Third Person's POV
Sabi nila, crush is only paghanga.
Meaning, nagkaka-crush ka kapag may nakita kang kahanga-hangang katangian sa isang tao- masarap pagmasdan na mukha, magandang katawan, nakakatunaw na titig, perpektong ugali, nakakabilib na talento, nakakahimatay na ngiti, mapormang pananamit, magandang tindig.
Haaayyy...
Nakangiting napangalumbaba si Mizraim habang nakatitig sa crush na crush nyang si Terrence Alcantara habang naglalaro ng basketball sa outdoor court 'di kalayuan. Lahat ng kahanga-hangang katangian na hanap nya ay na kay Terrence na. Haayy...
Why so perfect, my labs? birong saisip nya.
Iniangat ng dalaga ang kamay sa ere na tila inaabot ito. Pero natigilan sya nang may humampas sa kamay nya.
"Tigilan mo 'yan, Mizraim! Mukha kang timang!" saway ng isa sa classmate at kaibigan niya na si Aiessa. Kasalukuyan silang nakaupo sa rectangular na sementadong mesa sa ilalim ng punong mangga dahil recess time nila.
"Hindi ka pa ba sanay?" nakatutok sa libro na tanong rito ng isa pa nilang kaibigan na si Yelena. Inilipat nito sa ibang pahina ang binabasa. "Nawawala sa sarili ang isang Mizraim Ashia pag nakikita ang isang Terrence Alcantara."
"True to life!" sang-ayon ni Mizaki. Half Filipino-Half Japanese ang friend nilang yan kaya ang name ay kakaiba- Mizaki Yhurie.
Ang totoo ay fourteen silang magkakaibigan. 12 na babae. Namely, sya (Mizraim), si Aiessa, Yelena, Kyira, Mizaki, Anathea, Nathalie, Rhein, Reika, Yniez, Nimfa, at Eureka. Ang dalawang lalaki ay sina Alasthair at Ezekiel. We call theirselves 'The Bestfriends'. Pare-pareho silang 4th year students, section A. Truth is, magkakalaban silang lahat sa honor roll. Number one rule nila: bestfriends outside, enemies inside the classroom. Mahirap isa-isahin ang ranking dahil actually ay nagpapalit-palit sila ng pwesto. Pero ang hindi naaalis ay sina Aeissa bilang 1st at Nimfa bilang 2nd. Sa 3rd pababa ay silang natitira na. Kasalukuyang grading, nasa 4th si Mizraim. Hindi na masama, 'di ba?
Magkakasundo sila dahil priority nila ang pag-aaral at nakahanap sila sa isa't isa ng karamay kapag nakakaranas ng unos sa buhay. Mula first year ay magkakaibigan silang lahat kaya kilalang-kilala na nila ang bawat isa. Tulad na lang ng lihim na pagsintang pururot nya kay Terrence.
Unang kita palang nya noon kay Terrence ay nagkagusto na sya rito kahit pa mas matanda ito ng apat na taon sa kanya. Hindi nya inilihim sa mga kaibigan kaya saksi ang mga ito sa pagkabaliw nya kay Terrence. First year sya noon, at 4th year si Terrence nang una nya itong makita. Ngayon na 4th year na sya, si Terrence ay 3rd year College, Engineering course. Nasa iisang campus sila kaya lagi nya itong nakikita.
Mizraim's PoV
"Mizraim..."
Napatingin ako sa tumawag sa akin. Si kuya Alasthair. Pogi yan, hunk, matangkad at tsinito. Marami syang friends (na tinatawag nga nyang 'tropa') pero hindi ko lang alam kung bakit mas gusto nya kaming kasama. Feeling ko may isa syang crush sa amin. Charot!
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Kailan ka magtatapat kay Terrence?"
Nabingi 'ata ako. "Hanu?"
"Kailan ka magtatapat ng nararamdaman mo kay Terrence?" ulit nito.
"Kaya nga, bes. Four years mo ng tinatanaw sa malayo yang crush mo," ani Eureka.
"Eh kasi-"
"Dapat magpakilala ka na sa kanya," susog ni Yelena.
"Tingnan mo, maraming umaalialigid sa kanya na mga chaka," dagdag ni Yniez na may tinuro. Sinundan ko ng tingin. At doon nakita ko ang mga nagtitilian na maraming babae na maiikli ang uniform. "Sila nga hindi nahiya, tapos ikaw na maganda, mabait, talented, matalino at matino, ikaw pa ang mahihiya?"
Napangiti ako ng mapait. "Hindi naman ako ang tipo nya." Kilala ko lahat ng mga naging girlfriend nya. Ni-research ko talaga. Ang mga gusto nya ay mala-Beauty Queen. Malayong-malayo sa tipo ko. " Plain lang ako. Hindi nya ako mapapansin 'yan. Ni hindi ako marunong maglagay ng lipstick."
"Masyado kang nega, bes. Subukan mo muna." -Anathea.
"Tsaka' di mo talaga kailangan ng lipstick dahil natural na mapula ang labi mo," dagdag pampakas loob ni Ezekiel.
Unti-unti tuloy napapaisip ako. Gawin ko na ba? Kaya ko ba?
Nang hindi pa rin ako umiimik, muli akong tinanong ni kuya Alasthair. "Kaya mo bang grumaduate sya at grumaduate ka na ni hindi ka man lang nya nakilala?"
Dahan-dahang dumako pabalik ang paningin ko kay Terrence. At sa hindi ko inaasahan, nakatingin rin sya sa akin.
My ghed, sa akin nga ba?
Bumaling ang leeg ko sa mga kaibigan ko pero ang mga mata ko ay nakatuon pa rin kay Terrence na patuloy na nakikipagtitigan sa akin. "Uh, G-guys, i-is he- d-did he-"
"Yes. Loka! Kinikilig ako," tili ni Reika na hinahampas ako sa balikat pero pilit kong iniiwasan.
"Masakit, gaga!" Tiningnan ko ito ng masama at ginantihan ng palo.
"Sorry na, kinikilig lang ako." Muli itong tumili. "Tumingin siya sa iyo, bes."
Kung ganoon, totoo nga. Napatakip ako sa bibig ko at muling lihim na tumingin kay Terrence kaya lang nakatalikod na ito at naglalaro ng muli.
Bigla ako nalungkot. Look at me again, my labs. Isang sulyap lang, solve na ako. Promise.
"Actually, hindi iyan ang una, Mizraim," ani Yelena na umagaw ng atensyon ko. Kunot ang noong pinanood ko ito habang itinatago sa bag ang kaninang hawak na libro.
Hindi ko agad nakuha ang ibig sabihin nito. Loading ang anteh niyo.
"May napansin kami. Kaya naman sinasabihan ka namin na magtapat na."
Tumibok ng mabilis ang puso ko. "A-ano ang ibig niyong sabihin, bes?"
"Third year tayo nang mapansin namin na kapag hindi ka nakatingin ay nakatingin siya sa iyo. Ayaw lang namin sabihin sa iyo dahil hindi namin gustong bigyan ka ng maling pag-asa."
Napangisi si kuya Alasthair na tila may naalala. "May time pa nga na kapag nahuhuli namin siyang nakatingin sa iyo, bigla siyang mag-iiwas ng tingin na tila nahuhuling gumawa ng masama sa akto."
"Oum," sang-ayon ni Rhein at lumapit sa tabi ko. Tsismosang-tsismosa ang dating. "Alam mo ang pinakanakakaintriga, bes?"
"Ano?"
"Hindi na sya nagka-girlfriend mula noon."
Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko man gusto ay nagdesisyong bigla ang puso ko. Magtatapat na ako!
BINABASA MO ANG
Tied By Hundred Lies
RomanceMizraim is a type of girl who will do everything for the sake of love. Even she suffers, hurt other people, and tie hundred of lies, she will do it for the sake of love. But as the saying goes, "in every action, there's consequences." What will she...