Chapter 1

1K 26 1
                                    




"Goodmooooorning..." Bati ko kay Mommy at Daddy habang pababa ng hagdan, nakita ko sila na nagpeprepare ng breakfast namin, si Mommy na inaayos ang sink at si Daddy na inaayos naman ang table namin.

"Goodmorning baby.." Bati nilang dalwa habang nakangiti.

"Halika na dito at kumain na. Baka malate ka pa sa school mo." Sabi naman ni Daddy at hinigit ang upuan upang makaupo ako.

"Salamat." Sabi ko. Naglinga linga ako. "Nasan si Yaya Joy?" Tanong ko. Napabuntong hininga naman si Mommy at tumingin kay Daddy.

"Pinagday off muna namin ng daddy mo, may sakit kasi ang mama niya, walang magbabantay kaya hinayaan na muna naming makauwi ng probinsya." Sagot ni Mommy na siyang kinalungkot ko. Si Yaya kasi ang lagi kung kasama at maging tropa nadin, madalas siya ang nag aasikaso sakin lalo na kapag nasa business trip si Mommy at Daddy abroad.

"Ganon ba."

"Pero wag kang mag alala babalik naman siya, but for now, kami na muna ni daddy mo ang maghahatid at sundo sayo sa school." Agad akong napangiti dahil sa sinabi ni Mommy, si Yaya din kasi taga hatid at sundo ko dahil marunong din naman siyang magdrive.

"Really!?" Agad silang napatango.

"Yes habang hindi pa kami busy masyado ng mommy mo."

"E pano si Tito Arnel?" Tanong ko, siya naman kasi yung driver talaga namin.

Kumunot naman noo ni Daddy. "Wait, ayaw mo ba na kami maghatid at sundo sayo?"

"No! No! I'm just reassuring na kayo talaga susundo at maghahatid sakin sa school."

"Okay okay, let's eat bago lumamig ang pagkain." Sabi ni Mommy. Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa table na puno ng breakfast namin.


Anyway, I'm Rebecca Patricia Armstrong, Senior High sa isang prestigious school, I'm from a rich family, only child of Mr and Mrs Armstrong, kung nagtataka kayo saan nanggaling ang Armstrong, yun ay mula sa tunay kong father na nasa heaven na, he had an accident 10yrs ago while heading home, bata pa ako nung mga time na yon. Si mommy nalang ang nakasama ko until she met Daddy Anthony, he is only my step-dad but he treat me the way my Father treat me. I love him so much, he gave me so much love like his own daughter and to my mother as well. As long that he loves my mother, I will respect him and treat him like my father.

"We're here baby." Agad nakuha nila mommy ang atensyon ko na nakatingin sakin mula sa backseat ng kotse. Napatingin ako sa labas, nandito na nga kami sa tapat ng School namin.

Ngumiti ako at nagpaalam sakanila bago bumaba.

"Take care okay? Gusto mo bang ihatid ka namin sa loob?" Agad silang napatawa kasabay ng pagkunot ng noo ko.

"No!" Agad na sagot ko. "Dad, Mom! I can take care of myself okay? Dont worry, and isa pa dalaga na ko, para naman akong bata nan kung hanggang sa loob ihahatid niyo ako." Sagot ko na ikinatawa nila.

"Binibiro ka lang namin, o siya sige na at baka malate kapa." Sabi nilang dalwa kaya naman bumaba nako.

Pagkababa ko ng kotse nagwave lang ako sa kanila upang magpaalam bago humarap sa daang tatahakin ko.

Ngumiti ako at bumuntong hininga, napangisi ako ng maramdaman ko ang mga tingin sakin ng ibang estudyante at alam ko din na pinagbubulungan nila ako.

Actually, sikat ako sa school na to. Mayaman ako diba? Malaki ang shares ng family ko sa school na to kaya lahat sila takot sakin. Hindi ko maintindihan kung bakit sila natatakot sa isang katulad ko na wala namang ibang ambag sa school na to kundi ang mambully kapag trip ko. Campus Princess ang bansag nila sakin pero alam ko din naman na Witch naman ang tawag ng ibang may galit sakin. Lalo na sa mga inggit, nasa akin na kasi ang lahat. Maganda, maraming talento, sikat, mayaman, matalino.

I Will Be Here: FreenBeckyWhere stories live. Discover now