Few weeks later, I started gaining friends. Mas naging close pa kami nina Ash. Sa pwesto namin, halos si Niccolo nalang ang hindi ko ka-close.
Kahit ang ibang classmates ko ay nakakausap ko na dahil nagsimula na din magkaro'n ng mga groupings sa ibang subject. At dahil pabibo ako, nakukuha tuloy akong leader palagi.
Madalas magrereklamo ako o di kaya ay tatanggi ako pero deep inside mas okay na din sa'kin 'yon. Ewan ko, mas kampante ako kapag ako yung leader kasi namo-monitor ko ng maayos. Hindi naman sa hindi ko gusto o ayokong maging leader ang mga kaklase ko pero mas napapanatag ang loob ko kapag ako.
Halos sa lahat ata ng groupings namin ay ako ang nagiging leader. First sem palang pero ito na ang kinakaharap ko.
Nang magrecess ay naisip ko na dalawin si Shane sa room niya. Nang dumating ako do'n ay may ginagawa siya kaya hindi niya ako napapansin na nakatayo sa pinto nila. Nakakahiya nga dahil nakatingin ang iba sa'kin.
"Sino pong kailangan niyo?", tanong sa'kin nung babaeng palabas ng pinto, bibili ata.
"Ahm, pwedeng patawag si Shane? Thank you", nagpasalamat ako dahil alam kong nakakaabala ako sa kanya.
When she called my friend, Shane's vision already went to mine before going out of her seat. "Baket, anong kailangan mo?"
"Puntahan natin si Gwen, namimiss ko na siya", pag-aaya ko sa kan'ya.
"E! Alam mo namang sa fifth floor pa 'yon ang taas taas, nakakapagod kayang umakyat."
"Bilis na, kaibigan naman natin 'yon, dalawang floor lang naman aakyatin natin e, please.." nagpacute pa ako sa kan'ya dahil alam kong hindi niya ako matatanggihan, at tama nga ako.
When we reached the right floor, we started searching on Gwen's room. Madali lang din naming nakita ang room ni Gwen dahil may nakalagay na listahan ng mga pangalan pati na rin yung section. Agad naman kaming nakita ni Gwen ng sumilip kami sa room niya.
"Uy! Ba't nandito kayo?", niyakap siya ni Shane bago ito sumagot.
"Ewan ko dito kay Coleen! Nananahimik ako sa room ko tapos biglang pupunta para lang ayain ako dito." pagsusumbong niya kay Gwen na tumawa lang naman sa sinabi niya.
"Kita mo Gwen? Parang sinasabi niya na ayaw ka niyang puntahan at kamustahin manlang! Parang ayaw ka niyang makita!"
Sinamaan ako ng tingin ni Kristel pero napawi din yun agad at biglang ngumiti sa'kin. Nababaliw na ba 'to?!
"Weh? Si Gwen nga ba talaga ang gusto mong makita dito?", she smiled devilishly at me.
I raised my right eyebrow at her. "Pinagsasabi mo? May iba pa ba akong dapat kitain dito?", nagtatakang tanong ko sa kanya.
Hindi pa rin mawala wala yung nakakaloko niyang ngiti sa'kin. Natigil lang 'yon ng tumingin siya sa gilid ko bago itaas ang kamay niya para sa isang apir.
Sinundan ko siya ng tingin, and to my shock, it was my ex who's standing beside me. Pati kay Gwen ay nakipag apir pa siya bago tumingin sa'kin.
Nakikipag apir din siya sa'kin. Nung una ay pinagiisipan ko pa kung tatanggapin ko o hindi pero sa huli ay nakipag apir nalang din ako.
Pinagpasalamat ko nalang na umalis na din siya agad pagkatapos no'n.
Nang binalik ko ang tingin sa dalawang kaibigan ko ay pareho silang nakatitig sa'kin habang nakangiti.
"I know that looks!" I just rolled my eyes at them.
"Alam mo, sayang talaga kayong dalawa. You two were so good–"

YOU ARE READING
Beyond Limits
FanfictionHaving a best friend is one of the luckiest thing Avianna Coleen had, and that is his very best friend Niccolo Dale.