CHAPTER 7

30 0 0
                                    

GIO POV

"Hello Prosecutor Silvera,kumusta naman ang buhay mo habang kasama si Rihaya?" the person on the other line said flatly.Parang natatawa rin siya pero pinipigilan lang niya.

Iba ang kutob ko dito..Parang... may binabalak siyang masama.

"Well,we are both happy."when i answered that,i smiled.

May pakiramdam na ako kong sino ito..Pero hindi ako sigurado.

"Magpakasaya muna kayo sa ngayon.Dahil dadating ang araw na magagawa ko na ang matagal ko nang plinano at sisiguraduhin kong masisira ang buhay mo dahil inagaw mo si Rihaya sa 'kin."humalakhak ang nasa kabilang linya.Parang masaya pa siya sa kanyang gagawin.Baliw talaga.

"By the way,nice meeting you Gio Manuel.I'm Anton,Rihaya's loyal ex-boyfriend."pagkatapos niyang sabihin iyon,in-end na niya ang tawag.

Hindi ko alam kong maniniwala ba ako o matakot ako sa banta niya...pero hindi ko maiwasan mangamba dahil buhay ko na ang pinag-uusapan.

Pano na si Rihaya? Hindi ako takot mamatay pero hindi ko kayang iwan siya.

Pumasok na ako sa loob dahil baka magtataka na si Rihaya kong bakit ako matagal.Nakita ko siyang tulala at parang ang lalim ng iniisip.

I smiled as if i had no problem."Babe,
what are you thinking?"yumakap ako sakanya at agad naman niyang isinandal ang ulo niya sa dibdib ko.

"Hmm.Wala lang to babe."

"Di ako naniniwala."sabi ko naman.
Nakita kong sumimangot siya.

"Naisip ko lang kong ano ang magiging buhay ko kasama ka.At akala ko na si Anton lang ang mamahalin ko pero nagkakamali ako dahil..."

"Dahil?"

"Dahil... Mas minahal kita."

Naiiyak ako.Kong kailan masaya na kami sa isa't-isa tsaka pa kami paglalayuin ng tadhana.Ang daya naman.

Kaya kahit masakit man saakin,alam kong ang tanging magagawa ko lang ay ilayo siya.Para hindi na siya madamay at hindi siya masasaktan.

"I love you more,babe."sabi ko at hinalikan ang noo niya.

Maya-maya lang ay dumating na si Renz na may dalang malaking backpack.

"Bakit ang laki ng dala mong bag?Dito ka na ba titira?"natatawang sabi ni Rihaya sakanyang kapatid.

"Kong pwede lang Ate pero baka mainggit lang ako kakanood sainyo  na ang sweet niyo diyan tapos ako wala man lang kalambingan."

"Maghanap ka na kasi ng mapapangasawa mo."

"Tsaka na Ate kapag mayaman na ako katulad mo na may sarili ng negosyo.
At hindi naman kailangan hanapin ang babae na para saakin.Because a right person welcome."

"Will come yun Renz hindi Welcome."

"Oo na Ate.Ikaw na ang tama.Palagi naman eh."

Natatawa ko silang pinagmasdan.
Sinamaan ng tingin ni Rihaya si Renz dahil sa sinabi nito.

"Joke lang Ate ikaw naman di mabiro."

"Joke ka dyan.Hali na nga kayo,kumain na tayo kanina pa ako gutom."sabi ni Rihaya at pumunta na sa kusina.

Tiningnan naman ako ni Renz."Anong nangyari dun Kuya? Bakit ang daling mapikon? Hindi naman siya ganun."

"Ewan ko din."sagot ko medyo nagtataka rin dahil hindi naman ganun si Rihaya.Eh,ang saya niya pa kani-kanina lang.

Naghain na ako ng mga pagkain bago ako umupo sa tabi ni Rihaya.Tahimik lang kami habang kumakain at nang matapos na ay tinawag ko si Christine para hugasan ang pinggan na ginamit namin.

Unforgettable Night(Silvera 'hermano' Series #3)Where stories live. Discover now