WEIRDO. Isang malaking weirdo ang boss nila.
Matapos siya nitong hilain patungo sa loob ng CEO's office ay inilock nito ang pinto at inutusan siyang linisin uli ang silid kahit malinis naman ito. Para hindi na humaba ang usapan ay sumunod na lang si Toni at nagsawalang kibo, kahit ang totoo ay natutukso siyang kutusan ang lalaki.
Habang nagvavacuum siya sa sahig ay ramdam niya ang maya't mayang pagsulyap ni Shanti sa kan'ya mula sa upuan nito habang nagtatrabaho sa harap ng laptop. Animo'y binabantayan siya sakaling lumabas siya ng silid. Hindi niya pinansin o tinignan ang lalaki. Nakaabang ang mga mata niya sa oras, limang minuto na lang ay lunch break na niya.
Isang minuto bago pumatak ng eksaktong alas onse ay may kumatok sa pinto. Akmang pagbubuksan niya ito nang pigilan siya ni Shanti.
"Ako na." Tumayo ito at nagtungo sa pinto.
"Here's your food delivery, man." Bungad ng long- haired na kaibigan ni Shanti. "Marami yan, baka gusto mo ng tulong kuma--"
"Shut up." Ibinagsak ni Shanti ang pinto pasara.
Tumungo ito sa sofa table at inilabas ang mga pagkain mula sa paperbag. Agad niyang nakilala ang pamilyar na logo ng Jollibee. Saglit na natakam si Toni sa samu't saring inorder nito, lalo na sa malaking chicken bucket na may maraming gravy.
Nang mag- angat ng tingin sa kan'ya si Shanti ay mabilis siyang umiwas ng tingin at nagpatuloy sa pagvavacuum.
"Come here, witch." Natigilan siya sa pagtawag ng lalaki.
"Uh, bakit?"
"It's lunch break." Anas nito.
"Oo nga no. Lalabas muna ako, sir. Kasabay ko kasi sila Arjie maglunch." Pormal na tugon niya.
Sumama ang timpla ng mukha nito. "Are you dumb or what? I ordered these cheap fast foods because of you. It's your favorite, right?" Aroganteng sambit ni Shanti.
"Paano mo nalamang favorite ko yan?" Tanong niya kahit obvious naman na nakikinig ito kanina sa usapan nila ng mga empleyado nito.
"Does it matter? Ang mahalaga ay alam ko."
"Bakit mahalagang alam mo?" Tanong niya at bahagyang napakunot ang noo. Natigilan naman si Shanti at tigalgal na napatingin sa kan'ya.
"H-Hey! Don't assume things. Y-You're my.. my janitress in my office and.. and I w-want to make sure this is clean all the time so.."
"So?" Umarko ang isang kilay niya.
"..so we should eat now." Pahina ng pahina ang boses nito habang tensyonado na nakatingin sa kan'ya. Nagtataka niyang tinignan si Shanti.
"Anong konek?"
"Can't you just sit here and eat without questioning me?! Just be grateful I treat you your favorite because I don't usually do this to anyone." Iritang singhal nito.
"Hindi ko naman sinabing ilibre mo 'ko ng Jollibee ah."
Bahagyang nagulat si Toni nang padabog na tumayo si Shanti at mabilis na lumapit sa kan'ya. Hinila nito ang pulso niya at itinulak siya paupo sa sofa. Napamaang siya sa ginawa nito.
"Just eat. Libre lahat yan, walang kapalit at hindi utang na loob." Seryosong ani ni Shanti habang mariing nakatitig sa kan'ya.
"Pero may usapan na kami ni Arjie--"
"He's fired." Namilog ang mga mata ni Toni.
"Ano?!Kailan siya nasisante?"
"Less than 10 seconds ago." Balewalang sagot nito at umupo sa kaharap niyang sofa. Inilapit nito muna sa kan'ya ang kanin, spaghetti, fried chicken and coca cola drink na nasa cup bago nagsimulang kumain.
BINABASA MO ANG
Make Me Yours (Vixen Society #1)
General FictionShanti Caesar De Rossi got it all. Multimillion dollars, gold bars and great power. He's a 'what I want, I get' type of man. With his enormous wealth and influence, he can have everything he want in a snap of finger. But not until he met Augusta, a...