamdaman ko. Nawiwirduhan na din sa'kin yung nurse. Nagba-blush pa din ako hanggang ngayon. Hindi kasi mawala sa isip ko kung paano ko nahawakan ang balakang niya at naglapit ang mukha namin na halos kaunti nalang mahahalikan ko na siya.

Tama nga si Blas, mukhang manyak nga ako. Pati ba naman ang babaeng gusto ko iniisipan ko ng ganito. Pero hindi ko naman sinasadya yun, wala kong lust na naramdaman dun. Sadyang ganun lang pala talaga ang paki-ramdam na mahawakan ang babaeng sa malayo mo lang kayang tignan.

   Ang drama ko! Bakla lang?

   Madali akong lumabas ng clinic at dumiretso sa room ko.

    Recess, gusto ko sanang lapitan si Blas para ikwento ang nga nangyari kaso bawal ko siyang lapitan kapag Chloe mode ako, mahirap kasing ma-issue sa isang malibog kagaya ni Blas. Wehehe! Joke lang, basta iniiwasan kong awayin si Blas ng mga lalaking nagkakandarapa sa ganda ko este ni Chloe. Para na din sa safety ng malibog kong bestfriend.

Naka-upo ako ngayon sa isang bakanteng lamesa bandang likod na part ng canteen. Ayokong mapansin ng ibang mga tao dahil siguradong lalapitan nanaman ako ni Gibson at hahabul-habulin ang nyawa! Hinihintay ko kung dadating ba si KZ my labs.

Ilang minuto pa ang lumipas, naubos na yung inorder kong nachos. Kasabay non ang pagdating ng my labs ko. Dahan-dahan ang hakbang niya at paika-ika. Naawa ako sa kalagayan niya. Ayokong makita siyang nahihirapan, ang paghihirap niya ay times 10 para sa'kin. Ganun ang pag-ibig!

Nanlaki ang mata ko matapos kong makita ang isang balat ng saging na naka-hambalang sa dadaanan ni Mylabs at nagbabadya niyang maapakan.

    Nako! Hindi! Baka madulas si mylabs at madagdagan ang injury niya.

    Nang dahil sa nakita kong nagbabadyang mang-yari, walang pagdadalawang isip akong tumakbo papunta kay Mylabs para iligtas siya sa aksidenteng kahahantungan niya. Hindi nga ako nagkamali at natapakan niya yung balat nung saging na nasa tabi ni Blas kaya madali siyang nadulas. Buti nalang nasa likod na niya ako kaya madali kong naalalayan ang likuran niya bago pa man siya tuluyang bumagsak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Coco 50/50Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon