CHAPTER 1 (Crizel Teodoro)

345 19 1
                                    

Panay ako ng tipa sa cellphone ko dahil nakikipag away na naman ako ngayon sa social media, gustong gusto ko kase talagang nambubully. Napahinto ako sa pag titipa dahil tumawag ang best friend ko

“Yes?” tanong ko nang sagutin ko ang tawag

“Alam mo ba ang nangyari sa isang binully mo? Muntik nang tumalon sa building. Itigil mo na nga ‘yang ginagawa mo!” sermon n’ya, ano bang pakealam n’ya eh buhay ko ‘to.

“Bakit ba hindi mo na lang ako suportahan?” naiinis kong tanong

“Crizel, gumising kana sa kahibangan mo. Gusto mo bang may mawala pang buhay dahil d’yan sa ginagawa mo?!” sigaw pa ito.

Humarap muna ako sa laptop ko bago ako ulit nagsalita “I want attention Nicole, kaya pabayaan mo ako”

“Nasaiyo naman ang atensyon ng parents mo at mga kaibigan mo, ano pa bang atensyon?!” sermon ulit nito. Dahil sa inis ko ay pinatayan ko na lang s’ya ng tawag. Nakakainis bakit ba nangengealam s’ya sa buhay ko. Hindi ko nga s’ya pinakialaman na papalit-palit ng lalaki tapos ako itong papakealaman n’ya.

Narinig ko naman ang yapak ni mommy kaya hinintay ko itong pumasok, nang makapasok ito ay gumuhit sa mga labi n’ya ang ngiti

“How‘s my angel?” tanong n’ya bago bumeso saakin.

“I‘m good mom” sagot ko

“Narinig ko kanina sa isang maid natin na may binuhusan ka ng mainit na tubig, is that true?” tanong n’ya. Sinasabi ko na nga ba at may magsusumbong at magsusumbong talaga

“If totoo ito mom, magagalit ka ba saakin?” tanong ko

“Well, oo naman sweetie. Please be kind to our maid okay? they are here to serve you so don’t treat them like a shit” pangaral saakin ni mommy, akala ko sisigawan ako nito but I was wrong. Si daddy lang naman ang grabe magalit saakin

“Yes mom, I‘m sorry again” paghingi ko ng tawad kahit hindi naman ako sincere

“Okay, ito nga pala ang allowance mo. Go have some fun okay? pupunta pa ako sa opisina kaya hindi kita masasamahan sa paggagala mo. I know kaya mo naman right?” sabi ni mommy

“Opo” sagot ko, niyakap ko muna ito bago s’ya lumabas. Okay I will go shopping. Kinuha ko ang phone ko at kaagad tinawagan ang best friend kong si nicole. Nang sagutin n’ya ang tawag ay kaagad akong nagsalita.

“Still mad at me?” tanong ko sa mababang tono.

“Kunti” tipid n’yang sagot

“Gusto mo bang sumama saakin mag shopping?” tanong ko

“Wala akong pera” sagot n’ya pabalik

“Oh come on, treat ko. Basta bati na tayo?” pagsumamo ko

“Hindi mo ako madadala sa mga ganyan mo crizel, sinasabi ko lang ‘yung kanina dahil too much na ‘yang ginagawa mo” sagot n’ya. Okay, here we go again

“You know what, let’s have some fun na lang muna okay? mamaya mo na ako pagalitan” sagot ko “Pumunta ka mamaya sa bahay okay? mamayang 6pm” pagpapatuloy ko pa bago pinatay ang tawag. 10am pa lang ngayon kaya makikipag away na lang ako ulit sa mga bwesit na ito.

──────────

“Sino ba itong santa muerte at ang tanga-tanga? wala ba itong common sense?” tanong ko sa sarili ko dahil nag shared post ito patungkol sa isang post kung saan ay nakalagay na sa genre ng post na horror and comedy ito and the story is only fiction pero hindi parin nakaintindi at binash pa mismo ang nagmamay-ari ng mismong post. The audacity? panigurado ako na hindi nga ito makapag create ng sarili n’yang story pero kung makapang bash ay wagas. Basher nga naman ay walang ginawa kundi mag comment ng negative comment to pull others down, nasa pilipinas nga tayo kung saan kunting mali lang ay pinupuna kaagad.

Inayos ko muna ang nakalugay kong buhok bago nag react ng ‘haha’ sa post nito. Stupid people wasting their time bashing someone.

“Ma’am crizel, ito na po ang coffee n’yo” sabi ng isang maid, napatingin ako sa kan’ya at mukhang baguhan nga ito. Oo nga pala umalis na ‘yung isang maid namin dito dahil hindi marunong sa simple instructions.

“Pakilapag na lang sa table” sagot ko bago ibinalik ang tingin ko sa cellphone ko.

Pagsapit ng 5:30pm ay nag prepare na ako ng sarili ko, I wear light make up dahil ayukong magmukhang coloring book. Nag suot lang ako ng simple jeans and white croptop. Nang makitang ayos na ako ay sakto rin na pumasok ang isang maid sa kwarto ko.

“Ma’am, may nag hahanap po sainyo sa ibaba” magalang na sabi ng babae

“Wala bang nagsabi sa‘yo na kumatok muna bago pumasok?” mataray na tanong ko habang nakataas ang kilay

“Sorry po ma’am” paghingi n’ya ng tawad

“Baguhan ka pa lang diba? pero palpak ka na kaagad!” bulyaw ko bago s’ya tinabig para makalabas ako sa pinto. Nang makababa sa hagdan ay bumungad saakin ang best friend kong si danica

“Hey!” bati ko na nakangiti

“Mukhang may nangyaring pagtatalo sa loob ah” bungad na sabi n’ya kaya napairap ako. Hindi na ba s’ya nasanay?

“Anyways, nasaan ang iba pa nating mga kaibigan? sila satana and kane?” tanong nito

“I don’t know, siguro busy sa pagsasayang ng oras nila sa mga walang common sense” sagot ko na lang bago s’ya sinenyasan palabas.

“Mukhang masama ang gabi mo” sabi nito

“Yeah, I saw some random post kase and it freaking me out. Hindi ba nila alam ang fiction? they should search first before saying some nonsense stuff” sagot ko sa kan’ya nang papasakay na kami sa kotse ko.

“Kalma criz, let’s just enjoy this night okay?” pag amo nito saakin

“Okay fine” sagot ko bago pinaharurot paalis ang kotse ko.

I really hate those people na walang common sense.

Tubig (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon