Chapter 2: Paano Ba?

22 13 8
                                    

Third Person's PoV

Pinagpapawisan ng malamig si Mizraim habang naglalakad palapit sa College of Engineering. Dalawang palapag ang building na tinatahak nya at alam nya na nasa itaas ang room nina Terrence. Alam nya dahil mula fourth year ito ay ini-stalk nya na ito.

I stalked him for four years, myghed!

Mahigpit na hawak nya sa kamay ang ginawang love letter habang dahan-dahan niyang inakyat ang ikalawang palapag. Sa letter nya idinaan ang pagtatapat dahil hindi nya kaya ng personal. At isa pa, mas sweet ang letter.

Malapit na sya sa room ng mga ito nang bigla nya itong makitang lumabas at pumihit sa direksyon nya. Sa nerbiyos ay mabilis syang tumalikod at itinago ang mukha sa pader.

Ghed! Don't talk to me! Please don't see me.

Kaya lang mukhang bingi ang kapalaran dahil tumigil ito sa mismong tabi nya. Narinig nyang pinauna nitong maglakad ang kasama.

Ghed! Patay na.

"Hi."

Luh. Hi daw. Dahan-dahang inangat ni Mizraim ang mukha kaya nasalubong nya ang matiim na titig ng binata. "A-Ahm..."

Bumaba ang tingin nito sa dibdib nya. "Mizraim Ashia D. Montero." Basa nito sa nakasulat na name sa I.D. niya. Hinawakan nito 'yon at tinanggal mula sa holder para titigan. Hindi siya nakagalaw dahil sa gulat at nerbiyos. Nadikit ang likod ng kamay nito sa dibdib nya! Pero parang wala lang rito. "Base here in your section and on your uniform, you're high school." Sa halip na sumagot ay parang engot na niyuko ng dalaga ang sarili upang pasadahan ng tingin ang suot.

"A-Ahm..."

"Maliban sa 'ahm', ano pa ang kaya mong sabihin?"

"Uh, a-ahm–" Ghed. Lumikot ang mata nya upang humagilap ng sasabihin ngunit wala siyang maisip. Sa halip, hinablot nya ang I.D. niya mula rito.

Sumeryoso ang mukha nito. "Bakit ka nandito sa College building?"

Napapikit siya ng mariin sa sobrang hiya. "A-ano..." Gusto niyang bumuka na lang ang lupa at lamunin siya ng buo sa sobrang kahihiyan.

"Well?"

Mahina siyang napamura sa isip at inabot rito ang love letter. Walang sali-salita siyang tumalikod rito pagkaabot at nagmamadaling tumakbo palayo habang mahinang tumitili. Myghed! I did it!

Pagdating sa building ng high school ay hindi muna sya pumasok ng classroom. Tumago sya sa likod at hinihingal na sumandal sa pader. Ghed! That was so embarrassing. Kinalma nya ang sarili bago niyuko ang hawak upang ibalik sa I.D. holder, ngunit nanlaki ang mga mata niya nang makita nya ang nasa kamay.

Ang love letter!

Myghed! Kung ganun... Yung I.D. ang naibigay nya kay Terrence!

----------------------

Mizraim's PoV

"I.D?" tanong ni Nathalie.

"As in school I.D?" paniniguro ni Nimfa.

Napu-frustrate na ako. Gusto ko sabunutan sarili ko. "Oo nga. Hindi love letter ang naibigay ko kundi 'yong I.D. ko."

"Bakit ka napu-frustrate dyan eh maibabalik din sa'yo 'yon? I.D. nga, bhest eh. Identification mo 'yon. Iyo 'yon," si Rhein.

Lalo akong nadepress. "Hindi naman 'yon eh." Gusto ko maglupasay. "Ang problema kasi, ang oily-oily ng mukha ko doon, malaki ang eyebags at walang suklay. In short, nakakahiya dahil ang chaka chaka ko doon."

Natawa sila sa akin. "Ayaw mo 'yon? Kung magugustuhan ka niya, doon muna sa worst side mo."

"Bago niya mahalin ang mukhang Diyosa, doon muna sa mukhang Badjao."

Lalo akong naglupasay. "I hate you all!"

-------------------

Terrence' PoV

Isang oras na akong nakatayo sa gilid ng guard house. Isang oras na ring nakikipagtalo sa gwardiya ng school ang babaeng tinitingnan ko.

Naaaliw akong panoorin itong nagpapadyak sa inis habang ang kausap nito ay mahinahong itinuturo ang signage sa harap ng gate.

Ang nakalagay, No I.D, No Entry.

Maraming kasama ang babae kanina na mahihinuhang mga kaibigan nito. Sinubukan ng mga itong pumasok ng sabay-sabay, sa gitna ang babaeng nakakaaliw, nagbabakasali marahil na makalusot pero inisa-isa pa rin ang mga ito ng guards.

Ang nangyari, naiwan ang babae. Napailing ako.

"Sige na, Manong Guard," narinig kong muling pakiusap nito. "May quiz kami ngayon sa first subject. Mali-late na ho ako."

"Hindi ko kasalanan 'yan," medyo inis ng sagot ng guwardiya at nagpameywang. "Sumusunod lang kami sa policy ng school."

Nagdesisyon na akong lumapit. Naiiyak na ang babae.

"Sige na po." Pinagsalikop nito ang kamay na tila nagdarasal. "H-hindi ko po talaga–"

Bigla akong natawa. Ang cute niya grabe.

Natigilan ito sa pagpapaliwanag at nilingon ako.

Nanlaki ang mata nito nang makilala ako. "Ikaw!"

Nginisian ko ito bago inabot sa kanya ang I.D. na kanina pa nasa kamay ko. "Here." Mabilis nitong kinuha 'yon. "Bago ka kasi mag-abot ng mga bagay, tingnan mo munang mabuti."
-----------------------

Mizraim's PoV

Hindi ko alam kung mabubwisit o magpapasalamat ako kay Terrence. Nakakahiya ang araw na ito.

Nagdesisyon akong talikuran na lang ito at nagsimulang maglakad. Pero anak ng tinapa, sumabay ito. "Hindi dito ang daan papunta sa building niyo," hindi ko napigilang komento.

He just shrugged. "Okay lang. Ikaw nga, narating ang building namin kahit malayo sa inyo, 'di ba?"

Napanguso ako. Kailangan bang ipaalala?

"I-ikaw bahala." Sagot ko na lang at nagsimula ng maglakad... kasabay nito.

"By the way, you look so cute in your picture."

Namumula akong napayuko. "T-thank y-you."

Lihim na nagdiriwang ang puso ko. Subalit sa likod ng isip ko, alam kong sumabay ito dahil may nais itong alamin.

"Kahapon..."

Ayan na. "Hmm?" painosente kong tanong habang nakatutok ang mata sa sahig.

"Bakit ka nasa College namin?"

Hindi ako umimik at patuloy lang sa paglakad. Iniisip ko kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo o hindi.

Nang mapatingin ako sa paligid, napansin kong nakatingin sa amin lahat ng mga estudyante. Hindi ko sila masisi dahil sikat si Terrence sa buong campus bilang varsity player at campus hearthtrob. Nakaramdam ako ng ilang at hiya kaya hindi ako sumagot.

Huminto ako sa paghakbang dahil nasa tapat na kami ng pintuan ng room namin. Huminto rin ito at namulsa. "Alam kong may ibibigay ka sa akin, nagkamali ka lang ng abot."

Tiningala ko ito at pilit na sinalubong ang titig. Ngayon ko lang narealize na sobrang tangkad nito. Kakailanganin ko pa sigurong sumampa sa isang upuan para mahalikan ito.

Hala! Nanlaki ang mata ko. Myghed! Ano ang nasabi ko? Erase! Erase!

Tumikhim ako at pilit inayos ang composure ko. Sa mahinang tinig ay, "ibibigay ko sa'yo ang bagay na tinatago ko kapag handa na ako."

'Yon lang at pumasok na ako sa room ko. Pagkaupo sa sariling upuan ko ay bigla rin akong tumayo upang silipin ito. Ngunit malayo na. Naglalakad na siya papuntang building nila. Nahampas ko na lang ang sariling noo ko. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko.

Paano ba? Paano ba magtapat? Paano mawalan ng hiya? Paano umamin sa nararamdaman nang nakatitig sa mga mata?

I bit my lower lip, because I really don't know the answer.
-------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tied By Hundred LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon