CHAPTER 2 (She's here)

213 12 0
                                    

Lunes ngayon at kapapasok ko lang sa school, napansin ko ang isang babae na sumisigaw habang ang mukha nito ay may pulang likido. Ano ang nangyayari?

“Hey miss” pigil ko sa babaeng tumatakbo habang ang uniform nito ay puno na ng pulang likido

“M—may dugo ‘yung tubig!” sigaw n’ya bago binaklas ang kamay ko na nakahawak sa braso n’ya. Dugo?

Napalingon ako sa paligid dahil kahit ang ibang estudyante ay nag-aalala narin sa babaeng tumatakbo kanina na tila takot na takot ito.

“Alam n’yo na ba ang nangyari doon kanina?” tanong ko sa mga kaibigan ko nang makarating ako sa classroom

“Yes, pinauwi narin s’ya kanina eh. Isa na naman ba s’ya sa binully mo?” suspetsa ni danica

“No, kararating ko lang at nakita kong ganon na ang nangyari and I hate blood” sagot ko bago umupo sa bakante kong silya. Normal day lang ang nangyari not until naihi ang isa naming kaklase na si Aliyah. Isa rin s’ya sa mga bully ng school

“Sir, punta lang po akong comfort room” paalam n’ya

“Sure, ms. Sumallo” sagot ng teacher namin bago ulit ito nagpatuloy nang makalabas na si aliyah. Ilang minuto ang nakalipas nang dumating si aliyah na pawis na pawis at basang basa ito.

“Ms. Sumallo, anong nangyari?” nag-aalalang tanong ng teacher namin habang nilalapitan n’ya ito

“There‘s a ghost!” sigaw n’ya

“Ms. Sumallo, baka nagkakamali ka lang or may nananakot lang na estudyante?” pang-uusisa ng teacher namin

“No ma’am, I‘m telling the truth! bigla na lang sumindi lahat ng gripo nang lumabas ako sa cubicle and mas malala pa ang sunod na nangyari dahil I saw a girl in the door she was smiling at me bago biglang sumara ang pinto!” sigaw pa nito na tila nababaliw na.

“Ms. Sumallo, calm down. Come to the guidance office” sagot ng teacher namin bago s’ya sinamahan palabas.

Weird.

Lunch time na namin at kumakain kaming magkakaibigan dito sa restaurant.

“Natatakot ba kayo sa ghost?” tanong ni satana

“No” sagot ko, hindi ko pa naman nararanasan kaya hindi ako matatakot

“Same” sagot ni kane

“Danica bakit ang tahimik mo?” tanong ko

“Wala, iniisip ko lang ‘yung gastosin namin sa bahay” sagot n’ya bago kumain

“Gusto mo bang bigyan kita ng money para kahit papaano ay hindi ka mahirapan?” tanong ko

“No, marami ka nang naitulong saakin. Kaya ko na ito” pagtanggi n’ya bago ngumiti. I badly want to help her lalo na best friend ko s’ya. Masama lang naman ako sa ibang tao pero pagdating sa mga kaibigan ko ay mas malambot pa sa marshmallow ang puso ko.

SANTA  MUERTE POV

“Nabasa mo na ba ang story nitong si zai? grabe ang tanga gumawa ng plot” saad ko sa kaklase ko.

“Patingin nga” sagot nito bago hinablot ang cellphone ko.

“Ano masasabi mo sa chapter 1?” natatawa kong sabi

“Maganda naman ah, nakalagay na sa genre na horror and comedy ito bakit ka pa nag comment ng hate comment?” tanong n’ya

“Well, hindi ko bet ‘yung story. Ano bang—” napatigil ako sa pagsasalita nang mapatingin ako sa kaibigan ko na nakatingin sa likuran ko

“Bakit?” tanong ko

“May nakita kase akong sumilip sa pinto eh, mabilis lang kaya sa tingin ko ay guni-guni ko lang” sagot nito habang nakahawak sa sintido n’ya.

After nang class ay nagpaiwan ako rito sa classroom dahil may gagawin pa akong assignment.

“Ms. Muerte, gabi na bakit nandito ka pa?” tanong ng guard saakin

“Gagawa lang ako ng assignment” mataray kong sabi

“P’wede mo naman ‘yan gawin sa bahay n’yo” giit n’ya

“P’wede ba? Guard ka lang dito kaya pabayaan mo ako. Uuwi rin ako mamaya maya” sagot ko. Napailing ito bago umalis kaya pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Nakarinig ako ng yapak kaya bigla akong nainis

“Guard, bakit ba ang kulit?—” napatigil ako sa pagsasalita dahil nang iangat ko ang tingin ko ay ako lang ang nag-iisa sa loob ng classroom habang ang pinto ay nakabukas. Madilim narin ang paligid. Nag kibit balikat na lang ako bago ipinagpatuloy ang pagsusulat. Kumunot ang nuo ko nang may tumulo na tubig sa papel ko mula sa itaas. May ulan ba? Imposible naman atah ‘yun. Sunod-sunod ang pagtulo nito hanggang sa mabasa ang buo kong papel. Nang mapatingin ako sa itaas ay binalot ng kilabot ang katawan ko at hindi ako makagalaw.

“Rain rain go away come again another day~” kanta pa nito.

Kinaumagahan ay nabalitaan namin ang nangyari patungkol kay Ms. Muerte. Sinabi nilang nagbigti ito dahil nakita na lamang s’ya na nakasabit sa second floor building. Maaga pa lang ay nag tutumpukan na ang mga tao habang nakatanaw sa building namin kung saan nakasabit ang mahabang tela sa terrace ng building. Wala na ang bangkay nito dahil nirescue na ito pero wala na itong buhay. Sinabi rin ng guard na naabutan n’ya nga si Ms. Muerte pero umuwi na s’ya dahil ayaw pa nitong umuwi.

“Nag suicide kaya ‘yun?” tanong ni satana

“Siguro” sagot ko

“Grabe na talaga ang mga nangyayari ngayon” sabi pa ni kane

“Mabuti na lang kahit malungkot tayo hindi natin naisipan ‘yung mga ganong bagay” sabi pa ni satana. Napatingin ako sa isang babae nang mabunggo ako nito

“Sorry Ms. Teodoro” paghingi n’ya kaagad ng tawad

“Aime Fernandez right?” tanong ko

“Y—yes po” nauutal n’yang sabi habang nakayuko

“Matuto kang tumingin sa dinaraanan mo bago mo unahin ang pakikipag chismisan” taas nuo kong sabi, napansin ko kaseng nakatingin s’ya sa mga estudyanteng nagtutumpokan kanina kaya nabangga ako nito.

“Yes Ms. I‘m sorry again” hingi n’ya ulit ng tawad bago naglakad paalis.

ALIYAH SUMALLO POV

Nasa bahay ako ngayon at takot na takot parin, nakakulong na ako ngayon sa kwarto ko dahil hindi parin mawala wala sa isip ko ang nangyari kanina eh hindi ko nga alam kung bakit ako nito minumulto.

“Ma’am ito po ang kape n’yo” sabi ng isa naming katulong, kapapasok lang nito kaya pinalapag ko ang kape sa side table ko. Nang makalabas ito ay kinuha ko na ang kape, iinumin ko na sana ito ngunit nakarinig ako ulit ng tinig na ayuko na ulit marining

“Little Aliyah want to drink, zai zai go away~” kanta nito. Napatingin ako sa kape nang makita ko ang punit nitong bibig na kumakanta, dahil sa taranta ay naitapon ko sa binti ko ang mainit na kape kaya napasigaw ako sa sakit.

“Yaya!” sigaw ko, nang bumukas ang pinto hindi si yaya ang bumungad saakin kundi isang babae na nakatalikod. Basa ang buo nitong katawan

“Sino ka?” tanong ko habang iniinda parin ang sakit sa binti ko

“Zaiji, let’s sing rain rain go away” sabi nito, kulob ang boses nito kaya mas lalo akong kinilabutan

“Huwag kang lalapit!” sigaw ko

“Aliyah aliyah time to run, zaiji is here. You will be in hell” kanta nito sa rain rain go away na tono.

Tubig (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon